XLVI. MULI NA LANG humiga si Kirsten nang napagtanto na pinagtaasan siya ng boses ng asawa. Hindi lang siya sanay roon. Bago iyon sa kaniya kaya nakaramdam siya ng lungkot. “Hey! I am sorry,” mahinang sabi ni Ice. Hindi iyon pinansin ni Kirsten at nakatitig lang siya sa may pintaun. Nang naramdaman niyang nasa tabi na niya ang asawa ay umusog siya nang kunti palayo rito. Lalo na noong humiga ito at niyakap siya. Sinubukan pa nitong ilapit siya rito pero nagmamatigas siya. Nagtatampo siya at paninindigan niya iyon. “Sorry, wife. I did not mean it. Galit lang ako sa ama mo kaya naiinis na ako. Para bang sa kagustuhan mong magkaayos kami ay ako pa ang masamang anak.” “’Wag mo na akong pagtaasan ng boses. Nasasaktan ako,” ani Kirsten. Maririnig sa boses niya ang lungkot. “Wife, I am sorr