Chapter 07

1504 Words
ABALA sa pagpapasyal ng alagang Shih Tzu si Tami nang hapong iyon. Dadalhin niya sa park si Amara. Galing sa pangalan niya ang pangalan ng alaga niya. Tinanggal lang niya ang letter T sa Tamara. Regalo iyon sa kaniya ng kaniyang ama noong fifteen birthday niya. Kalalabas lang din niya sa school. At matapos ngang magbihis ay ang pagpapasyal naman sa alagang aso ang inasikaso niya. “Amara,” saway niya sa alaga nang bilisan pa niyon ang pagtakbo. “Don’t run. Amara!” Umawang ang labi niya nang kumahol lang iyon. Ano bang problema nito? Binilisan niya ang paglalakad. Hindi nagtagal ay huminto si Amara sa tapat ng isang gate na nakasara at nagkakahol doon. Amuse na pinanood niya ang alaga. May narinig din siyang kahol na nanggagaling sa loob ng mataas na gate. Tanaw buhat doon ang malaking mansiyon sa likod ng mataas na gate at bakod na pader na napipinturahan ng kulay puti. “Amara, let’s go,” aniya sa alaga na hinila-hila na ito pero pilit itong bumabalik sa tinigilan nitong puwesto sa tapat ng gate at muling kumahol. Nang makita niya sa kaniyang peripheral vision ang isang sasakyan na huminto ay napilitan na siyang buhatin si Amara. Pero nagpupumiglas ito. “Amara,” aniya nang tumalon pa iyon. Pati handle nito ay nabitiwan na rin niya. Pero hindi naman ito lumayo. Lumapit ito sa gate na nakasara at doon ay nagtatahol. May sumasagot din naman na tahol sa kabilang gate. Dinampot niya ang tali ng kaniyang alagang aso. Nang may tumikhim sa may likuran niya ay saka lang niya naalala ang kotse kanina. Apologetic ang mukha na pumihit siya paharap doon. Ngunit natigilan na naman siya nang makita ang mukha ng tumikhim. Napakurap-kurap siya nang makahuma. Pero ang puso yata niya ay hindi masasaway sa mabilis na namang kabog niyon. Pagkuwan ay sinulyapan niya ang kotse na mukhang papasok sa parte na iyon ng gate. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa mukha ni KG na nakatayo ngayon, isang dipa ang layo sa kaniya, tila amuse ito na pinagmamasdan siya. He’s wearing his business suit. Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. Bakit ang lakas-lakas ng dating nito lalo? Tumaas na naman ang level ng paghanga niya rito. Hindi naman masamang humanga sa mas ahead ang edad kaysa sa kaniya. At fifteen, mukhang nakuha ng isang twenty-four years old ang batang puso niya. “Nagkita na naman tayo,” amuse pa nitong wika. Napapahiyang nag-iwas siya nang tingin. Hindi niya magawang tugunin ang sinabi nito. Sa halip ay… “Ayaw umalis ni Amara. Pupunta sana kami sa park. B-bahay niyo ba ‘yan?” tukoy pa niya sa malaking bahay sa tapat nila. Muli niya itong tiningnan. Tumango ito. “Hmmm.” Tiningnan nito si Amara. “Mukhang nakahanap ng mate ang alaga mo,” anito na ibinalik ang tingin sa kaniya. “M-mate?” “Yeah. May male Shih Tzu diyan sa loob ng bahay. And for sure, kaya aggressive ang alaga mo dahil amoy niya na may male Shih Tzu diyan. At gustong makipag-mate ng aso mo.” Mate? Gusto ng makipag-mate ni Amara? Ibig sabihin ay in-heat ito nang mga sandaling iyon. Bumuntong-hininga siya. Muli siyang lumapit kay Amara at binuhat ito. “Bawal ka pang makipag-boyfriend, Amara,” saway pa niya rito na ikinatawa ni KG. Lumapit sa kanila ni Amara si KG at hinaplos pa ang ulo ng alaga niya. Himala at mukhang gusto pa ni Amara ang ginagawa ng binata sa ulo nito. “Kawawa naman ang alaga mo. Pati siya, bawal makipag-boyfriend. I think, she’s at the right age.” Bahagya niyang pinalo ang kamay nito para mahinto sa paghimas-himas sa ulo ni Amara. Iniiwas din niya iyon sa kamay nito. “Kahit nasa tamang edad na siya, hindi pa rin puwede.” “Strict ang mommy mo, Amara,” wika pa nito sa aso niya habang nangingiti. He’s kinda cute… “Pasensiya sa abala,” aniya na umakma ng aalis. Pero hayon na naman si Amara at nagpupumiglas sa pagkakahawak niya. “Mukhang ayaw pa niyang umalis. I think, gusto pa niyang ma-meet si Jacko.” Kung papayag siya na ma-meet ni Amara ang tinutukoy na Jacko ni KG, makikita pa niya nang matagal-tagal ang binata. Pero baka kung ano naman ang isipin ng mga tao sa bahay ng mga ito. “H-hindi na.” “Are you