Kabanata 3

2115 Words
"HEY! Saan ka pupunta?" sabay harang niya sa dadaanan ng dalagang si Nica. Hindi nga niya alam kung narinig nga ba siya nito dahilan abala ito sa pag pindot ng sariling selpon at doon nakatingin ang atensyon. Naglalakad ito at tila ba walang pakielam kung mabubungo ba ng kung sino mang parating. Ngunit dire diresyo parin itong naglalakad na tila isang binge. "Hey!!" anas niyang ulit sa dalaga na hindi man lang napansin ang pag lapit niya dahilan kaunti na lang mabubunggo na ito sa katawan niya. "Ay t**i nang kabayo!!" gulat nitong sabi na lumabas sa bunganga nito saka tuluyang bumangga sa katawan niya. Mabilis naman napatindig ito ng tayo at iniaayos ang damit na nagusot, matapaos magawa iyon saka humarap ito sa kaniya. " Hoy!! Titingin ka din sa dada—. " saka naudlot ang pagsasalita nito ng makita siya. Hindi na nagawa nitong maituloy ang gustong sanang sabihin. Ang salubong at matang tila kakainin siya, ngayun ay napalitan na ito ng tila isang suka na namutla sa gulat nang makita siya. Pero sandali lang iyon at pinaka titigan siya sa mukha at paasik na nagsalita. "Tsu!! Tsu!!" wika nito, kasabay ang kamay habang kinukumpas, "Tumabi ka sa dadaanan ko! Alis!" matapos sabihin iyon ginawa nitong iayos ang bag na nakasabit sa kaliwang balikat. Pero hindi man lang siya natinag sa sinabi nito. "Where are you going Nics?" malumanay niyang tanong at may ngiti sa labi. Hindi niya pinansin ang pag tataboy nito na tila ba aso. Nagtaas kilay ito at sinalubong ang dalawang mata ng marinig ang tanong niya. "Close ba tayo? Bakit tinatanong mo? Imbistogador kana pala ngayon? Saka Nica ang pangalan ko, hindi Nics! Kaya huwag mo ako matawag tawag na Nics! Magulang ko lang at ako ang puwedeng magpalit ng pangalan ko at hindi ikaw! Lumihis ka sa dadaanan ko." wika nitong paasik, kasabay ng pag ikot ng dalawang mata nito ng masabi ang gusto. Napangiti lang ako sa tinuran nito, hindi na lamang pinatulan ang pag susngit nito. Pinakita niyang hindi siya apektado sa mga sinabi nito kaya ginawa niyang magpamulsa ng palad sa harapan nito at walang hakbang na ginawa sa utos ng dalaga. "P'wede, tumabi ka sa dadaanan ko." taas kilay na paalala nito. "Ang init ng ulo mo. Para mawala 'yan, sumama ka sa akin, tara kumain tayo ng lunch." Tila lalaong ginuhit na lapis ang dalawang kilay nito na lalong nagsalubong ang matang tila nagtataka sa paanyaya. ANG LALAKENG unang nangahas ng halik sa kaniya, at ang lalakeng binigyan niya ng leksyon ngayun inaaya siyang mag lunch? Anong nasinghot kaya nito at biglang bumait sa kaniya? Baka mamaya may binabalak itong paghihiganti. Hindi mo ako makukuha sa ganyan ganyan, akala mo makakalimutan ko yung pagnanakaw mo ng halik! Kilala ko mga galawan mo dahil isa kang tatak na manloloko! Akala mo hindi alam ni Gaby ang mga pinagagawa mo. Uy! Naikwento iyon ng kaibigan ko. Kaya huwag ako! "May sakit ka ba? May nakain kaba na hindi ka tanggap tanggap ng sikmura mo o may nasinghot ka na di kanais nais ng katawan mo? Mamili ka?" ginawa talaga niyang asarin ito, doon man lang makaganti siya. Napangisi lang ang binata sa tinuran niya. Pinaka titigan ko itong mabuti habang hindi ito nakatingin sa akin. Hindi ganito ang una 'kong pagkakakilala sa lalaking ito. Tapos bigla bigla babait ito? Mweew!! Naku ingat ako sayu. Bakit ba sa dinami dami ng makikita bakit ikaw pa? Sinusundan ba ako nito? Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Masyado siyang advantage para doon. Hindi ba puwedeng nakikipag kaibigan lang? "Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin. Lets go." sabay hila nito sa baraso niya. Mag pumiglas man siya pero mas malakas ito sa kaniya. "Ayoko nga kumain na kasama ka! At saka busog pala ako!" madiin na wika niya habang hinihila ang sariling kamay. Ngunit wala itong sagot, lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya "Sisigaw ako!" pananakot niya. "Sige, sumigaw ka, sasabihin ko na girlfriend kita." mabilis na sagot nito. "Aba't ang loko! Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos mo akong halikan na walang paalam tapos isusunod mo 'to! Bitawan mo 'ko kase..!" pagpupumiglas na pilit niya. "Di 'bat nagustuhan mo naman." walang lingon na sagot nito sa maanghang na ulas niya, na siyang ikinainit ng ulo niya. "Tigil tigilan mo 'ko Jake! Sino nag sabi sa'yo na nagustuhan ko? Hibang kaba? Sino gugusto sa halik mo? Virus ang laway mo!" ganting pang iinis niya. "Kung may virus ang laway ko, 'di sana hindi kana nagpakita." sabay tapon ng tingin sa kaniya na may halong kindat. "Tang I—." "Sige murahin mo 'ko, kahit nasa gitna tayu ng daan kaya kitang halikan." banta nito. "Alam mo Jake, isusumbong kita kay Jam." mahina ngunit madiin niyang pagkakasabi. "Baka gusto mo nang kasama? Puwede ako." tila ba walang makakaligtas sa bawat sinabi niya. Hanggang sa natunton nila ang kotse nito. Pasalya siyang pumasok sa loob ng kotse nito, naasar s'ya dahil hindi man lang sya pinagbuksan ng pinto nito ganoong puwersahan na nga siyang pinasakay sa sasakyan nito. Kung hindi lang ito kaibigan nang asawa ng kaibigan ko, hmm! Ewan ko lang saan tayo magkita Jake! Nag aapoy sa galit sa dibdib niya. Ngunit wala siyang nagawa. Guwapo ka nga, kung bastos ka naman. Walang din silbi! Ngayon tila ba nagsisisi siya kung bakit siya nagawi sa lugar na iyon. Sa dinami dami ng p'wedeng daanan. Bakit doon pa siya nagawi? Mabuti na lamang wala s'yang pasok ngayon sa botikang pinapasukan n'ya. Dahilan kaya siya naglalakad ngayon doon may bibilhin siya at nagawa na lamang niyang maglakad dahil sa sobrang trapik at baka maipit lang kung sasakay pa siya ng Jeep. Malas nga naman! "Saan ba tayo kakain?" tanong niya, naka ramdam siya ng pangunhulo ng tiyan. Hindi pa nga pala siya kumakain nang hapunan at umagahan. Kaylangan niya kasing magtipid dahil umuupa lang s'ya ng bahay. "Saan mo gusto?" walang lingong tanong nito. May naisip siyang plano, ganoon din naman puwersahan siyang inaya nito. "Sa mamahaling restoran, gusto ko 'yung class." lakas loob niyang sabi. "Hindi ako kumakain sa munurahing kainan." pagyayabang niya. Sa pag tataka ni wala man lang itong pag reak sa sinabi niya, patuloy lang ito sa pag da-dtrive. Kaya pasimple niya itong sinulyapan, ang mukha nito na may makapal na kilay, mga matang tila nag aakit pag makikipag titigan ka, at