MUKHANG wala talagang balak si KG na umalis sa kaniyang apartment. Napabuntong-hininga si Tami. Ayaw naman niyang pumunta sa New York para maghanap ng bagong apartment na lilipatan habang naroon ito. Ayaw niyang malaman nito ang tungkol doon lalo na ang balak niyang pag-a-apply sa napupusuang kompanya sa New York. Ni hindi pa nga niya iyon nababanggit sa kaniyang mga magulang. Lalo na at ang nais ng kaniyang ama ay umuwi siya sa Pilipinas pagkatapos niyang g-um-raduate sa college. Matapos maligo ay tulala pa siya habang tinutuyo ng tuwalya ang kaniyang basang buhok sa loob ng banyo. Kung hindi aalis agad si KG, ibig sabihin ay magkakasama sila roon ng… ng hindi niya nasisiguro kung hanggang kailan. At ang balak na pag-alis sa linggo na iyon ay tila mapo-postpone muna. Kung ganoon ay ma-e