XLV. HINDI MUNA MAKAPASOK si Kirsten sa kumpanya nila lalo pa at inaapoy siya ng lagnat. Gusto man niyang sumama sa asawa, pero alam din naman niyang hindi niya kaya. Baka maging pabigat lang siya roon. Mabuti na lang ay nandiyan sina Aster at Esang na naghahatid sa kaniya ng makakain. Ang mga ito rin muna ang nagpakain at nagpaligo kay Amara. Kakatapos lang niya mananghalian at nakainom na rin siya ng gamot. Napatingin naman siya sa pinto nang sumara ito. Kakalabas lang ni Esang mula sa pagkuha sa pinagkainan niya. Hindi naman niya nakalimutang magpasalamat dito. Habang nasa higaan si Kirsten, hindi niya mapigilan na mapatingin kay Amara. Kakatapos lang nitong kumain at mukhang inaantok na naman. Sa tingin niya, dulot ito ng lamig kaya mas gugustuhin na lang nitong matulog. Nang tumu