Chapter 06

2446 Words
“SHANTAL, makikisuyo nga nitong Pyrex bowl sa katapat na bahay,” pag-uutos pa ng Mama Anna nina Tami sa panganay niyang kapatid. Halos magkasabay sila ng Ate Shantal niya na pumasok sa kusina. Siya ay para kumuha ng malamig ng inumin sa ref. Kanina pa siya nauuhaw. Hindi naman niya agad maiwan ang ginagawa niya sa kaniyang silid. Ngayon lang siya natapos kaya ngayon lang niya nakababa. Iminuwestra pa ni Shantal ang mga kuko nito na katatapos lang nitong lagyan ng nail polish. “‘Ma, hindi pa po tuyo itong nilagay kong nail polish sa mga kuko ko. Si Tami na lang po,” ani Shantal na naupo sa upuan na nasa harapan ng kitchen counter. Pagkuwan ay hinipan ang mga kuko. Naka-day off ang dalawa nilang kawaksi. Ang kusinera naman nila ay katuwang ng kaniyang ina sa paghahanda ng para sa hapunan nila mamaya. Mahilig magluto ang kaniyang ina kahit na mayroon silang kusinera. “Tami, ikaw na lang. Baka kailanganin na ‘yan sa kabila. Hindi pa naiibalik,” sa huli ay wika ng kaniyang ina sa kaniya. Napatingin siya sa Pyrex bowl na kulay pink na may design pang bulaklak na puti. Babasagin din ang takip niyon. Pagkuwan ay ibinalik niya ang tingin sa ina. “Sige po,” pagpayag niya. Pagkalagay niya sa ininumang baso sa may sink ay maingat niyang kinuha ang babasaging Pyrex bowl. Dinala na niya iyon papunta sa malaking bahay ng mga Regala na nasa tapat lang nila. Nang makalabas sa gate nila ay natitigan pa niya ang isang hindi pamilyar na magarang sasakyan sa tapat niyon. Ipinagkibit balikat na lang niya kung kanino iyon at itinuloy na ang paglapit sa may maliit na gate. Naroon ang doorbell na agad niyang pinindot nang makalapit doon. Naghintay pa siya nang ilang sandali. Walang nagbukas sa gate kaya naman inulit niya ang pag-do-doorbell. Napabuga siya nang hangin. Wala bang tao roon? Pero imposible. Isang ulit pa siyang nag-doorbell. Nang wala pa ring magbukas ay nauubusan ng pasensiya na tumalikod na siya. Saka naman niya narinig ang pagbukas ng maliit na gate. Huminga muna siya nang malalim at pinalis ang nauubusan ng pasensiya sa mukha. Mabilis niyang nilapatan ng ngiti ang labi bago muling humarap doon. Kung hindi niya nahawakan nang mahigpit ang Pyrex bowl ay tiyak na nabitiwan na niya iyon sa pagkabigla. It’s been a week. Pero ang mukhang iyon ay hindi na yata niya malilimutan. Sa isip ay sinaway niya ang sarili nang sandali pang matulala kay KG. Kung ano man ang ginagawa nito roon ay sinarili na lang niya ang kuryosidad. Nang makabawi ay tumikhim siya para alisin ang tila bara sa kaniyang lalamunan. Nagbaba siya ng tingin dahil hayon na naman ang mga titig ni KG na nagbibigay sa kaniya ng pagkailang na pakiramdam. Sa isip nga rin niya ay nagtatakbo na siya pauwi sa kanilang bahay. “I-isusuli ko lang itong bowl,” aniya na hindi pa rin ito tinitingnan. “Pakidala na lang sa loob.” Saka lang nagawang mag-angat muli ni Tami ng tingin. “H-ha?” Tama ba ang narinig niya? “Hindi ko madadala ‘yan,” anito na ipinakita pa sa kaniya ang kamay na parehas may bahid ng grasa. Bahagyang umawang ang mga labi niya nang matitigan ang mga kamay nito na mahahaba rin ang daliri na medyo payat. Parang bagay ang kamay niyon sa paghawak ng gitara. “Ikaw na lang ang magdala sa loob,” ani KG na niluwagan ang pagkakabukas sa maliit na gate. “Come in.” Mukhang