MALALIM ang iniisip ni Jake ng mga oras na 'yon. Naka tayo ito sa harap ng wine bar habang hawak ang isang kopita na may lamang hard wine.
Hindi n'ya kase malubos maisip na bakit hinahanap hanap n'ya ang halik ng dalaga ganong hindi naman 'yun ang plano niya. O sadyang kasama na ito sa plano niya? Muli sumimsim siya sa hawak na kopita. Alam nyang mataas ang ego niya pag natatapakan, lalong lalo na pag sa harapan pa ng mga barkada. Sariwa pa ang ala-ala sa kaniya noong nangayreng naganap sa kasal si Jam.
Damnit!
Bugso ng isip niya.
Gusto nyang gantihan ang dalaga! Pero sa paanong paraan? Sa t'wing kaharap nya ito, bakit nag iiba ang takbo ng isip niya? May hakong awa ang nammagitan sa isip at dibdib niya.
He is a certified playboy, wala pang babaeng nakaka gawa nuon at ng dalagang si Nica palang. Wala pang babaeng ipinanganak para sirain at apakan siya. Pero sa isang iglap nagawa iyon nang dalaga.
Not you Nica!! Not you!
Malakas na angil niya, saka mabilis na sumimsim ng wine.
Narinig niyang lumangitngit ang pinto kaya napukaw ang kaniyang pag iisip. Nadako ang paningin sa pintong inuluwal noon. Si Judie isa din kasapi sa POTY. Naisipan niyang tawagan ito dahil gusto n'ya ng kausap, at sa ganon mawala ang tumatakbo sa isipan niya. Habang naglalakad ito papalapit sa kaniya sinabayan naman niya ng pag salin ng hard wine sa sariling baso at nagsalin din sa panibagong baso para iabot sa bagong dating na kaibigan. At mabilis namang tinanggap iyon ni Judie nang iabot niya.
"Parang malalim yata ang iniisip mo bro?" wika nito nang abutin ang baso, "Kanina pa ako dito, kundi ko pa ginalaw galaw ang pinto baka 'di mo napansing naandito na 'ko.." anas nito pagkatapos suminsim ng kopita habang nakaharap ito sa kaniya. Napatingin lang ako sa tinuran nito at sumabay din sa pag simsim nito.
At ng maubos, ibinaba nito ang kopita at tumingin muna ito sa kaniya at nag tanong ulit. "About Celine? Nai inlove kana ba sa kaniya?" panghuhula nito.
Muntikanan na niyang maibuga ang nasa loob nang bibig, "Hindi uh!" may pagkagulat ang boses niya. "Never bro! Malabong mangyare."
Napangisi ito dahil sa tono ng boses niya. "Or about the other girl?" Tanong muli nito na parang may gustong malaman sa kaniya.
Natahimik ako..
Kasabay ng paghigpit ng kapit ko sa kopita habang nakatingin sa kawalan na ngayun nakatanaw na siya sa bintana, "Bro atin lang to, huwag mong babanggitin ito kay Jam."
Napakunot noo ito, kaya nagtanong muli. "Mukhang seryoso. Eh, bakit nasama na naman sa usapan si Jampot?"
Humakbang ako paharap dito, "About Nica." mabilis niyang sagot tapos tumalikod ukit.
Pero pag ito ang topic parang iba ang takbo ng isip ko. Naandoon ang pagdadalawang isip, na minsang binasa ko na ngunit ang hirap linawin. Parang isinulat gamit ang ballpen na walang tinta.
Napangisi si Judie sa tinuran niya kaya kaagad itong nagtanong. Malakas itong natawa sa tinuran niya, "Yung kaibigan ng asawa ni Jam? Huwag mong sabihin nainlove kana sa kaibigan ni Gaby? Diba iyon yung nagpahiya saiyo noong kasal?"
Humalakhak s'ya, pero nakabakas ang pagtimpi sa narinig. "Yes! Pero gusto ko s'yang ligawan." saka iginalawgalaw ang hinlalaki pahimas him as sa hawak nitong kopita.
