HALOS lahat yata ng mga balahibo ni Tami sa buong katawan niya ay nagsitayuan nang siilin siya ni KG ng halik sa labi. Animo mapagparusa sa una ang klase ng halik na ipinararanas nito sa kaniya kaya hindi niya magawang tugunin. Hanggang sa unti-unti iyong naging masuyo, bagay na nagpalaho lalo sa depensa ni Tami sa katawan. Ni hindi niya magawang igalaw ang katawan, ngunit hayon ang pasaway niyang labi na gumanti pa sa halik na ipinamamalas sa kaniya ni KG nang mga sandaling iyon. Mula sa kaniyang mukha ay bumaba sa may baywang niya ang mga kamay ni KG at hinapit pa siyang lalo palapit sa katawan nito. Nang mas palalimin pa ni KG ang paghalik sa kaniya ay lalong nanlambot ang pakiramdam ni Tami sa kaniyang mga tuhod. Dahil sa intense na halik na iyon na pinagsasaluhan nila ni KG ay ramdam