DUMALO sa isang pagtitipon ang pamilya ni Tami nang gabing iyon na ginanap sa isang luxury hotel sa Pagbilao City. Kaarawan iyon ng isang kilalang tao sa business industry na kinabibilangan din ng kaniyang ama. Halos lahat ng nakikita niya ay mga poise na poise sa mga suot na gown. Lalo na iyong mga dalaga na. Napatingin siya sa kaniyang suot na dress na umabot lang ang haba sa may tuhod niya. Kulay baby pink pa ang kulay niyon na tinernuhan din niya ng kulay pink na headband. Kung ang iba ay halos hindi na makilala ang totoong mukha sa makeup. Siya naman ay tanging pulbos lang ang kolorete sa mukha. Kahit lip gloss ay wala siyang ipinahid sa kaniyang labi na natural na mamula-mula. Mas namumula pa iyon kapag kinakagat-kagat niya. Nakahawak siya sa braso ng kaniyang amang si Geoffredo ha