IPINIKIT ni Tami ang kaniyang mga mata. Hindi naman masamang subukan ang sinabi ni Marie kahapon sa school. Sa isip ay nagbilang siya nang hanggang sampu. Nang mga sandaling iyon ay nasa may basketball court sila ng Valle Encantado Village para manonood ng laro ng basketball. Lalaro na naman kasi ang team nina KG kaya nag-aya ang kaibigan niyang si Marie. Nasa may CR ito at hinihintay niya sa may labas. Sabi kasi ni Marie kahapon, habang kausap ang iba nilang kaklase na babae, na kapag nagbilang ka raw ng isa hanggang sampu habang nakapikit, ang unang lalaki na makikita mo ay ang lalaking mapapangasawa mo. Eight. Nine. Ten… Matapos magbilang sa isip ay unti-unting iminulat ni Tami ang mga mata. Na agad namilog nang makita si KG na bahagyang nakayuko sa kaniya para magpantay ang mga muk