Chapter 08

1415 Words

"H-HA?" sa halip ay bulalas ni Tami. Hayon na naman ang pambihirang ngiti ni KG. "Tinatanong ko kung kumusta ka na?" Hindi nga niya iyon nakaringgan lang. Lihim siyang napalunok para maalis ang tila bumabara sa kaniyang lalamunan. "Bakit kailangan mo pa akong kumustahin?" Feeling close ka na rin ba sa akin? piping dugtong niya sa kaniyang isipan. Sumeryoso ang guwapong mukha ni KG. "Bawal ka bang kumustahin?" tanong nito na bahagya pang kumunot ang noo. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Nagbawi siya ng tingin. "H-hindi naman." Puso ko, puwede ka bang mag-behave? Baka marinig ni KG ang lakas ng kabog mo... "Ayos lang," sagot na rin niya sa tanong nito. Nang mapatingin si Tami sa mga aso nila ay ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya sa nakita. "Si Jacko!" naeeskandalo niyang wika

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD