PINANINDIGAN ni Tami ang pag-iwas kay KG. Dumaan din ang Christmas Holiday at ang New Year na hindi niya ito nakita dahil sa bahay ng kaniyang abuela sila nagpalipas ng Pasko at Bagong Taon. At sa mga sumunod na buwan ay tuloy pa rin niya ang ginagawang pag-iwas dito. Kung makasalubong man niya ito, hindi niya ito tinatapunan ng tingin. Madalas, hindi niya maiwasan na hindi ikumpara ang sarili sa kaniyang kapatid. Lalo na kapag panay ang kuwento nito sa mga kaibigan nito ng tungkol kay KG. Naiisip niya na siguro nga, masasaktan lang siya kung patuloy siyang hahanga sa isang tao na hindi naman bagay sa kaniya. Ang pinakamasakit? Mag-move on na hindi naman naging kayo. Iyong ikaw lang ang nasasaktan habang nagmo-move-on. Bumuntong-hininga si Tami habang pinagmamasdan ang sarili sa harap n