"ANG GWAPO ng naghatid sa'yo ah!! Parang artista lang." bungad sabi sa kaniya niDay, kasama niyang nagtatrabaho sa botika. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagka kilig. Tamang napapalabi na lamang siya habang nagsa salita ito. "Iba kana ngayun. Sosyal kana talaga Nica, huh! Pa kotse kotse kana lang! Itsurang mayaman, tapos g'wapo pa yung naghatid! Naks!! Iba talaga ang maganda." dagdag pa nito, naandoon parin ang may halong pagka kilig habang inaayus nito ang mga gamot na isinasalanan sa tray.
"Sinong sosyal? Hintuan mo nga ako lukaret ka! Saka nagug'wapuhan mo ba 'yung itsurang manyak na 'yun?" sagot niya sa mga pinagsa sabi nito. At dahil dalawa lamang sila na nakatoka doon kaya ito lang ang naka pansin sa paghatid sa kaniya ni Jake, samantalang ang iba sa Kabila naandoon. Malaki ang botikang pianpasukan niya at nahahati sa dalawa.
"Aysus!! Hoy Day kitang kita ko g'wapo 'yung lalaki, saka kung iyon ang mamanyak sa akin, abat! Payag na payag siguro ako. Tapos mukhang galante pa. Saka tinitigan ko siya sa mukha kahit malayauan, talagang itsurang mukhang mayaman nga! Sino ba 'yun at parang ngayon ko lang nakitang kasama mo?"
"Ang landi mo! Mag ayus na nga tayo, mamaya mapansin pa ni Mr. Merkuri na kararating ko lang."
Gwapo nga kung wala naman modo!
"Akina nga yang basahan at ako na nga magpunas!" sabay hablot niya, "Kung ano-ano 'yung tinitingnan mo, mamaya makita pa tayo ni Mr. Merkuri na nagdadaldalan lang sa oras ng trabaho!"
"Eh bakit hinatid ka ba n'on kase? Sino nga ba kase 'yun? Manliligaw mo ano? Sus umamin kana? May pawalang walang modo kapa, e hinatid ka nga."
"Hintuan mu nga ako! Ikaw ang ipapalaplap ko do—."
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang bumulaga sa harapan nila si Mr. Merkuri at saka nagsalita na hindi nila na mmalayang nakalapit na sa kanila.
"Nica kararating mo lang ba? Late kana naman ba?" sunod-sunod na tanong nito na may galit ang boses na hindi maitago.
"Ah eh.. Mr. Merkuri.."nauudlot niyang sagot.
"Hindi ka puwedeng ikaw ang mag decide kung anong oras ka darating at papasok. Binabayaran kita sa tamang sahod, kung ganyan ka lagi mainam na humanap kana lang nang bagong tarabaho," wika pa nito na akma na sana siyang saagot ngunit tila ito isang baril na sabay sabay na pumuputok kaya hindi siya maka singit, "Last na late mo pa Nica! Kung ma le- late ka uli huwag munang tangkaing pumasok!" sabay talikod nito sa kanya at naiwan syang nakatayo at tahimik na napapasulyap sa kasama. Hindi man lang niya nasabi ang gustong ipaliwanag.
Paano kung gawin nga nitong alisin siya sa trabaho? Paano na ang kaniyang pamilya sa probinsya?
"Lumipat kana kase ng inuupahan mo ng bahay. Bakit namn kase nagti tiyaga ka 'don? Kesa naman lagi kang nale late at hindi lumaon tanggalin ka ni Mr. Merkuri sa trabaho." pabulong nitong sabi sa kaniya. Napaismid na lamang siya nang sagot dito.
Naisip niya, paano s'ya lilipat ganoong mas mura ang kanyang inuupahang bahay at wala pa siyang ipon para makalipat? Mas mura doon kumpara sa ibang inuupahan niya..
"O trulala kana d'yan?!"
"Mahal kasi 'yung upa sa ibang bahay Day. Alam mo 'yan kubg bakit ako nagtitiyaga doon. Saka wala pa akong ipon para humanap nang mas maganda. Alam mo namang kapapadala ko lang sa probinsya." katwiran niya.
"Anong ginagawa ni boyfie." natatawang tanong nito sa kaniya.
"Tigilan mo nga ako! Hindi ko nga boyfreind 'yung lalaking 'yon! Bad trip na nga dina dagdagan mo pa!"
"Eh ano mo 'yon? Bakit hinatid ka?" pangungulit nitong tanong ulit sa kaniya.
"Imbistigador ka ba? Imbestigador? Ha.. ha?! Dapat hindi kana lang nag saleslady dito sa botika, dapat nag apply kana lang kay mayk enrikes! Doon sure tanggap ka." saka inisnaban niya ito.
"Sungit naman nito oh' tatanung lang e." sabay napakamot ng ulo.
"Kung ako sa'yo day, h'wag na h'wag mo ng tatanungin sakin 'yung lalaki na 'yon! Dahil ipinapangako ko saiyo, 'yan ang una't huli niyang paghahatid sa 'kin." naiinis na ikinorte ang sariling nguso nang maalala ang mga katarantaduhang ginawa nito sa kaniya.
Pero ang galing humalik ah, saka napangiti siya.
"E bakit nangingiti ka?"
Dahil sa kakulitan ng kasama natawa na lang talaga siya.Tama nga ito, bakit nangingiti siya e ninakawan na nga sya ng halik ng binata?
KINABUKASAN maaga siyang nagising. Bawal siyang ma-late sa pagpasok sa trabaho, lalo na at mainit na ang ulo sa kaniya nang boss niya, mangyare man walang alinlangan siyang aalisin n'on at mawawalan siya ng trabaho.
Maaga siyang gumayak sa mga oras na 'yon, para maaga din s'yang makaalis sa inuupahang bahay.
Paglabas niya ng kanto ang dami nang nag aabang 'don. Dito pa naman sa pinag aabangan niya ng jeep unahan at kung hindi ka alisto tiyak mawawalan ka ng upuan. Ang ending bababa ka ng jeep at maghihintay ulit. Sadlyf!
Naki ayon naman ang ginawa niya, nakasakay siya ng jeep ngunit sa trapik naman siya naipit.
"Anak ng putakte!! Parang di imuusad ah! Alas singko nako nagisig para maaga makapasok, tapos aabutin na naman yata ako ng syam syam!" sabay dinukot ang selpon, balak nyang tawagan si Day para itanong kung naandoon na ito dahil malapit lang kase ang bahay nito sa pinagtatarabahuhan nila.
"Oo kararating ko lang, ikaw ba nasaan na?" sagot nito sa tanong niya ng sagutin nito ang tawag niya.
"Day! Naka sakay na ako. Lintek naman ang daming tao. Mukhang di umuusad!" aniyang na naaasar skausap ang nasa kabilang linya.
"Mag alas syete na day! Malapit ng dumating si Mr. Merkuri n'yan. Bumaba kana lang muna at maglakad, saka kana lang pumara pag okay na ang daloy ng trapik." suhesyon anito sa kaniya, sa boses naandoon ang takot at pag aalala, "Oh s'ya sige na! Teks na lang kita pag naandito na si boss. Basta gawin muna lang ang sinabi ko, mag teks ka rin para alam ko."
"Okay Day salamat." at nilinga linga ang daan sa bawat gilid at saka dagliang pumara para bumaba ng jeep. Paatakbo siyang naglakad nang makababa nang jerp, para kahit paano mabawasan ang ibabyahe niyang oras pag naka sakay na siya. Kitang kita niya at dinig na dinig ang kabilaaang pag bubusinihan nang sasakyan. Sa daloy ng trapik talagang matatagalan siya pag nag stay pa siya sa loob 'non.
Nilingon niya ang kaniyang relo. Sinipat kung anong oras naba.
Ang dating ni Mr. Merkuri is 8:00. Dapat ay 7:40 ay naandoon na siya. Ngunit 7:10 na ay naandoon pa rin siyang naglalakad
"Ih, dapat makarating ako doon nang maaga. Paano kung may late ako? Paktay ka Nica! Kahit din pala magising ako ng maaga ga'non at ganoon parin! Tatanghaliin parin! Buhay mahirap nga naman oh!!" sabay punas niya sa noo na tagaktak nang pawis.
Minuto ang lumipas, gumanda ang daloy ng trapik. Kaniyang nag pusitan ang mga taxi, at jeep. Bumilis nag daloy ng mga sasakyan. Kaya nag decide na siyang huminto sa isang gild at pumara nang jeep.
"Sakay na!"
Boses na nanggaling sa kanyang likuran. Dahil kakatingin nya sa 'di kalayuan para silipin kung may paparating na jeep hindi na niya namalayang nakatayo na pala si Jake doon. Maluwang ang pagkakangiti nito at ang labing hindi maikakailang mapansin dahilan sa namumula ito at tila nag uudyok na halikan, hindi rin nakaiwas sa mata niya ang mata nitonh parang nang aakit kung pagkakatitigan.
"Thanks na lang!" mabilis niyang sagot, sumulyap siya sa binata pero binawi din niya kaagad. Pasimple niyang iginalaw ang puksuha para sipatin ang oras. Mahigit kalahating oras para ang natitira niyang oras. Sigurado naman na siyang paparating ng jeep at hindi na male-late.