Napalakas lalo ang halakhak si Judie sa sinabi niya. Matapos tumawa, kumislot ang kamay nito para magsalin ng hard wine sa sariling baso at umupo sa coash saka ginawang inikot ikot 'yun na tila batang naglalaro, "Kawawang bata." sabay napapailing sa tinuran, "May itsura din 'yung girl na 'yun." tumango siya.
Matapos humarap sa kaibigan habang patuloy ito sa pagsasalita. "Nakita ko bro noong kasal kung paano umikot ang bewang niya. s**t! Yummy!"
"Wil you Stop Judie! Ang libog mo! Pinapunta kita dito para ipaalam ko na liligawan ko si Nica dahilan sa pammahiya niya sa akin nung kasal nila Jam at Gaby. At alam mong siya pa lang ang nakakagawa noon sa akin. I mean gusto kong gumanti! Tapos libog naman 'Yang nasa isip mo gago ka!" paliwanag niya. Tila ba nag init ang sentido niya ng marinig ang tinuran ng kaibigan.
"Bro sinasabi ko lang ang totoo. May itsura 'yung babae, malay ko ba kung gagantihan mo." nakangisi ng wila nito at nagpatuloy ulit, "Sa paraang—" at hindi na nituloy nito ang sasabihin nang agawin ni Jake ang pagsasalita.
"Paiibigin ko s'ya! At alam muna ang kasunod."
"At pag nalaman ito ng mag asawang Jam at Gaby? Hindi lang latay abot natin kay Jam." paalala nito.
"Yah!! I know that.. Bakit ibubuko mo ba ako? Kaya nga tinawagan kita dahilan sa plano na ito."
"Kailan mo balak umpisahan? Siguraduhin mo lang Jake 'yung hindi ka sasablay!"
"Exaclty! Nakalimutan niya yung bag sa loob ng car ko." sabay sulyap niya sa kaibigan na itsurang nagtataka sa tinuran niya.
"Dont tell me nagkikita kayo?"
"Kanina lang. Mukhang ilang nga e, malakas makaramdam." aniya.. Atsumagi na naman sa isipan ang nangyareng paghahalikan nila.
"Bahala ka sa gustong mong gawin Jake. Pag butihan mo dahil pag nalaman 'yan ng mag asawa baka mata lang ang walang latay sa ating dalawa. Kaya mag iingat ka."
Pero hindi ako kumibo.. Tanging galaw lang nang ulo ang isinagot ko.
"Aalis na ako, may lakad pa ako." wika nito matapos ubusin ang laman ng kopita nito.
Hinayaan na lamang niya ang kaibigan..
***
"PARA!! para!!" mabilis na kaway niya sa paparating na jeep, ngunit nilagpasan lamang siya nito. "Kaasar! Sa minalas malas nga naman ngayon oh!" nagbaba siya ng tingin sa pulsuhan kung saan ang relo. "Ano ba naman, late na late na ako!" pagdadabog niya habang nakatayo sa may kanto. "Sabog na naman ako kay Mr. Merkuri n'yan!" saka bumusangot.
Nabuhayan na naman s'ya ng loob ng may makita muling paparating na jeep. "Baka eto hindi puno!" aniyang sinisigurado sa sarili habang pa bulong, sabay tiningala sa paparating na jeep at muling pinara ito. Ngunit nilagpasan na naman siya.
Sa araw araw niyang pagsakay ng jeep ganoon talaga ang eksena. Maghihintay siya ng matagal. Kaya kahit agahan niya talaga nang pag gising nale- late talaga siya ng pag pasok sa botikang pinapasukan nya gawa nang pag sakay sa jeep. Kung gagawin naman nya'ng magtricycle sisingilin siya ng triple kumpara sa jeep na mura lang. Pero kakaiba ngayong araw, hindi lang sa matrapik, kundi palaging puno ang jeep na dumadaan. Kung hindi nga lang mura ang inuupahang bahay niya baka matagal na siyang nag alsa balutan at lumipat nan matiturahan.
