XI. NASA EROPLANO NA sina Kirsten at Ice. Masaya naman si Kirsten na nasa gilid siya nakaupo. Gusto lang niya makita ang mga tanawin habang nasa biyahe. Pangako niya sa kaniyang sarili, hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Habang hindi pa umalis ang eroplano, kinuha niya ang telepono sa kaniyang bulsa at agad na nag-selfie. Umusog naman si Ice at nakisali nang nakiya siya nito. Nag-peace sign pa ito na para bang ang close talaga nila. Nilingon naman ito ni Kirsten at inalayan ng matamis na ngiti. “Ganda ng tempo natin ngayon, ha?” nakangiting sabi ni Kirsten. “Gusto ko lang. Para masabe na sweet tayong dalawa. Then, kiligin si Mamita,” si Ice. “Grabe ka! Tayo na nga lang dalawa, pero ang plastik mo pa rin.” “Pasensiyahan na lang,” sagot ni Ice. Mukhang nagmamayabang pa ito. Biglang