NANG makitang malapit na ang oras ng pag-uwi ni KG ay tumambay na si Tami sa may malawak na salas na siyang bubungad pagdaan mo sa may foyer. Nakaupo siya sa mamahaling sofa na may touch of gold pa ang kulay. “Ma’am Tami, dumating na po si Sir KG,” anang kawaksi na siyang pinakisuyuan niya na abisuhan siya kapag dumating na ang magaling niyang asawa, galing sa trabaho. “Salamat,” aniya nang makatayo at hayunin na ang foyer. Sakto naman na pagbungad niya sa may foyer ay siyang pasok naman ni KG sa may main door ng bahay na iyon. Niluluwagan pa nito ang suot na necktie. “Hi, hubby,” nakangiti pa niyang bati rito. Iyon ang endearment na ibinigay niya para dito. Sinalubong niya ito. At nang makalapit dito ay tumingkayad pa siya para gawaran ito ng smack kiss sa labi nito. Sa hindi naman kal