HINDI maunawaan ni Tami kung ipupuyod ba niya ng pony tail o ilulugay na lamang ang kaniyang buhok nang mga sandaling iyon. Pero sa huli ay ipinasya na lang niya na itali sa mismong tuktok ng ulo niya ang kalahati ng buhok niya na kinulot pa niya. At ang kalahati pa ay hinayaan niyang nakalugay lang. Nag-ayos din siya nang kaunti sa kaniyang mukha. Napangiti siya kapag kuwan. Araw iyon nang Linggo at wala pa ring pasok si KG. May niluluto na naman siya nang araw na iyon para kunin ang atensiyon nito. Last but not the least, isinuot na niya ang itim na two-piece swimsuits na siyang napili niya para gamitin sa paliligo sa may swimming pool. Nakita kasi niya na nasa may malapit sa pool area si KG at may binabasang comics. Well, mukhang hilig din talaga nitong magpalipas ng oras sa pagbabas