wala rin naman siyang choice. Naglakad na siya papasok sa maliit na gate. “W-wala bang housemaid? Bakit ikaw ang nagbukas ng gate?” “Wala,” kaswal na sagot ni KG. “Kami lang ni Teody ang tao rito ngayon. Hindi siya sumama sa out of town ng pamilya nila.” Kaya siguro sobrang tahimik. “Ganoon ba,” sabi na lang niya. Gusto sana niyang usisain kung may nahanap na ba ito na kapareha ng headband niya, na natapakan nito noong nakaraang linggo, o wala pa? Paano kung limot na niya ‘yon? anang isip niya. Kung nakalimutan na iyon ni KG… ibig sabihin ay wala na itong balak pang palitan ang headband niya. Umasa siya masyado na pag-uukulan nga nito iyon ng oras. Baka naisip nito na tama nga siya, kasalanan din naman niya kaya quits na lang sila. Kaya hindi na ito nag-abala pa na maghanap ng kapalit niyon. “May laman ba ‘yan, Tami?” nakangisi pang tanong ni Teody sa kaniya nang daanan nila ito ni KG. Nag-aayos ito ng sasakyan nito. Marunong pala itong magkumpuni ng sasakyan. Akala niya ay marunong lang ito at ang kapatid nito na sumakay sa magagarang sasakyan. Napatingin siya sa dala niya. Pagkuwan ay umiiling na ibinalik ang tingin kay Teody. “Wala, eh.” “Gutom na ako,” sabi pa nito na sinulyapan si KG. “Pare, labas ka muna, bili ka ng foods.” “Later,” ani KG na hinayon ang gripo sa gilid ng garahe at doon ay naghugas ng mga kamay. Saka lang tila nakahinga nang maluwag si Tami nang lumayo si KG. “Itong Pyrex bowl, saan ko ilalagay?” untag niya kay Teody. “Feel at home, Tami. Dalhin mo na lang sa kusina,” nangingiti pa nitong wika na itinuro ang main door ng bahay ng mga ito. “As you can see,” anito na ipinakita rin sa kaniya ang dalawa nitong palad. “Madumi ang kamay ko. Hindi ko mahahawakan ‘yan.” “Okay,” aniya na wala na ring nagawa pa. Nang talikuran siya ni Teody para balikan ang sports car nito na inaayos nito ay hinayon na niya ang papunta sa main door ng malaking bahay na iyon na bahagyang nakabukas at pumasok sa loob. Sinikap niyang huwag sulyapan si KG sa kinaroroonan nito. Kung bakit parang palaging lumiliit ang mundo niya kapag nasa paligid lang ito. Tanda pa ba siya nito? Imposible naman kung makakalimutan agad siya nito. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ang loob ng bahay ng mga Regala dahil kapag may party roon ay madalas imbitado ang kanilang pamilya. Ngunit hindi pa niya nararating ang kusina kaya hinulaan na lang niya kung saan ang daan papunta roon. Masyado rin kasing malaki ang bahay na iyon. Nang makarating sa kusina ay maingat niyang inilapag sa may kitchen island ang dalang Pyrex bowl. Huminga muna siya nang malalim bago ipinasyang umalis na. Pero pagpihit niya sa may pinto ng kusina ay siyang pasok naman ni KG. Hayon na naman ang puso niyang naghurumintado bigla. Maging ang paglakad nito palapit sa kinaroroonan niya ay animo nag-i-slow motion pa sa hindi niya malamang dahilan. Weird. Lihim siyang napalunok. Baka may kukunin ito roon kaya naglakad na siya. Nag-iwas siya nang tingin para hindi masalubong ang tingin nito. Sa isip ay mariin siyang pumikit. Habang papalapit ito sa kaniya ay pabilis nang pabilis ang t***k ng kaniyang puso. Nangangamba siya na baka marinig pa nito iyon. Nahigit niya ang paghinga nang sadyain pa ni KG na humarang sa daraanan niya kaya napahinto siya sa paglalakad. Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin. Sa halip ay humakbang siya pakanan. Pero mabilis naman na iniharang ni KG ang isa nitong kamay kaya natigilan siya. May pagtataka na nag-angat na siya ng tingin dito matapos tapunan ng tingin ang kamay nito. Seryoso lang ang guwapong mukha ni KG habang pinagmamasdan siya. What’s with him? “P-padaan,” aniya na nagpakurap dito. Saka lang ibinaba ni KG ang kamay nitong nakaharang sa daraanan niya. “Sandali,” sa halip ay pigil na nito sa kaniya nang umakma na naman siya na lalampasan ito. “‘Yong headband, hindi ko pa nahahanapan ng katulad.” Parang sumaya bigla ang puso niya sa kaalamang hindi pa nito iyon nakakalimutan. At hindi pa siya nito nakakalimutan. He still remember her. “Sinabi ko naman sa iyo na kahit ‘wag mo ng palitan. Kung wala kang mahanap, hindi naman problema sa akin ‘yon,” aniya na nginitian pa ito para lang makitang genuine na okay lang talaga sa kaniya. Pero bakit parang sandali pa itong natigilan dahil sa pagngiti niya? O guni-guni lang niya dahil mabilis itong nakabawi? “Are you sure?” Tumango siya. “Hmmm.” Muli siyang nagbaba ng tingin dahil hindi niya matagalan ang mga titig nito. “But I still insist,” sa halip ay wika nito. “Tumitingin-tingin pa rin ako sa mga boutique na may hair accessories. Pero wala pa rin akong makita na same design. Saan mo ba ‘yon binili?” Is he making a conversation with her? So, she will stay a bit longer? O feeling-era na naman siya? “Hindi ako ang bumili noon. Kaya wala akong idea kung saang lugar binili. Bigay lang sa akin ‘yon.” “Ng boyfriend mo?” mabilis pa nitong tanong. Napaawang na naman nang bahagya ang mga labi niya nang muli niyang tingnan si KG. Boyfriend talaga? Umiling siya. “W-wala akong boyfriend.” “Ah,” anito na tumango-tango pa. “Bigay ‘yon sa akin ng papa ko,” inporma niya. “I’m sorry. Galing pa pala ‘yon sa papa mo. Mukhang kailangan kong mas mapalitan ‘yon ng same design.” “Kuya, hindi mo na kai—” “Kuya?” kumunot pa ang noo nito at bahagya pang napatawa. Napipilan siya. Ayaw ba nito na tinatawag itong kuya? Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Nagbawi siya ng tingin. “I’m still young. ‘Wag mo ako masyadong patandain. Twenty-four is not that old,” he even whispered. Lihim siyang napalunok. “Mukha namang hindi kayo nagkakalayo ng edad ni Kuya Teody,” dahilan na lang. “Call him ‘kuya’ all you want. But spare me.” Tumango na lang siya para wala ng talo pa. “Okay po.” “Pati ‘yang pag-po-po mo,” dagdag pa nito. “Okay.” Maselan din pala ito. Okay. Sa susunod nilang pagkikita, pakaiiwasan niya ang dalawang salita na iyon. Kung may susunod pa. Defence mechanism lang naman niya iyon dahil sa nararamdaman niya. “Puwede na bang dumaan?” alanganin pa niyang tanong sa binata. Bahagya pang napakamot sa may batok si KG habang may pigil na ngiti sa labi. Nagbigay na ito ng daan sa kaniya. Kung bakit hindi makisama agad ang mga paa niya sa paghakbang. Nang magawa naman niyang humakbang ay animo napakabigat ng mga paa niya. Parang ayaw pang malayo sa guwapong binata. Tamara Mie Samarro, napapaano ka na? kantiyaw pa sa kaniya ng epal niyang isip. Napigil niya ang paghinga nang marinig ang bahagyang pagtikhim ni KG. Ramdam niya na nakasunod ito sa kaniyang paglalakad. “Palagi ka bang pumupunta rito?” bigla ay usisa pa