XXVII. “PAPAKASALAN KITA, PAPANAGUTAN ko kayo,” sagot ni Vico habang nakatingin kay Kirsten. Yumuko na lang si Kirsten at tahimik na nagpupunas ng luha sa mga mata niya. Kahit masakit, alam niyang iyon ang ikabubuti para sa kaibigan niya. Gusto niyang humagulgol sa harapan ng dalawa pero wala na rin magagawa iyon. Kaya hanggang makakaya niya ay pipigilan niya ang kaniyang sarili. At isa pa, para sa kaniya ay magdagdag lang din iyon sa tensiyon. “Sigurado ka ba?” tanong ni Lorraine. May pagmamakaawa pa rin sa mga mata nito. “I knew Kirsten’s story since then. . . nakikita ko ang sakit sa mga mata niya kapag kinukuwento niya sa akin ang sakit na lumaking walang ama. Alam ko ang sakit kaya hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa magiging anak natin,” seryosong sagot ni Vico. Napalingon si