LII. UMUWING LUHAAN SI Kirsten sa bahay niya. Mabuti na lang ay may kunting pera pa siya sa pitaka niya at hindi na iyon napagdiskitahan pa ng holdaper. Walang tigil siya paghagulgol habang hawak ang lumalaki ng tiyan niya. Naawa na lang siya para sa anak niya. Hindi man lang niya mabigyan ng magandang buhay. Kahit simpleng ultrasound lang sana ay kailangan pa siya magpakahirap para makalikom ng pera. Napanganga si Kirsten nang sumakit ang tiyan niya. Nang may naramdaman siyang likido na tumulo sa p********e niya ay nanlaki ang mga mata niya. Natahimik siya habang nanginginig ang mga kamay na tiningnan kung ano iyon. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makitang dugo iyon. “’Nak! K-Kumapit ka!” Humagulgol si Kirsten habang nanginginig sa takot. Nagmadaling tumayo si Kirsten habang wal