HINDI magawang alisin ni Tami ang tingin sa kamao ni KG, na nasugatan, na hinugasan lang nito ng tubig sa may gripo sa kusina. “S-sigurado ka ba, ayaw mong gamutin muna natin ‘yan?” may pag-aalala niyang tanong dito. Siya itong nangangati na lapatan na iyon ng first aid at baka ma-infection pa. Alam niyang masakit iyon. Isuntok ba naman nito sa pader ng kung ilang beses at buong lakas pa. “Ipagamot kaya muna natin sa doktor?” suhistiyon pa niya nang tingnan ito sa guwapo nitong mukha. “Malayo ito sa bituka, Tami. Kaya kong tiisin ‘yong sakit nito,” anito na ibinuka at isinara pa ang kanang kamao sa kaniya. Pero hayon at napapangiwit pa ito kahit ano’ng pigil nito. “Nasasaktan ka,” giit niya rito. “Sisiw ‘yong sakit nito kumpara sa sakit na dinulot ko sa iyo,” ani KG nang tingnan siy