HINDI makapili si Tami kung ano’ng damit ang isusuot niya para sa lakad niya nang hapong iyon, araw iyon ng Sabado. Napabuntong-hininga siya nang maupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Pinagmasdan niya ang apat na pares ng kasuotan na nakalatag sa ibabaw ng kaniyang kama. Buo na ang desisyon niya nang araw na iyon. Mukhang nakikiayon din ang pagkakataon dahil lumabas ang kaniyang ama at ina. Gabi na raw ang uwi nang mga ito. Pakiramdam nga niya ay nagiging suwail na siyang anak. Dahil kahit alam niyang bawal, hindi niya mapigilan ang sariling hindi susuway. Lalo na at involve ang isang KG Ladjasali. Katulad nang araw na iyon. Nakatakda siyang makipagkita kay KG. “Tami, dahil kina Amara at Jacko,” paalala pa niya sa kaniyang sarili. Nakagat niya ang ibabang-labi nang maalala na naman niya