MULING binasag ni Tami ang namumuong katahimikan. “Bakit dito mo naisipang pumunta?” “Why are you asking?” sa halip ay balik tanong ni KG. Curiosity kills, KG, aniya sa isip. “N-nagtataka lang ako. Ang lawak kasi ng lugar na ito para dito ka rin mapadpad sa may hardin.” “Hmmm. I think, it was destiny,” nangingiti pa nitong sagot. “Sa lawak nga naman ng lugar na ito ay dito pa ako napunta kung saan naroon ka rin. Naniniwala ka na ba ngayon sa destiny?” “Co-incident siguro.” “Co-incident?” ulit pa nito. Pagkuwan ay umiling. “I don’t think so.” Ayan ka na naman sa destiny mo, KG, aniya sa isip. Baka maniwala na nga ako na ikaw ang destiny ko. Kaso ayaw kong umasa. Lalo na at napakarami ring babae ang naghahangad sa isang katulad mo. Sa ngayon, hanggang tagahanga mo na lang siguro ako. L