HINDI yata ta-tatlong panibagong ring ng telepono ang narinig ni Tami buhat sa kaniyang kinauupuan. “Sir, hinahanap po kayo ni Ma’am Fatima,” muli na namang lapit ng kawaksi kay KG na nilalaro-laro si Amara. Ibang babae na naman ang binanggit ng kawaksi. “Pakisabi po sa lahat ng tatawag ay wala ako rito sa bahay. Pakisabi na rin ho na leave me in peace,” ani KG na nginitian pa ang kawaksi na tumalima naman. Nang mapag-isa sila ni KG sa may lanai ay mataman niya itong pinagmasdan. Ganito ba palagi kapag nasa bahay si KG? Inuulan ng phone calls? Kung ganoon man, may sinasagot kaya ito na tawag? At kung wala siya roon, may sasagutin kaya itong tawag? Nang mapasulyap sa kaniya si KG ay agad siyang nagbawi ng tingin. “What are you thinking, Tami? Kanina ka pa tahimik,” puna pa nito sa pana