“NASAAN si Tami?” seryosong tanong ni KG sa mga tauhan sa kaniyang bahay matapos niyang bumabang muli ng hagdanan. Kagagaling lang niya sa silid nila ng asawa. At hindi niya roon nakita ni anino ni Tami. Mga nagyukuan ang mga kawaksi na nakahanay sa may ibaba ng hagdanan. Ang mga bodyguard naman ay hindi makatingin ng deretso sa kaniya. “S-Sir, nagpahatid po si Ma’am Tami sa bahay po ng kaniyang mga magulang,” lakas loob na wika ng isang kawaksi. “What?! Hinayaan ninyong umalis ang asawa ko? Ano’ng bilin ko sa inyo bago ako umalis sandali? Anytime soon, gigising na siya. ‘Wag ninyong pakilusin dahil nagbabawi pa lang ng lakas ang katawan niya. Then what? Maaabutan ko siyang wala rito?” “S-Sir, sabi po ni Ma’am Tami ay tatawag daw po siya kapag magpapasundo na siya mamaya,” anang isang