Inilinga niya ulit ang ulo. Nakita niyang may paparating na jeep. Kaya mabilis niya iyong pinara.
"I know' you are late now baby. Please Sumakay kana sa kotse ko at ihahatid na kita."
"Hindi pa ako late." mabilis niyang sagot. Saka umakmang umayos sa pagkakatindig nang makitang paparating na ang jeep.
Thanks! Makakasakay na rin siya nang jeep!
Pero hindi huminto ang jeep sa harapan niya dahilan sa puno ito. Nakaramdam siya nang pananamlay.
"Kung hindi kapa sasakay sa akin ma le late kana talaga, baka matanggal kapa sa trabaho mo." pangungulit nito.
Tama nga ito.
Pero gusto niyang panindigan ang madiinang ipinangako niya kay Day, hindi na muling sasakay sa kotse ng binata. Saka mabilis na binawi ang pagka sulyap sa binata.
No! May dadating pang jeep. Makakadating ako sa botika na hindi sasakay sa manyakis na 'yan!
Napangiti at nabuhayan na loob, nang makitang may paparating na jeep. Nang malapit na, mabilis niya itong kaagad ngunit hindi man lang ito huminto ulit sa kaniya. Pakiramdam niya siya na lang yata ang nag iisa don dahil noong huminto siya doon may apat siyang katabi at kitang kita naman niyang sumakay na lang nang mga taxi ang mga ito.
Gustong niyang magdabog o magpapadyak sa in is, ngunit tamang pinipigilan na kang niya ang sarili. Napasulyap muli siya sa kaniyang relo. 7:20 na ng umaga. Sumulyap muli siya kay Jake na tila walang balak na umalis hanggat 'di siya naisasakay sa kotse nito.
"Sakay na baby! Halika na kase.." sabay hila nito sa kaniya sa kamay at muli ipinangko na naman siya sa frontseat ng sasakyan. Wala syang nagawa kundi sumunod na lang, umupo siya at dumusog sa kabilang frontseat. Naisip niyang lumipat sa likod pero ng akma na siyang hahakbang papunta doon nang biglang pigilan siya nito sa baraso.
"D'yan kasa tabi ko."
"Kung gusto mo akong ihatid hayaan mo akong pumunta sa backseat, okay?" asik niyang sagot.
"Kotse ko ito at ako ang madsusunod. Dito kasa tabi ko." wika na dipa binibitawan ng binata ang baraso ko.
"Ano ako aso! Para utus utasan mo sa ginusto mo? Salamat na lang sa paghatid mo! Okay lang na matanggal na ako sa trabaho keysa ihatid mo! Kaya buksan mo nag pinto at lalabas ako!" hiyaw niyang sabi sa harapan nito. Namumula siya sa galit. Mabilis din niyang hinila ang ariling baraso sa pagkakahawak nito. Ngunit malakas ito. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
"Please Nica you will seat here in my side okay?" anito na seryoso na ang mukha.
"Ano ba Jake?! Close ba tayo? Wala ka bangnagawang mali sa akin? Ang manhid mo uh! Nung unang pagtatagpo pa lang natin, ayoko na sa'yo! Tapos bigla kana lang manghahalik at inukit ulit mo pa! Ngayon 'yung gusto mo susundin ko?! Hindi ako abnormal para hindi maalala mga pangit na ginawa mo sa 'kin! Kaya hintuan mo ako! Siguro nasisiraan kana nang ulo?! Buksan mo 'yang pinto ng kotse mo dahil bababa ako!" mahabang wika niya, pahiyaw niya iyong sinabi.
"Ihahatid kita 'yun lang." medyo malakas na rin ang tinig nang binata sa kaniya.
"Huwag mo akong masigaw sigawan ah! Dahil hindi ako natatakot saiyo! Buksan mo 'yung pinto dahil baba na ako! Hindi porket nag mamagandang loob ka na ihahatid mo'ko sa trabaho ko susunod ako sa gusto mo!!" at dahil hawak pa rin siya nito 'di niya magawang makahakbang, kaya winaksi niya ang kamay nito ngunit ayaw talaga siyang bitawan.
"Jake ano ba?!"
"Please Nica, umupo kana lang. Ihahatid na kita dahil late kana. Saka baka matanggal kasa trabaho mo dahil may warming kana diba?" paalala nito sa kaniya. Nakipag sabayan siya dito ng tingin habang hindi pa rin binibitawan nito ang baraso niya, sinisigurado kung uupo ba siya sa harapan nito o mag pupumiglas na lalabas.