ang ilong nitong naka bagay sa mukha nitong medyo patulis at ang labi nitong mamula mula na tila nagbabadyang gustong maghalik. Maghalik!! Lintek! Na tikman kona pala itong manghalik! Naku! Ewan! "Bakit mo ako tinitingnan!" basag nito sa pananahimik niya at huling huli siya sa pagtingin dito, hindi niya na pansin dahil tulala siyang nakatingin sa mukha nito. Pinamulahan siya ng mukha at binawi nang mabilis ang tingin paalis sa mukha nito. Kunwareng hindi narinig ang tanong nang binata, at idinako ang atensyon sa bag. "Bakit kase hindi mo ibaba yang bag mong dala." sabay bitaw ng isa nitong manubela at hinila ang bag na nasa kaliwang balikat ko na katabi nang manubelang hawak nito. Ramdam ko ang daliri nitong nadikit sa balikat ko. Parang ang init, parang may sinasabi, parang nakukuryente ako. Bakit kanina hindi ko iyon naramdaman? Dahil ba sa ngayun ang boses nito'y malamlam. Hindi! Nica huminahon ka! Malabong mag ka gusto ako sa buraot na ito! Oo gwapo siya pero malabo! Hindi at saka ayoko! "Naandito na tayo.." sabay hinto nito sa kotse nang ma I parking sa gilid. Ang herodes! Talagang hindi ako pinagbuksan ng pinto! Sa asar napabalibag s'ya ng pinto ng kotse nito. At napalingon ito sa kaniya ng marinig ang tunog nang pinto sa pagbalya niya. "Napalakas ng sara." aniya at naka ismid parin. "Saan ito? Mukhang hindi ito restoran? Mukhang bahay na ito?" at nilinga linga ang paligid. "Oo bagong lipat lang ako.." Doon tila kinabahan s'ya, sa isang bahay magkasama sila? Restoran ang iniexpect niyang pagdadalhan nito sa kaniya. Paano kung hindi lang halik ang nakawin nito sa kaniya? Paano kung may balak itong masama sa kaniya? At tila nabasa nito kaagad ang nasa loob nang kaniyang isip. "Dont worry. Wala akong balak na masama, babawi lang ako sa inasal ko noong kasal." sabay bukas nito ng pinto ng maramdaman 'kong nasa harap na pala sila ng bahay. Naglakad siya paloob sa bahay nito. Maya at inalok siyang maupo, ginawa naman niya 'yun at sabay silang naupo ngunit may pagitan sa kanila ng dalawang dangkal. Ewan ba niya, bakit sunud sunuran siya ngayon sa lalaking ito? Hindi sa gwapo ito pero kusang lumalakad ang dalawang paa niyang paa, parang sinasakop nito ang utak niya sa twing magsasalita ito ng malamlam at susunod naman ang katawan niya. Kagaad, tumayo ako. "Jake! May pupuntahan ako, sorry baka hindi na ako maka pananghalian sa bahay mo." mabilis na paluwanag niya at pag iwas.. Ayoko kase yung nangyayare. Parang hindi ko mabasa ngayon ang sarili ko. "Pasensya na Jake, sa susunod na lang." Waahhh...! Huminhingi ako ngayon ng pasensya sa lalaking ito samantalang wala naman akong ginagawang masama sa herodes na ito? Nica gising! Magnanakaw ng halik 'yan! Bakit ka nag so sorry? Akma na siyang lalabas ng pigilan ako nito sa baraso. "Ihahatid na kita.." kasabay nang pagtitig nito sa mga mata nito. Anong ngayayare sa akin? Bakit hindi ako makagalaw? Ito ba ang pakiramdam nang pagka crush? Sabi na nga ba eh, huwag kang titingin sa mukha nito at tiyak baka nagayuma ako! Ewan! Malabong malabo!! Pasimpleng napa iling. "Salamat na lang," malakas na binawi ang sariling baraso, ngunit malakas ito para magwagi