MARAHAN ang mga hakbang ni Tami habang naglalakad sa isang corridor ng school building na kinaroroonan niya. Katatapos lang niyang mag-lunch. At katulad nang mga nakaraang linggo, naroon pa rin ang lungkot at bahagyang pananamlay kay Tami. Kapag mag-isa siya, doon niya mas naiilabas ang totoo niyang emosyon. Walang pagkukunwari. Katulad nang mga sandaling iyon. Napasinghap si Tami nang bigla na lang ay may humila sa kaniyang braso nang palampas na siya sa isang nakabukas na pinto. Kasunod niyon ay ang pagsara ng naturang pinto. Pagkuwan ay naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa nakasarang pinto. At ang taong humila sa kaniya roon ay nakatayo sa may harapan niya. Sobrang lapit sa kaniya na halos kakaunti ang itinarang espasyo sa pagitan nila. Naglapat ang mga labi niya nang maamoy