NANG tuluyang magising ang diwa ni Tami ay nahawakan agad niya ang kaniyang noo at hinilot-hilot. Antok pa rin ang kaniyang pakiramdam dahil madaling araw na siya nakatulog. At kasalanan iyon nang lalaking katabi niya sa kaniyang kama. Pinilit niyang imulat ang mga mata nang maalala si KG. Ipinaling niya ang kaniyang mukha sa may gilid niya kung saan ito natulog. Ngunit wala roong bakas ni KG. Napilitan tuloy siyang bumangon at pinagmasdan ang hinigaan ni KG. Animo wala roong nahiga dahil maayos na iyon. Kumunot ang kaniyang noo. Nasaan na si KG? Nang tingnan niya ang oras sa alarm clock niya ay saka lang niya nakita na mag-a-alas diyes na nang umaga. “Umalis na ba siya?” mahina pa niyang anas habang sapo ulit ang noo. Nanatili siya sa ganoong posisyon ng ilang sandali. Kinukundisyon a