“HINDI ako makakasama mamaya,” kaswal na wika ni Tami nang sadyain niya sa ginagamit nitong silid si KG nang umagang iyon. “Bakit?” hindi tumitinging tanong nito sa kaniya. Sa isang sulok, sa may tabi ng bintana ay naroon ang lamesa ni KG kung saan nakalagay ang personal computer nito. Abala ito sa pagtipa sa keyboard ng computer nang mapasukan niya sa silid nito. “Wala akong dalang damit na aangkop sa party na pupuntahan mo.” “Napakaliit ng problema mo, Tami,” anito ng sulyapan siya. “Malaking problema ‘yon sa akin. Paano? Ingat na lang sa lakad mo mamaya,” aniya na nginitian pa ito bago tinalikuran. Kaya rin naman niyang magpaka-casual basta kaharap ito. Hindi siya magpapakita ng kahinaan sa mismong harapan nito. “Mag-shopping ka. May oras pa naman. Use my card,” ani KG na tumayo mu