X. “HEY! YOU ARE crying. What happened?” tanong ni Ice nang magising ito. Napalingon si Kirsten dito habang ang mga mata ay nababalutan ng luha. Ang labo ng paningin niya pero klaro sa kaniya na nakatitig ang asawa sa kaniya. Hindi niya lang mapigilan ang kaniyang sarili. Kahit hindi pa niya tinapos ang pagbabasa ng liham ng ina niya ay nasasaktan na siya. Naawa lang siya sa sinapit nito. “Hey! stop crying!” singhal ni Ice. Tamad itong bumangom habang hindi mapigilan na mapakamot sa ulo. “Yakapin mo ako, please?” hiling ni Kirsten. “No. Umiyak ka lang diyan. Magtatanong lang ako sa iyo.” “Ang sama mo.” Humagulgol si Kirsten. “Oo na. Halika rito. Sa batas ko, ang magpa-comfort ang mag-adjust.” Hindi nagdalawang-isip na lumapit si Kirsten sa asawa. Kahit niinis siya rito noong bago