MAINGAT na binuksan ni Tami ang study room kung saan naroon ang kaniyang ama na si Geoffredo Samarro. Ipinatawag siya nito matapos nilang kumain ng hapunan. Lumapit siya sa may mahogany table kung saan naroon ang kaniyang ama. Wala siyang ideya kung bakit siya nito pinasunod doon. Kanina pa rin tahimik ang kaniyang ama at tila kay lalim ng iniisip. Ano kaya ang problema? Mataman itong nakatingin sa kaniya. He even sighed after a while. “What is the meaning of this, Tami?” “P-po?” May kinuha ito sa binuksan nitong sulong. Pagkuwan ay inilapag sa tapat niya. Nang tingnan niya iyon ay mga larawan iyon. At mas lalo siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan nang makita na larawan nila iyon ni KG na magkasama sa mall may dalawang araw na ang nakakalipas. Nang makabawi sa pagkabigla ay nanging