nito. “Hindi. Occasionally lang. Nagkataon lang ‘yong pagpunta ko rito ngayon,” sagot na rin niya. “Close kayo ni Teody?” Medyo nilingon niya si KG. “What I mean is, pansin ko lang na at ease siya sa iyo.” “Hindi kami close katulad ng pagka-close na iniisip mo.” “Okay. I’m just… curious.” Gusto sana niyang tanungin kung bakit ito curious pero malapit na sila sa may main door. Baka marinig pa ni Teody Regala ang kung ano mang pinag-uusapan nila ni KG. Baka tudyuin na naman sila nito katulad noong nakaraan. Hindi na rin nagsalita pa si KG hanggang sa makalabas sila sa bahay. “Sumunod ka pa talaga kay Tami, ha?” nakangisi pang wika ni Teody kay KG. Sinasabi na nga ba niya… “Nagpunas lang ako ng basa kong kamay sa hand towel na nasa may kusina ninyo,” kaswal na wika ni KG na hindi nagpapaapekto sa sinabi ni Teody. Nagpunas ng kamay? Parang hindi naman niya nakita na nagpunas ito ng basa nitong kamay sa may kusina. At isa pa, hindi rin niya pansin na basa pa ang kamay nito kanina. Sa pagkakatanda niya ay tuyo iyon. Nang sulyapan niya si KG ay kinindatan pa siya nito. Siguro ay para ipahiwatig na nagdadahilan lang din ito sa kaibigan. Ibig ba niyong sabihin ay sinadya nitong sundan siya sa loob? Pero bakit? “Akala ko sinundan mo pa at baka maligaw sa loob,” patuloy na panunudyo ni Teody. “Gutom ka na nga. Ibibili muna kita ng pagkain mo. Kung bakit kasi nagtitiis dito at hindi na lang ipagawa sa expert ang sasakyan.” “Alam mo naman na gusto ko munang mapag-isa ngayon. Kung bakit din kasi papunta-punta ka pa rito,” balik pa ni Teody sa kaibigang si KG. “Sige na, bili ka na. Damihan mo.” Tumango lang si KG. “Alis na ako, Kuya Teody,” paalam pa ni Tami kay Teody. “Pakiulit na lang na naisuli ko na ‘yong Pyrex bowl na dinala sa bahay.” “Okay. Makakarating,” ani Teody. Gusto sana niyang tingnan uli si KG pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya na makita nito ang kung ano mang emosyon na maari nitong mabasa sa mga mata niya Hinayon na niya ang papunta sa may maliit na gate. Akmang bubuksan niya ang gate nang unahan pa siya ni KG. Napigil niya ang paghinga. Hayon na naman ang mabilis na tahip ng kaniyang dibdib. Kahit sandali lang, ang lapit-lapit na naman nito sa kaniya. But, why it feels so good? “Ladies first,” nakangiti pa nitong wika sa kaniya. “T-thank you,” aniya na nauna na sa paglabas sa may gate. Muli, pigil ang sarili na tingnan si KG nang hayunin na niya ang papunta sa kanilang bahay. Hinatid pa siya ng tanaw ng binata bagay na hindi na pansin pa ni Tami. Nang makapasok siya sa may gate ay saka lang nagawang sumakay ni KG sa kotse nito at pinasibad iyon palayo. “Tami.” Napaangat ang tingin ni Tami nang marinig ang boses ng kaniyang Ate Shantal. Nasa terrace ito ng silid nito at nakadungaw sa kaniya. “Sino ‘yong kasabay mong lumabas sa gate ng mga Regala?” Si KG ba ang tinutukoy nito? Lihim siyang napalunok. Pagkuwan ay umiling. “Hindi ko kilala, eh,” kaila niya. Bahagya pang tumaas ang kilay nito sa kaniyang isinagot. Pagkuwan ay umatras at muling naupo sa upuan na naroon. Nakahinga pa siya nang maluwag nang hindi na mag-usisa pa ang kaniyang kapatid. Pagkuwan ay napangiti nang maalala si KG. Lalo na noong kinindatan pa siya nito kanina. Para na naman siyang timang dahil dito.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD