I.
PAGDATING NI KIRSTEN sa kuwarto niya ay agad itong pumikit at bumuntonghininga. Isinandal pa niya ang sarili sa pintuan at napahawak sa dibdib. Hinimas niya iyon. Hindi lang maganda ang nararamdaman niya sapagkat nalilito siya kung gagawin ba niya ang hiling ng kaibigan.
"Hey!" pagsulpot ng isang boses.
"Shi-"
Sisigaw na sana si Kirsten sa sobrang gulat pero natahimik siya nang bumungad sa harapan niya ang anak ng amo-si Ice Miranda. Itinulak niya ito palayo sa kaniya pero hindi niya ito kaya. Malakas ito. Gusto niya sanang umalis sapagkat kinulong siya ng binata sa mga bisig nito. Wala naman siyang magawa kung hindi ang hayaan na lang ang sarili na makulong dito.
"Ano ba! Umalis ka nga! Akala mo talaga siguro na ang ganda ng view!? Nakakasura! Alis!" inis na sabi ni Kirsten.
Tipid na ngumiti si Ice. "Mas maganda ka pala sa malapitan."
Napataas ang kilay ni Kirsten. "Alam ko iyon. Matagal na. So tapos na tayo? Pwede na akong makaalis?"
"You hate the view. Aren't you?"
Bumuntonghininga si Kirsten. "Ano ba talaga ang gusto mo?"
"Pipilitin kang pumayag sa gusto namin ni Lorraine. Kilala mo naman ako, 'di ba? Do you think ready na ako maging husband? The answer is no, Kirsten. So matutulungan mo ba kami?"
"Sa tingin mo tutulungan kita dahil sa ginawa mo ngayon? Pinapalala mo lang ang sitwasyon. Iniinis mo ako."
"You can't resist my charm kaya nandito ako. Girl weakness-handsome." Nginitian nito si Kirsten. "Kaya ako nandito at halatang inaakit ka."
Napailing si Kirsten. "Hello? Hindi ko kahinaan ang gwapong nilalang. So huwag ako, okay?"
Inilapit ni Ice ang bibig sa tenga ng dalaga. "What about a man with a sexy voice?"
Napangiwi na lang ang mukha ni Kirsten. Nandidiri siya sa ginawa nito. Aminado siyang gwapo ito. Maganda ang itsura nito at maihahalintulad ito sa mga lalaking modelo na makikita sa mga magasin. Maganda ang kulay tsokolate na mga mata nito. May makisig din itong pangangatawan. Alam niya iyon sapagkat biglang papasok lang ito sa kuwarto niya habang nakabalot lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan.
Pero kahit anong ganda ng itsura ni Ice, sa ugali pa rin siya tumitingin. Sabay silang lumaki. Lamang lang sa kaniya ito ng dalawang taon. Ang naalala niya, magkaibigan sila noong bata pa sila. Pero noong pumunta ito ng ibang bansa at namalagi roon nang mahigit walong taon ay nagbago na ang ugali nito. Hindi na siya pinapansin at palaging mainitin ang ulo. Kahit may ginagawa pa siya, walang tigil pa rin ito sa kauutos sa kaniya.
"You like my voice before," seryosong sabi ni Ice.
"Bago mo ako landiin. Siguraduhin mong nakapag-toothbrush ka na, ha? Hiyang-hiya naman ako sa toyong may crispy mix na request mong ipaluto. Para kang tanga na naglilihi."
Nanlaki ang mga mata ni Ice. Nagpipigil naman sa tawa si Kirsten. Alam niyang nahihiya ito. Nang napansin niyang wala na ito sa sarili ay tinulak na niya ito. Sa ginawa niya, nakalaya na siya sa pagkakulong sa mula mga bisig nito.
Pasimpleng inamoy ni Ice ang bibig nito gamit ang kaliwang kamay. Napailing naman ito nang maamoy nito na totoong may amoy nga at hindi nagsisinungaling ang dalaga. Napakagat-labi naman ito sa inis. Nahihiya lang ito.
"Sh*t!" inis na sabi ni Ice. Nilingon nito nang may inis sa mukha si Kirsten. "Pinagtatawanan mo ba ako?"
"Hindi halata. Ano na? Saan na iyong charm na pinagmamayabang mo?"
"Magsisipilyo na muna ako. Babalikan kita rito."
"Baliw!"
"Boss mo pa rin ako, ha? Palalayasin kita rito sa bahay," inis nitong sabi.
"Kina Tita at Tito lang ako susunod. Feeling entitled ka lang. Hindi naman ikaw ang nagbabayad sa akin."
Natapos niya iyon masabi ay lumabas na lang si Ice. Nakahinga naman siya nang maluwag at tumungo sa kama niya. Paghiga niya, napansin niyang hindi naisara nang maayos ang drawer niya sa kabinet. Agad siyang tumayo at lumapit doon. Nang binuksan niya ito, napansin niyang nagkalat ang laman nito. Unang nakita ng mga mata niya ang photo album. Nandoon sa loob ang mga magagandang alaala niya na kasama ang ina. Kasama rin doon ang barkada niya noong bata pa siya; sina Ice, Lorraine, at Snow. Binuksan na niya ito at tiningnan. Nang nakita niyang nawala ang larawan nilang dalawa ni Ice ay napataas ang kilay niya. Sa tingin niya, may kinalaman ang binatang kakalabas lang.
Bumuntonghininga siya at lumabas ng kuwarto. Gusto niya lang kunin iyon muli. Pero nang papaakyat na siya sa ikaapat na palapag ng mansion ay papababa rito ang ina ng pupuntahan niya-si Ivy Miranda.
Niyuko niya ang ulo bilang respeto rito. Bago siya dinaanan nito ay tinapik ang balikat niya. Napalingon naman siya rito at tiningnan ito. Hindi niya namalayan na napangiti na lang siya habang tinitingnan ito. Hindi niya mapigilan na mamangha sa ganda ng ayos nito araw-araw. Kahit nasa bahay lang ito, sinisigurado ni Ivy na maganda ito palagi. Ang ikinatutuwa ni Kirsten, napakabait nito sa kaniya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nahihirapan siyang pumayag sa kahilingan ng mga taong naging parte sa buhay niya.
Nagsimula ng humakbang si Kirsten sa hagdan. Muli naman siyang napayuko nang makakasalamuha sa hagdan ang ama ni Ice-si Sid Miranda.
"Hijah, huwag mong kalimutan na pakainin ang alagang bulldog ni Ice," paalala ni Sid.
"Okay po, Tito."
"Salamat."
Nang makaalis na si Sid ay muli siyang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kuwarto ni Ice. Nang nasa tapat na siya nito, nakabukas iyon nang kunti. Itutulak na sana niya ang pinto ng kuwarto para pumasok pero napatigil siya nang marinig ang boses ng lola nito na si Doña Irwana o mas kilala niyang Mamita.
Sumilip siya nang kunti sa nakabukas na pinto. Nakita niya roon si Ice na nakaluhod sa harapan ng lola nito. Nakayuko ito at mukhang nagmamakaawa. Nang nakita niyang nagpupunas ito ng luha sa mga mata nito ay mas nakaramdam siya ng awa para rito.
Aalis na sana siya para bigyan ng pagkapribado ang pag-uusap ng mag-lola pero napatigil siya nang marinig na magsalita si Ice. Muli siyang napalingon sa dalawa.
"Mamita, please. . . hindi pa ako handa. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay," panimula ni Ice. May pagmamakaawa sa boses nito.
"Apo, para ito sa future ng The Miranda Incorporation. At isa pa, tumatanda na ang lola. Bigyan mo naman ako ng apo bago ako mawala sa mundong ito," si Doña Irwana.
"Damn, Lola! Hindi ko nga siya mahal! I can't f**k her so hindi kita mabibigyan ng apo."
"No. This is the tradition of our family, Ice. Tingnan mo ang Ate Snow mo, una ay ayaw niya. What happened? May tatlo ng anak at napakaselosa pa sa asawa niya. Matutunan mo rin mahalin si Lorraine. She's beyond perfection, Ice."
"Ayaw ko nga sa kaniya."
"Baka gusto mong ipakasal kita kay Kirsten? To be honest, gusto ko siya para sa iyo."
Agad tumayo si Ice mula sa sahig. "Yucks. Oo na! Magpapakasal na."
Napakunot-noo na lang sa sobrang inis si Kirsten. Harapan-harapan niya pa nakita kung gaano siya na pinandidirian ni Ice. Bagaman wala naman siyang inaasahan na magandang sagot nito pero kung paano ito mag-react sa sinabi ng lola nito ay nakabababa ng pagkatao niya. Hindi naman sana siya panget. Hindi naman sa pagmamayabang ay nagagandahan din siya sa sarili niya. Araw-araw nga niya pinupuri ang mukha sa harap ng salamin. Pakiramdam nga niya ay guwapo ang ama niya. Simula bata pa lang ay hindi niya na ito nakita. Wala siyang alam kung sino ito. Hindi rin sinabi ng ina niya hanggang sa namatay na lang ito. Nagtanong naman siya kina Sid at Ivy pero ang sagot ng dalawa ay nabuntis na lang bigla ang ina niya nang hindi nila alam kung sino ang ama. Isang taon pa si Ice niyon noong pinagbuntis siya. Sa edad niyang bente tres ay wala siyang ideya kung buhay o patay na ang ama niya.
Umalis na si Kirsten. Hahayaan na lang niya kay Ice ang kinuha nitong larawan nilang tatlo ni Snow. Napagtanto niya na wala namang mawawala sa kaniyang pagkatao kung kunin iyon. At isa pa, hindi lang iyon ang mga larawan na meron sila. Marami pa roon sa photo album niya.
Nang papababa na siya ng hagdan, nakita niyang may mga tao roon. Alam niyang iyon ang mga designers na kinuha ng pamilya Miranda at Guillermo. Nakita niya rin doon ang mga damit na nakasabit sa isang lalagyan. Nahihiya naman siyang isipin na susuotin niya ang isa sa mga magagandang damit doon sa sala. Siya ang kinuhang brides maid ni Lorraine sapagkat siya ang pinakamalapit na kaibigan nitong babae.
Dahan-dahan na siyang bumaba at hindi na lang pinansin ang mga tao. Yumuko lang siya hanggang sa dumating na siya sa baba. Didiretso na sana siya sa storage area para kumuha ng pagkain ng alagang bulldog ni Ice pero napatigil siya nang tinawag siya sa isa sa mga taong nandoon.
Paglingon ni Kirsten, ang designer pala ang tumawag sa kaniya. Sinenyasan naman siya nitong lumapit.
"Bakit?" tanong ni Kirsten.
"Sukatin mo itong susuotin mo bukas," maawtoridad na sabi ng designer.
"P-Pwede bang bukas na lang?" nahihiyang tanong ni Kirsten.
Inirapan ito ng designer. "Bawal ang mahiyain dito. Halika na."
"Kirsten, come here," nakangiting sabi ni Ivy.
Kinuha ni Ivy ang gown sa kamay ng designer at dumiretso ito papalapit kay Kirsten. Nanginginig naman ang mga tuhod ni Kirsten. Sa tingin niya, wala na siyang takas at mukhang mapapasubo na siya.
Inabot ni Ivy ang gown. "Wear it, Kirsten. Na-picture out ko na kung gaano ka kaganda. Last time, I am impressed sa debut mo. Hindi ko inaasahan iyon. Alam kong maganda ka, pero may mas igaganda ka pa pala."
"Thank you, Tita. Pero kailangan ba talaga ngayon?"
"Of course, para malaman nila kung may dapat bang i-adjust sa damit mo. Sige na, pumunta ka na sa kuwarto mo at magbihis ka na roon."
Maraming katulong sa mansion ng Miranda. Ang kaibahan nga lang, may sariling kuwarto si Kirsten at ang ina niya. Mabait na tao ang ina niya kaya napalapit ito sa puso ng mga Miranda. Nakikita kasi ng mga ito kung gaano kabuti ang ina niya noong inaalagan nito sina Ice at Snow. Kahit nabuntis ang ina niya sa panahon na nagtrabaho ito ay hindi nagbago ang work performance nito. Napakamaalaga pa rin nito sa mga inaalagaan. Nakita ng mga Miranda ang kabutihan sa puso ng ina niya kaya tinuring na rin silang pamilya.
"Okay, Tita. Susukatin ko na po," walang nagawang sagot ni Kirsten.
Pagdating ni Kirsten sa kuwarto niya ay agad siyang naghubad ng suot. Tanging bra at panty lang ang iniwan niya sa katawan. Nang handa na siyang sukatin ang damit, pumunta na siya sa harap ng malaking salamin at sinubukan ng suotin ang damit. Gradient ang kulay nito at napakaelegante tingnan.
Nang nasuot na niya iyon, hindi niya mapigilang mapangiti. Nagandalahan lang siya lalo sa sarili niya habang suot ang napakagarang damit. Makikita naman ang magandang hiwa sa hinaharap niya. Ang nagpaganda lalo rito ay ang mga nunal niya sa leeg at dibdib. Mas lumilitaw ang kulay gatas niyang kutis.
Habang tinititigan niya ang sarili sa harap ng salamin, tipid siyang ngumiti. Hindi sa saya kung hindi ay kirot sa puso. Napaisip lang siya kung paano kung dumating ang araw na ikakasal na siya sa taong mahal niya ay walang magulang ang maghahatid at mag-aabang sa kaniya sa altar. Wala na siyang mga magulang. Hindi niya rin alam kung sino ang mga kamag-anak niya sapagkat ang ina niya ay itinapon lang noong sanggol pa ito. Lumaki ito sa ampunan. Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya. Naaawa lang siya sa kapalaran ng ina niya. Mabuti na lang ay nakilala nito ang pamilya Miranda na tinanggap ito nang buong puso.
Pinunasan na ni Kirsten ang luha sa mga mata niya. Naalala lang niya ang sinabi ng ina na dapat maging matapang siya sa lahat ng aspeto. Ngumiti na siya sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas.
Pagbukas niya ng pinto, agad na siyang lumabas na may ngiti sa labi. Napa-irap naman siya nang makita si Ice na kakababa lang mula sa fourth floor. Napatitig pa sa kaniya ang binata. Nanginginig naman ang kamay niya nang maalala kung paano siya nito pinandidirian kanina sa harap ni Doña Irwana. Para mawala iyong inis niya, hindi na niya muna ito papansinin.
Nagsimula na siyang humakbang hanggang sa napunta siya sa tabi nito kung saan ang hagdan. Hindi niya ito pinansin at hahakbang na sana para bumaba pero napatigil siya nang tumikhim ito.
Nilingon niya ito. "A-Ano?"
"Ang panget mo, ha? Kamukha mo si Amara."
Napabuntonghininga na lang si Kirsten para mawala ang inis sa puso niya. Nanggigigil lang siya lalo sa binata. Kinumpara ba naman siya sa bulldog nito. Sa ganda niyang taglay, kinumpara lang siya sa aso. Hindi niya matanggap iyon.
~~~