Bakit alam ng lalaking ito na may warning na ako? Ano pinaiimbistigaham ba ako nito? Sinusundan ba kao nito? Para ano?
"Please..." pakiusap nito, saka lumamlam ang mukha nito sa kaniya. Pero nagpumilit siya dahil nararamdaman nyang tila inaalam nito ang tungkol sa kaniya. Kilala niya ang tunay na pagkatao ng binata.
"Jake gusto kong pumwesto dito sa likod! Ano bang problema kung dito ako uupo? Kung gusto mong maka tulong sa Akin, mag drive ka lang d'yan at uupo ako dito. Kung talagang gusto mo akong ihatid at alam mo palang male late na'ko. Please lang umalis na tayo dahil late na late na talaga ako." aniya at tiningnan pa niya ang kamay nitong hawak parin siya.
"No! Hindi ko ito i aandar hanggat hindi ka umuupo sa tabi ko." pag pupumikit nito. Mukhang hindi siya nito bibitwan at pananaluhin sa kanilang pagtatalo.
Huminga siya ng malalim..
Kaya ko ito! Kaya ko! Siguro naman kung ipapaliwanag ko kay Mr. Merkuri ang dahilan nang pagka late ko maiintindihan naman nito siguro. At kung hindi naman, bahala nasi batman!
"Sinasayang mo ang oras ko dahil sa kakulitan mo. Buksang mo 'yang pinto ng kotse dahil lalabas ako! At please bitawan muna ako! Kung hindi sisipain ko 'tong pinto ng kotse mo!" pasya niya.
"Uupo kasa harap ko o paaandarin ko itong kotse pauwe sa bahay ko?" pagbababanta nito at diretsyong tinitgan siya sa dalawang mata.
"Urghhh!!! Alam mo Jake may lahi akong mangkukulam! Huwag mo lang ilapit lapit 'yang buhok mo sa akin dahil ng gigil na ako sa'yo!" nanggigio at galit niyang sabi. Kasabay nang pag hakbang pabalik sa tabi ng kinauupuan ng binata at padabog na iniupo ang sarili n'ya di alintana kung masakit ba ang puwit sa pagka bagsak. Nakita naman 'yon ng binata sakanapailing na lang ito sa ginawa niya sa sarili. "Ayan nakaupo nako! Bitawan muna 'yung kamay ko buwisit ka!"
"Thank you baby!" at nginitian sya nito.
"You're welcome!" madiin niyang sagot. Kung nakikita niya ang sarili sa salamin tiyak, daig pa niya ang isinalab sa apoy dahil sa init na nararamdan na galit sa binata.
"Marunong din akong pumutol ng dila lalo na't pag iniiba nito yung pangalan ko!" asik niyang muli sa binata.
Pero sulyap lang ang ginati nitong sagot kaniya, sandali lang iyon at itinuon na nito ang tingin sa minamaneho.
Hindi sya makatiis dahil nabubusit talaga siya sa binata kaya nagsalita siya muli dito. Raratratin talaga niya ito nang salita sa ganoon man lang makabawi diya, lalo na at nanginginig ang lamang niya sa galit, "Ano bang dahilan Jake bakit ginagawa mo ito sa akin? Kung dahil noon sa ginawa ko, sa pagkagat ko sa labi mo. Sorry! Pagtapos nito huwag ka ng papakita sakin! At last ko ng sasakay sa kotse mo! Please huwag ako yung pag tripan mo! Please huwag ako."
"Baby mamaya sunduin kita." sagot nito sa kaniya, malayo sa sinabi niya.
"Baliw.. " mahinang ulas niya. Tumalikod siya at itinoon na lang ang dalawang mata sa bintana.
"Baby.. baby! Baby Nics.."
Pero wala parin syang sagot. Dedma lang sa kaniya ang pagtawag sa kaniya nito. Baka kung papatulan pa niya ang pang aasar nito, baka hindi siya abutin nang buhay bago sioa dumating sa botika. Ginawa niyang maging bingi.
"Baby!! Baby.. Baby.. Baby Nics.."paulit ulit na tawag nito sa kaniya.
Hindi na siya nakapagpigil dahil sa naiirita na siya, malakas niyang sinipa sinipa ang harapan ng kinauupuan niya. Gimawa iyon nang ingay at pagkagulat sa mukha nang binata. Sa pakiramdam kase niya parang puppet siyang pinaglalaruan nang binata.
"Ano bang nasingjot mo Jake?!" may gigil ang boses niya at magkasalubong ang kilay na humarap siya dito. Kung nakakamatay nga lang ang titig nya baka nalusaw na ang binata sa ginawa niya.
" Because i like you." diretsyong wika nito at sabay preno ng sasakyan nito.