XLVII. HABANG SUMUSUKA SI Kirsten sa may labasan ng tubig sa mansion sa may garahe ay napatulo na ang luha niya. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganoon kaya labis ang kaba niya. Hindi niya rin gusto ang ginawa niya kay Manang Aster pero tinarayan niya ito kanina. Kahit ang pandadabog sa harap ng mga magulang ng asawa ay lalong hindi niya ginusto pero ginawa niya. Para bang hindi niya kontrolado ang katawan niya. May bagay siyang nagagawa na hindi niya gusto pero kusang nangyayari. Habang sumusuka, napatingin siya sa gilid niya nang may nakapamulsa habang nakasandal sa pader. Alam niyang ang asawa niya ito kaya tiningnan niya. Nang nagtama ang mga mata nila, muli na naman niyang nakita ang titig na ayaw niyang makita. Sa totoo lang, halos araw-araw na niya itong nakikita sa asawa. W