siya.. "Ma traffic ngayon maiipit ka lang doon. Ihahatid kita" sagot nito at hindi pa rin binibitawan ang baraso niya. "NICA takot kaba sa akin?" saka pinagkatitigan ito sa mukha. Hindi siya sanay sa mga babaeng ganoon. Karamihan sa mga babae, halos iba ay lumalapit at nagpapansin sa kaniya at madalian niyang nakukuha. Bakit sa umpisa pa lang galit na ito sa kaniya? Naalala ko ng hinalikan ko ito sa loob ng Cr, kahit napadugo nito ang labi ko dahil sa ginawa ko. Bakit tinangka ko pa ring ulitin halikan ito. Parang kakaiba ang laway nito ng malasap ko. Parang may nagsasabing.. mabilis 'kong pinilig ang ulo ko. "J-jake, paki taanggal naman nang kamay mo, gusto ko ng umalis!" nilagyan niya ng galit ang boses para maramdaman nitong galit siya. Bakit ganito? Bakit pareho kaming nanlalamig at natatranta? Bakitt ramdam ko din sa boses nito. Bakit parang walang naririnig ito? Malakas muli niyang hinablot ang sariling baraso ko. Sa pag hablot niya, kasabay ng pag hila nito sa kaniya, nagbanggaan ang katawan nila at nagtapat nang ulo. Isang nakaw na naman na halik ang ginawad nito. Ngunit Imbes na magpumiglas siya, kusang umuwang ang labi niya at sinalubong ang labing papalapit sa kaniya. Ramdam niyang hinawakan nito sa ang kaniyang ulo para lalong mapa diin ang halik nito. Bakit ganon hindi ako makakilos? Bakit hindi ko kayang itulak si Jake palayo sa akin? Bakit nagugustuhan ko ang halik nito? Nabibilang ito sa mga lalaking hindi dapat pinagkakatiwalaan, walang modo, magnanakaw ng halik, bastos! Pero heto ngayon hinahayaan 'kong halikan ako? Nica gising, gising!! Isang malakas na tulak ang pinakawalan ko sa lalaking nag nakaw na naman ng halik sa akin. "Nica.." lumabas sa bunganga ni Jake, kasabay nang pag bitaw sa bewang niya. "Kaya mo ba ako dinala dito para nakawan na naman ng halik Jake? Sorry ah, kung sa isip mo bibigay ako sayo dahil gwapo ka, nagkakamali ka! Ito na ang huli mong makikita ako at mananakawan ng halik." nangungilid na luhang wika nita. Pero sa pakiramdam ko ginusto ko rin ang halik nito. At akma na akong hahakbang para iwan ito, muli hinablot na naman ako nito sa baraso. "Ihahatid na kita, makabawi man lang ako." "Ayoko!" lumuluha na niyang hiyaw sa harapan ng binata, hindi na niya napigilan iyon. Pakiramdam niya sobrang pamamastos na ang ginagawa nito. Aminin man, bumigay siya pero hindi dahilan iyon, "At h'wag na h'wag muna akong kakausapin o lalapitan at hahawakan kung sakaling makikita mo 'ko ulit! Dahil mahihintay mo ang hinahanap mo.." mabilis niyang hinablot and baraso at binitawan naman siya nito. Pero nakaka dalawang hakbang pa lamang siya ng biglang habulin siya nito at mabilis na hinablot na naman sa baraso. "Sorry Nics, Please ihahatid na kita." pag pupumilit nito. Bumaba ang kaniyang paningin sa barasong hawak nito. Sumagot si Nica na pabalang kay Jake at itinaas pa ang isang baraso para duruin ang binata. "Bibitawan mo ba ako o —." hindi naniya naituloy ang sasabihin nang biglang hilahin siya papalapit sa binata at walang alinlangan na sinakop muli nito ang labi niya Amazing! Anong nangyayari sa lalaking ito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD