LI. “KUMUSTA KA NA?” tanong ni Zeddrick. “Ano ang karapatan mo para tanungin ako? Bakit ka nandito? Inutusan ka ba ni Ice para pahirapan ako dahil alam niyang takot ako sa iyo? Kung oo. . .” Humagulgol si Kirsten. “Parang awa ninyo na! ’Wag ninyo ng ituloy. Pagod na pagod na pagod na pagod na ako sa buhay ko. Pagod na pagod na ako sa paghuhugas ng pinggan para mabuhay lang kami ng anak ko. Hindi dapat ganito ang buhay niya pero heto ako tinitiis ang three hundred fifty (350) pesos araw-araw! Nagbabayad pa ako ng upa, kuryente, tubig, at iba pa. T-Tito...” Lumuhod si Kirsten. “Please, ’wag ninyo na akong isumbong. Hayaan ninyo na ako rito. Hindi ko kayang patayin niya ang anak ko.” “P-Patayin?” tanong ni Zeddrick. “O-Oo. N-Natatakot na ako sa kanya, Tito. Sasaktan na naman niya kaming d