LIII. “DITO KA LANG muna, ’Nak, puntahan ko muna ang security team ng hospital para sa kaligtasan mo rito,” maawtoridad na sabi ni Zeddrick. Pag-alis ni Zeddrick sa kuwarto kung saan naka-confine si Kirsten, tila ba ay nakalimutan ni Aleng Flor na may asawa’t anak na ito at kung ilang taon na ang edad nito. Napatalon-talon ba naman ito sa sobrang kilig habang hindi makapaniwala ang mukha. Daig pa nito ang isang dalaga na nakitang walang suot pang-itaas ang lalaking hinahangaan. Saksi naman sa pamumula ng mukha nito si Kirsten kaya hindi niya mapigilan na makaramdam ng pangingilo sa kinikilos nito. “Aleng Flor, anong nangyari sa iyo?” naiilang na tanong ni Kirsten. “Alam kong mali ang ginawa ng ina mo. Pero kung ganoon kagwapo ba naman ang mang-aakit sa iyo? Sino ba ang hindi papatol. T