SI TAMI rin ang unang pumutol sa naturang halik na sandaling pinagsaluhan nila ni KG. Akmang hahalikan siya nitong muli nang pigilan ng dalawa niyang kamay ang pisngi nito. “Enough,” saway niya rito. Nasa mukha ni KG na nabitin ito sa halik na pinagsaluhan nilang dalawa. “Why?” bumaba ang kamay nito sa may baywang niya at hinapit siya nitong lalo palapit dito. At dahil tanging boxer short lang ang suot nito kaya naman ramdam na ramdam niya ang katawan nitong dikit na dikit sa kaniya. “Hindi ako sanay na may balbas ka. Shave it first, KG. Tumutusok-tusok sa mukha ko,” aniya na bumaba na ang mga kamay. Bumitiw ito sa pagkakahapit sa katawan niya at marahang dinama ang pisngi. Mukhang nainis pa ito sa sarili dahil sa pasaway na balbas na tumubo sa mukha nito. “Okay,” anito. Humawak na