Biglang may humintong kotse sa harapan namin. Dahil tatlo kaming naandoon at naghihintay ng jeep hindi ko alam kung sino ang hinintuan nang kotseng ito. Inignora ko iyon at tumingin sa daan para mag abang ulit na paparating na jeep.
Hindi ko namlayan na bumukas ang bintana ng kotse at dumungaw doon si Jake. Kaya naagaw pansin ko ito. Parang lumundag ang p**e ko este ang puso ko. Ikaw ba naman 'yung naaasar kana dahil walang jeep na humihinto tapos bigla bubungad sa harapan mo 'yung gwapong ito na tila nang aaakit ang dalawang mata na nakatingin saiyo. Na parang ang bango bango niyang tingnan.
Teka! Ano ba ang sabi niya dito noong huli silang magkita? Huwag siyang lalapitan at hahawan, maging kausapin din.
Relax huwag kang papatangay sa ngiti n'yan Nica, alalahanin mo ninakawan ka nyan ng halik, baka sa susunod iba na nakawin saiyo! Kaya inignora niya ito.
"Sakay na Baby Nics. " nakangiting paanyaya nito habang malagkit itong nakatingin sa akin.
Ang ganda yata ng araw nang manyakis na ito.
Abot gilagid ang pag ngiti nang buset! Itsura talagang 'di pagkakatiwalaan ang gago. Mabuti na lang guwapo.
Pero hindi parin niya ito tinapunan nang tingin. Kunwareng walang narinig.
"Baby Nics, wala nang dadating na jeep kase lahat puno na, doon palang sa pilahan nagka punuan na." doon nagbaba siya ng tingin sa binatang nagsalita.
"Bakit sinabi ba sa'yo ng mga driver ng Jeep? Nakita mo? Saka excuse me, Nica ang pangalan ko! At huwag mo akong matawag tawag na baby dahil matanda na ako." asik ko dito, matapos humakbang ialng habang para makalayo.
Napansin ko ding pinagtitinginan na kami ng katabi kong naghihintay din ng masasakyan.
Sa ginawa niyang paghakbang palayo, ginawa naman nitong iusad ang kotse nito, "Puwede kitang ihatid baka ma late kana.." wika ulit nito ng tumapat sa kaniya ang bintana ng sasakyan nito.
"Hindi ko kailangan ang anu man tulong mo. Salamat, pero hindi ako pa 'ko late. May 1 hour pa akong bakanteng oras kaya salamat na lang sa alok mo." pero kung tutuusin late na late na talaga siya, tiyak mapapagalitan na naman siya ni Mr. Merkuri. Ang kanilang boss. Muli humakbang na naman siya palayo at sunod sunod na iyon.
"Good! Tara magkape muna tayo." naka dungaw na sabi nito habang sumasabay ang kotse nito sa paghakbang niya matapat lang ito sa harapan niya.
"Bakit ba nag kulit mo? Hindi ba ang sabi ko ayoko?! Ano ba ang sabi ko sa'yo noong huli natong pagkikita? Huwag mo akong lalapitan at kakausapin, diba?" mabikis siyang napahinto sa pagsasalita nang ay makitang may paparating na jeep. Sa tansya niya parang kakaunti lang ang nakasakay doon kaya mabilis niyang pinara yun.
Mabilis na umibis ng sariling kotse si Jake nang makita niyang pinara ng dalaga ang jeep na paparating. "Sumakay kana Nica, ako na maghahatid sa'yo." aniya sa harapan na nito. Ngunit hindi nito pinansin ang sinabi niya tila ba walang narinig ito o nakita sa harapan nito. Inignora lamang siya nito.
Tila yata mahihirapan siya sa dalaga. Wala pa naman siyang tiyaga sa ganoong mga ugali.
Nang pahinto na ang driver ng jeep sa harapan nila. Mabilis na sumenyas si Jake sa driver, nagsasabing hindi na sasakay ang dalaga. Kaya mabilis din itong inuusad ang minamaneho at saka mabilis din umalis.
Nanlaki ang dalawang mata ni Nica at nagulat sa ginawa ng binata. Galit na humarap ito. "Aba't gago ka rin noh?! Kanina pa ako naghihintay ng jeep dito ngayong may pagkakataon na akong sumakay paaalisin mo! Sira ulo ka ba?"
"Maybe.. Puwede naman na ako ang maghahatid sa'yo. Walang bayad, anytime puwede mong maging taga hatid at sundo." seryosong sagot niya dito. Saka mabilis niya itong hinila sa kamay
Mabilis naman pinisik nang dalaga ang pagkakahawak niya at galit na hinarap siya nito, "Ano bang nakain mo, huh? Bakit ako lagi ang nakikita mo? May binubuhay akong pamilya Jake na naghihintay. Kay huwag ako ang paglaruan mo. At h'wag na hwag mo akong hahawakan dahil allergy ako sa'yo!" bulyaw na huyaw niyang sabi. Wala siyang pakielam kung pagtinginan sila ng mga tao. "Hindi ka puwedeng pagkatiwalaan, nanghahalik ka ng walang paalam!"
"And i know, you like." At bahagyang napangisi habang nakatingin sa dalaga.
"Sobrang yabang mo rin noh?! Hindi lang! Feeling kapa!" sa galit niya ginawa na lamang niyang maglakad muli baka kaka lakad niya makarating s'ya ng botika na kanyang pinagtatrabahuhan na imposibleng mangyare.
Bahala na kung may late siya! Atlis nakapasok siya.
Pero mas mabilis ito kesa sa kaniya. Mabilis nitong hinablot ang baraso niya at pinangko siya sa loob ng kotse nito. Sabay pindot nito ng susi, hindi ako nagkakamali para mag lock ang pintuan sa kabilang passenger seat na kinauupuan niya sa ganoon hindi siya makalabas.
"Alam ko tanghali kana." nagulat siya sa tinuran nito nagtataka siya bakit alam nito ang madalas niyang problema. Sinusundan kaya siya nito? Hindi siguro, hula lang siguro nito."Dumusog ka ng konti baby.." anito na seryoso. Ibig sabihin lumipat ako sa kabilang upuan dahil ipinangko ako nito sa driver seat.
Walang nagawa at umusog siya, pero mabilis din napalitan ng pagngingitngit pero walang magawa dahil late na talaga siya.
Kailan pa ako naging baby ng hambog na ito?
Inilisik ko ang mata ko nung makalipat nako at pagkatapos pinagbantaan ito. "Subukan mong halikan ako sa loob ng kotse mo ng dakmain ko yung harapan mo at palipitin ko!!" warning niya dito.
Pero mukhang hindi yata gumana ang banta ko dahil hindi manlang ito nasindak sa sinabi ko.
At ng makaupo ito sa driver seat, ginawa nitong paandarin ang kotse nito. Matapos narinig ko itong nagtanong pero hindi lumingon sa akin. "Sorry about last we meet, saan kita ihahatid?" malumanay na sabi nito sa kaniya.
Marunong din pala mag sorry ang gago!
"Diba, gusto mo akong ihatid? Edi hulahan mo!" asik niyang sagot na di man lumilingon sa binata.
"Paano ko naman huhulaan kung hindi ko naman alam kung saan ka nagtatrabaho?" pero sa hula niya sa botika ito nagtatrabaho dahil halata naman sa suot nito. Alam niyang late na ito dahil alam niya ang oras ng pagbubukas ng botika. At idagdag pa na sa dami ng botika sa bansa hindi niya alam kung saan ba botika ito nagtatrabaho.
Pero aminin, nakyu-kyutan siya sa t'wing namumula ito sa inis sa kaniya imbis na magalit siya sa mga sinasabi nito.
