BAHAGYANG iniiwas ni Tami ang mukha nang akmang hahalikan siya ni KG sa labi. Umaga iyon at nasa salas sila. Iyon ang araw nang pag-alis ni KG. “KG, tama na ang pagkukunwari. Pagod na ako,” mahina niyang wika sapat lamang upang marinig nito. Hindi pa rin niya ito tinitingnan sa mismong mukha nito. At alam niyang aware ito sa bagay na iyon. Dahil ilang araw na siyang iwas dito. “Just be true to yourself. Kahit may nakatingin.” “Tami—” “Sige na. Umalis ka na,” aniya na nilampasan na ito at hinayon ang hagdan. Ni hindi siya nangahas na lumingon. Kahit sa sarili niya ay ramdam niya ang pananamlay niya. Ilang araw na rin. Ganoon pa man ay sinisikap niyang kumain sa tamang oras. Wala naman siyang ibang gagawin sa maghapon kundi ang mamaluktot lang sa kaniyang higaan. She’s being used to it.