“WHAT? Napakaaga ninyong mambulahaw,” napalingon pa si KG sa mansiyon at baka nagising na rin ang kaniyang asawa. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Teody at Max na nasa labas ng gate. Namimigat pa halos ang mga mata niya. Nagising siya dahil sa walang humpay na pagtunog ng doorbell sa labas ng gate. “We’re just checking kung buhay ka pa,” ani Teody. “Bakit parang hindi na agad kami welcome sa bahay mo at nakaharang ka riyan sa may gate?” pansin pa sa kaniya ni Max. Hindi kasi niya niluluwagan ang pagkakabukas sa maliit na gate. “Hindi kayo puwede sa loob.” “Bakit?” kunot ang noo na tanong ni Max. Lalo pang nagsalubong ang mga kilay nito nang mapatingin sa kanan niyang kamay. “Ano’ng nangyari sa kamao mo?” Nakuha rin ng kamao niya ang atensiyon ni Teody. “Men! Nabaliw ka na ba? Haaay