II.
NASA STORAGE ROOM na si Kirsten at kumuha ng dog food para sa miryenda ni Amara—ang bulldog ni Ice. Hindi naman niya mapigilang mapangiti nang maalala ang mga magagandang sinabi ng mga tao roon sa sala. Pinuri lang naman ang taglay niyang ganda habang suot ang gown na susuotin niya para bukas sa kasal nina Ice at Lorraine. Kahit si Lorraine na tanggap na ang katotohanan na hindi niya magagawa ang hiling nito, hindi rin napigilan na puriin siya. Masaya lang siyang marinig ang lahat ng iyon. Nawala tuloy ang inis niya kay Ice na hinalintulad ang mukha niya kay Amara.
Paglabas ni Kirsten, dala na niya ang dog food ni Amara. Dumiretso na siya papunta sa fourth floor kung saan ang kuwarto ni Ice. Nandoon din kasi makikita ang kuwarto ni Amara. May sarili itong higaan at banyo. Matalinong aso ito kaya alam na nito kung saan ito dudumi. Siya rin ang nagpapaligo rito at nagpapakain. Para ngang siya na ang may-ari nito kasi siya ang nag-aalaga nito.
Pagdating niya sa kuwarto ni Ice, wala pang tao. Nasa loob naman si Amara at humihiga sa higaan nito. Nang tinawag niya ito, agad itong bumangon at tumahol. Nagagalak ang aso na makita siya. Gumagalaw kasi ang katawan nito.
“Baby Amara, come to your Mommy Tin,” nakangiting sabi ni Kirsten.
Tumalon si Amara mula sa kama at pumunta sa kaniya. Umupo naman siya sa sahig para himasin ang mukha nito.
“Are you hungry na, baby? I have your meal na. Kumain ikaw ng marami, ha?” nakangiting sabi ni Kirsten.
Tumahol si Amara bilang sagot. Napangiti na lang si Kirsten. Masaya lang siya na sobrang bait na aso nito. Hindi rin ito sakit sa ulo kaya wala siyang problema rito.
Napalingon naman siya sa pinto ng bumukas ito. Iniluwa roon si Ice na halatang iritable. Dumiretso lang ito sa kama nito at kumulob.
“May sumpong si Daddy, baby. Kaya mag-behave ka lang, okay?” pabulong na sabi ni Kirsten.
Tumayo na si Kirsten at naghanda ng pagkain ni Amara. Nang nasa lababo na siya, hinugasan niya muna ang lalagyan ng pagkain at tubig nito. Nang natapos, inilagay na niya ito sa sahig. Habang kumakain ang aso, ang mata niya ay nasa amo.
“Sh*t!” biglang sigaw ni Ice. Hinampas pa nito ang kama.
Napalingon si Amara sa amo nito at tumahol. Nakita naman ni Kirsten na sumilip sa kanila si Ice.
“Come to Daddy,” mahinang sabi ni Ice.
Tumigil muna sa pagkain si Amara at tumakbo papunta sa amo nito. Pagdating ng aso sa kama, umayos ng higa si Ice. Dumapa naman doon si Amara at parang niyakap ang amo. Hinaplos naman ni Ice ang mukha nito at nakipagbeso. Dinilaan pa ng aso ang mukha nito.
“Why so pretty, Amara?” sabi ni Ice sabay halik sa noo ng aso.
Nagpipigil naman sa pagtawa si Kirsten nang marinig ang sinabi ni Ice. Ang sabi nito kanina, panget daw siya at kamukha niya ang aso nito. Pero iba na ang narinig niya. Maganda na raw ito. Sa isipan niya, pwedeng hindi totoo ang sinabi ng amo sa kaniya.
“Posible kayang nagandahan din siya ak—aray!”
Hindi natuloy ni Kirsten ang sinabi sa isipan nang tumama ang unan sa buong mukha niya. Tiningnan niya nang masama ang amo at tinapunan ito pabalik.
“Problema mo!” sigaw ni Kirsten.
“Nakakadiri ang ngiti mo! Pinagpantasiyahan mo siguro ako!” inis na sabi ni Ice.
“I-Ikaw? P-Pagpapantansiyahan ko? Para sa masasarap lang iyon, e. Ang laswa mo kaya!” Tumayo na si Kirsten. “Maalis na nga! Pakainin mo iyang bulldog mo!”
Umalis na si Kirsten sa kuwarto ni Ice. Imbes nawala na ang inis niya, bumalik na naman ito. Nanggigigil lang siya rito.
Nasa kusina na si Kirsten, inagawan naman niya ng trabaho ang katulong sa mansion. Gusto niya lang mapagod para makatulog siya ng maaga.
“Tin, baka mapagalitan ako,” sabi ni Esang. Ang katulong na nakatalaga sa kusina.
“Manang, katulong din ako rito,” giit ni Kirsten.
“Tagabantay lang ng aso ni Sir Ice.”
“Iyon pa rin iyon,” giit na sabi ni Kirsten.
“Kung katulong ka. Sa maids room ka sana. Pero hindi! Nasa third floor ka, Tin.”
“Manang Esang, please. . . kailangan kong pagurin ang sarili ko para makatulog nang maaga mamaya.”
“Wala ka bang trabaho?”
“Naka-leave ako.”
“Sige. Tutulungan ko na lang si Aster sa labas. Ikaw na magpaliwanag, ha? Kung magtanong man sila, Madam.”
“Oo na. Huwag ka na po mag-aalala, Manang.”
Nang natapos maghugas ng mga pinggan ni Kirsten, kumuha siya ng sitsirya at soda. Tumungo naman siya sa pool area para magpahinga muna roon sandali. Pagdating niya, napangiti siya nang madatnan na walang tao. Kahit mabuti ang pakikitungo ng pamilya Miranda sa kaniya ay nahihiya pa rin siyang makita na walang ginagawa.
Noong nasa mansion pa si Snow at wala pang asawa, masasabi niyang wala talaga siyang ginagawa sa mansion. Nagagalit kasi iyon kapag hindi sinasamahan. Bagaman mas pabor iyon sa kaniya pero nahihiya pa rin siya. Itinuring na kasi siyang bunsong kapatid nito kaya mahal niya ito. Nang dahil kina Lorraine at Snow, napatunayan ni Kirsten na hindi lahat ng may mga gintong kutsara sa mesa ay mababa ang tingin sa mga katulad niyang mahirap.
Umupo na siya sa isang upuan habang nakatanaw sa linaw ng tubig. Abala naman siya sa pagkain. Kahit papaano, napagod din siya sa pagiging maid of honor sa kasal. Isa kasi siya sa boses na pinakinggan ni Lorraine para sa tema ng maging kasal nito. Ang pinili niyang tema ay hardin. Sinang-ayun naman iyon ni Lorrain na mahilig din sa bulaklak. Puti na may halong rosas ang kulay ng suot sa lahat ng kasapi ng kasal maliban lamang sa groom at bride. Sa reception naman ay sa isang malawak na hardin. Gradient pa rin ang disenyo roon na pinaghalong kulay berde, dilaw, at puti. Hindi naman niya mapigilang mapangiti nang maalala ang maging ayos niyon bukas. Pinakita kasi iyon ng graphic artist na kinuha nila. Hindi nagtagal, hinampas niya rin ang sarili niya. Hindi dapat siya maging masaya lalo pa at hindi gusto ng kaibigan niya ang mangyayari bukas.
Bumuntonghininga siya. “Buhay!”
“Hey, Kirsten!” pagsulpot ng isang boses.
Nairitang nilingon ito ni Kirsten. Boses pa lang ay alam niya na kung sino iyon. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad tumalikod nang makita ang anak ng amo.
“A-Ano ba!? M-Magbihis ka nga!” nauutal na sabi ni Kirsten.
Nakapulang undearwear lang ang suot ni Ice kaya naiilang siyang tingnan ito. Nanindig naman ang mga balahibo niya nang maalala sa isipan ang bakat nito.
“H-Hoy! Magbihis ka na nga! Hindi ba uso sa iyo ang bathrobe!? W-Wait! Bumaba ka ba sa kuwarto mo ng naka-undearwear lang?” hindi makapaniwalang tanong ni Kirsten.
“Yup. Bakit? Wala naman akong dapat ikahiya. Maliban sa sobrang gwapo ko at may dala akong malak—”
“E-Enough! Kadiri ka talaga.”
“Sorry. . . pagbigyan mo na ako. I want my last day memorable to everyone,” mahinang sabi ni Ice.
Napalingon si Kirsten dito. May kakaiba lang siyang nararamdaman sa pananalita nito. Hindi na niya inisip kung naka-undearwear lang ito. Tinitigan niya ang mukha nito at nababalot iyon ng lungkot. Tinitigan siya nito at inalalayan ng ngiti. Pagkatapos, tumakbo patungo sa pool at tumalon.
“Ice,” mahinang sambit ni Kirsten.
Gabi na at nasa kuwarto na si Kirsten para matulog. Nang sinubukan na niyang matulog ay bumabagabag sa isipan niya ang sinabi ni Ice kanina. Para kumalma ang puso niya, bumangon siya sa hinihigaan para silipin ito sa kuwarto nito.
Nang nasa tapat na ng pinto si Kirsten sa kuwarto ni Ice ay sinubukan na niyang ikutin ang doorknob nito. Nang gumalaw, sigurado siyang walang tao sa loob. Pero pumasok pa rin siya roon para manigurado.
“Ice? Nasa banyo ka ba?” tanong ni Kirsten.
Walang sumagot kaya kinabahan na siya. Tumakbo naman siya sa banyo para manigurado. Pagbukas niya, wala rin ito roon. Aalis na sana siya pero nang napansin niyang may puting papel na nakalagay sa ibabaw ng drawer ay tumakbo siya para tingnan ito. Nang nawakan niya ito ay nabasa niya ang sulat. Nanginginig naman ang kamay niya.
“Bye! Keep smiling, everyone.”
Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ni Kirsten. Ang ginawa niya, tumakbo siya palabas ng bahay. Naisipan naman niya ang swimming pool kaya napatakbo siya papunta roon.
Pagdating niya sa pool area, hinihingal na siya dahil sa walang tigil na pagtakbo. Napahawak naman siya sa dibdib para kumalma ang puso niya.
“Sir Ice! Nandito ka ba?” sigaw ni Kirsten.
Nilibot na ni Kirsten ang buong paligid ng pool para hanapin si Ice ngunit bigo siyang makita ito. Pinasok na rin niya ang mga banyo pero wala rin doon. Para namang may naghahabulan na kabayo sa dibdib niya sa sobrang bilis ng pintig ng puso niya. Kinabahan lang siya kung ano ang nangyari sa amo. Ang sigurado siya, nasa loob lang ito sapagkat nandoon pa rin sa garahe ang sasakyan nito.
Muling tumakbo si Kirsten pabalik sa loob. Napatigil naman siya sa pagtakbo nang makita si Ice na nakaupo sa rooftop ng mansion. Nanginginig ang katawan niya. Mukhang tama nga ang hinala niya. Muli siyang tumakbo at mas binilisan pa iyon habang nagsipatakan ang luha sa mga mata niya. Hinihingal na siya pero wala siyang pakialam sa sarili niya. Ang mahalaga sa kaniya, mapigilan kung ano man ang binabalak nito. Ayaw niyang may tao pang mahalaga sa kaniya na mawala.
Pagdating niya sa limang palapag ng bahay, huminto muna siya. Nawawalan na siya ng hininga. Pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan pa. Sa tingin niya, kailangan niya muna ng mga isang minuto na pahinga.
“Lord, please. . . touch his heart. Huwag mo siyang hayaan na gawin ang binabalak niya,” sabi ni Kirsten.
Hinihingal pa si Kirsten pero muli na siyang nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa narating na niya ang rooftop. Nadatnan pa rin niya si Ice na nakaupo at halatang ang lalim ng iniisip. Nang gumalaw ito, nanlaki ang mga mata ni Kirsten. Tumakbo siya patungo rito. Pagdating niya, niyakap niya ito at hinila dahilan para matumba silang dalawa sa sahig.
“Bakit ka nandito?” walang ganang tanong ni Ice.
“Ano ang binabalak mo?” Humagulgol si Kirsten. Nasasaktan lang siya.
“Gusto ko ng mawala para matapos na ang paghihirap ko,” mahinang sabi ni Ice. Nagpipigil ito sa luhang nagbabadiyang tumulo.
Bumangon si Kirsten at pinatungan si Ice na nanatiling nakahiga at tulala sa kawalan. Ang ginawa niya, sinampal niya ito nang malakas gamit ang kanan at kaliwang kamay.
“Ang selfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Paano si Ate Snow? Si Tita? Si Tito? Si Mamita? A-Ako? Ice, paano kami?” sigaw ni Kirsten.
“Hindi na ako masaya,” pag-amin nito.
Muling sinampal ni Kirsten ang binata. “Iyon ba ang solusyon? Pagkakamatay, ha!? Huwag mong sayangin ang buhay mo, Ice! Marami ka pang pwedeng gawin! Ang sad boy mong hambog! Ang sarap mong murahin!”
“P-Pero. . .”
“Oo na! Papayag na ako sa gusto niyo! Sisirain ko ang kasal niyo!” sigaw ni Kirsten sabay tayo.
Bago siya umalis ay sinipa pa niya sa tagiliran ang dating kaibigan. Habang papalayo siya mula rito, sinigawan siya nito ng ‘salamat’ pero wala na siyang pakialam doon. Galit siya rito. Hindi niya makakalimutan ang gabing ito.
~~~