"Ewan ko sa'yo!" sobrang inis niya dahil talagang late na s'ya, tapos nadagdagan pa. Pero bakit ganoon?Ang kabilang kabiyak ng kanyang dibdib parang kinikilig na 'di ma wari. Hayan na naman siya! Pinigilan na lamang niyang mapangiti.
"Hindi ko nga alam Baby Nics kung saan, sabiihin muna para maihatid kita. Or kung ayaw mong sabihin iliko ko kaya ito sa bahay ko at sa Akin ka magta trabho?" sabay sulayap nito sa akin.
Natakot siya, kaya mabikis siyang sumagot. "Sige subukan mo! Nang magsisigaw ako sa loob ng kotse mo! Nakakarami ka ng halik sa akin a! Akala mo natutuwa at nagugustuhan ko 'yun?! Puwede na kitang idemanda sa mga ginagawa mo sa Akin! Hintuan mo 'ko sa kakatawag ng baby sakin! Bwisit ka! Iliko mo sa buendia sa may kanan. Yung malaking botika doon!" hindi niya napansin ang pasimpleng pag ngiti nito.
Iniliko naman nito ang sasakyang nito. Pero inabutan kami ng trafic sa kalagitnaan. Napansin kong nag salubong na ang dalawang kilay nito kaya tumempo s'ya ng pang aasar dito. "Sana magtagal pa 'yung trapik. Okay lang naman sa kain kahit ma late ako." lumabas sa labi niya na inilakas ang boses para marinig nito, at sabay humagikgik na lalong maasar ito. Pero kung tutuusin naaalala niya ang pinagtatrabahuhan dahil winarningan na siya ni Mr.Merkuri. Kaya mabilis din nagbago ang mukha niya nang maalala. Kailangan niya ng trabaho.
Wala siyang narinig na salita sa ginawa 'kong pang aasar dito. Sa tingin ko tila nagtitimpi ito dahil wala din itong magagawa sa trafic at mukhang ayaw din akong patulan kaya muli naka isip na naman ako nang asar. Malalamn niya gaano kahaba ang pasyensya nito. Doon man lang makaganti siya. Aminin man niya nag eenjoy siya sa pang aasar sa binata. Ganuon din naman ito, masama ito pag nabubusit siya.
"Sige habaan mo pa ang oras ng trapic! Ako, okay lang ako ma late. Hay.. Wag na sanang umusad. Oo nga pala gusto mo bumaba na ako Jake, parang ang sarap maglakad?"
Tinapunan lamang siya nito ng nanlilisik na tingin pero sinalubong niya ito. "Hindi ako papatalo sa'yo! Baba na ako! Baka high blood in ka dito at ikimataya mo mapagkamalan pa akong pumatay saiyo. Hala! Buksan mo ang Pinto!" madiin niyang wika.
Pero walang sagot ito. Pero tila milagro at mana mana'y isang iglap unti unti ng gumaganda ang dalo'y ng sasakyan. Kaya pinaharurot nito ng mabilis makakuha ng tyempo.
"Ay t**i ng kabayo!" bulalas sa labi niya ng humarurot ang kotse nito. Kung hindi lang s'ya naka seatbelt baka tumilapon na s'ya sa likod ng sasakyan nito.
"Magdahan dahan kanaman! Kung gusto mo mamatay ikaw na lang! Huwag kana magdamay!" hiyaw niya.
Pero hindi naman siya nilingon nito. At isang iglap at ganon kabilis, nasa harap na sila ng botikang pinagtatrabahuhan niya. Mabilis syang bumaba at walang lingon at walang sabing pasasalamat mula sa labi niya.
Natatawang tinitigan ni Jake ang dalagang naglalakad papaluob sa botika.Parang ingganyang ingganya s'ya sa dalaga. At walang kamalay mala'y sa botikang pinapasukan nito ay pag aari pala niya.
"Mahuhulog ka rin sa akin Nica."