XLIV NATAPOS ANG PAGTATALIK nina Kirsten at Ice ay nakatulog nang mahimbing si Kirsten. Nakaramdam lang siya ng pananakit sa kaniyang katawan lalo na sa gitnang bahagi ng katawan—ang kaniyang p********e. Kung kaya, naisipan niyang magpahinga muna. Agad din naman siyang nakatulog dulot nang sobrang pagod. Lalo pa na nadagdagan pa ng dalawang beses ang pagtatalik nila. Para bang ayaw na siyang bitiwan ng asawa. Dalawang oras ang lumipas, nagising na Kirsten. Pagmulat ng mga mata niya, bigat ng katawan ang sumalubong sa kaniya. Para bang may nakadagan sa kaniyang mabibigat na bagay. Pakiramdam niya ay nilalagnat siya. Ang sama ng pakiramdam niya. Hindi niya mapaliwanag. Napabuntonghininga naman siya nang mapansin na mahapdi pa rin ang p********e niya. Masasabi niyang nasugatan ito nang mala