sure?” Tumango siya. “Pero kabaliktaran ang gusto ng alaga mo.” Napatingin siya kay Amara na kumahol na naman. Pasaway ka talaga. Amara. Don’t tell me, uunahan mo pa si Ate Shantal na magkaroon ng boyfriend? Sa isip ay napailing siya. “Hintayin mo na lang ako rito,” ani KG na lumapit sa gate at kumatok. Hindi nagtagal ay bumukas iyon. Sinalubong pa si KG ng naroong guard. Agad nitong inabot sa guwardiya ang susi ng kotse nito. Dumiretso na ito papasok sa loob. Si Tami naman ay pumunta sa gilid nang ipasok na nang guwardiya ang kotse ni KG sa loob. Doble ang laki ng bahay nina KG kaysa sa bahay nila. Marami ring magagarang sasakyan sa loob na nakagarahe. Hindi naman nagtagal at muling lumabas si KG. May dala na rin itong Shih Tzu. He looks more adorable… Tami, sa Shih Tzu ang tingin… ‘Wag sa may hawak ng Shih Tzu. Focus! saway pa sa kaniya ng epal na naman niyang isip. Napakurap-kurap pa siya nang muling sumara ang mataas na gate. “Tara sa park,” pag-aaya pa ni KG sa kaniya. “Papunta kayo dapat doon, ‘di ba? You mention it a while ago.” Sila? Magkasamang pupunta sa park? Tami, it’s not because of you. ‘Wag kang assuming. Dahil ‘yon kay Amara. Look! Kasama ni KG si Jacko, anang isip niya. “Sasama kayo sa park?” hindi pa niya napigilang itanong. Tumango si KG. Inilapag na nito sa kalsada ang alagang si Jacko. Hayon na naman si Amara na nagpupumiglas. Napabuntong-hininga siya. Wala na ring nagawa pa na ibinaba na niya sa may kalsada si Amara. “Let’s go,” pag-aaya na sa kaniya ni KG na naglakad na. At hayon na naman si Amara. Humabol na sa paglalakad ni Jacko. Magkatabi pa ang dalawa. “Feeling close agad sila,” nangingiti pang wika ni KG. “Alaga mo ba si Jacko?” Umiling si KG. “Sa mommy ko. One of her pets.” “Hindi ba siya magagalit kung inilabas mo ‘yan?” “She’s in US right now. Hindi naman siguro. No worries, Tami.” Tami… binanggit nito ang pangalan niya. Sandali pa niyang napigil ang paghinga habang may munting ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi nang magbaling siya ng kaniyang mukha sa kabilang side niya kung saan hindi kita ni KG na pangiti-ngiti na siya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkakaroon ng hinahangaan. Tapos tanda niyon ang pangalan niya. “Tami, right?” Huminga muna siya nang malalim bago tumango. “Tami, short for Tamara Mie,” inporma na rin niya rito. “Tamara Mie,” ulit pa nito. “Cute…” Lord, puwede po bang time freeze muna? Baka bumulagta na lang ako rito sa tabi ni KG, piping hiling pa niya sa kaniyang isipan. Nang makarating sa may park ay parang nakikisama pa ang lugar na iyon dahil kataka-takang walang tao roon ngayon. Sandali pang huminto si Amara sa isang tabi kung saan madamo at doon ay nagbawas ng panubigan. Hindi ito dumumi dahil nakadumi na ito kanina sa bahay nila. Pagkuwan ay hinayon na ang kinaroroonan ni Jacko. Nakasunod lang si Tami sa bawat galaw ni Amara. Naupo si KG sa carabao grass na animo carpet na nakalatag sa buong parke. Mukhang wala itong pakialam kahit na nakasuot pa ito ng business suit. Nilaro-laro nito si Jacko. Si Amara ay nakisali pa. Mukhang pati kay KG ay feeling close na rin ang alaga niya. “Mapapagod ka katatayo riyan,” ani KG na tiningala pa siya. “Maupo ka rin dito.” Naupo siya malapit dito. Pero naglaan siya ng wala pang isang dipa na distansiya. Nakasuot naman siya ng paborito niyang balloon pants na kulay itim kaya walang problema sa kaniya kahit maupo siya sa damuhan. “Mahilig ka rin pala sa pet,” out of nowhere ay bigla niyang bulalas. Umangat muli ang tingin ni KG sa kaniya. Bahagya pa itong ngumiti. “Not really.” Not really? Pero hayon at tuwang-tuwa ang dalawang aso rito. Mayamaya pa ay hinayaan nito ang dalawang aso na maghamagan. Hindi naman tumatakbo palayo. Nakahawak pa rin naman siya sa handle ng tali ni Amara. “Kumusta?” Sandali na naman siyang nawalan ng masasabi nang bumaling siya kay KG. Muling nagtama ang mga tingin nila. Kinukumusta ba talaga siya nito? Tama ba ang narinig niya at hindi niya iyon nakaringgan lamang? Hindi na naman mapakali ang pasaway niyang puso.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD