IX. HINDI MAPIGILAN NA mapakunot ang noo ni Kirsten sa sinabi ni Ice. Aaminin niyang nandiri siya nang kunti. Sa palabas lang niya kasi nakikita iyon. Pagkatapos, itong asawa niya ay sinabi iyon sa kaniya. Para sa kaniya, mabuti sana kung mahal nila ang isa’t isa pero hindi. Lahat ng meron sila ay isang pagpapanggap lang. “S-Stay b-beside me? Ang cringe mo, Ice. Pero sige na nga, basta kasama ako bukas, ha?” nakangiting sabi ni Kirsten. “Ang sabi ko, sa tabi lang kita. I did not say na mag-ingay ka,” irap na sabi ni Ice. Kumuha muli ito ng lasagña at sinubo iyon. “Okay na. Bakit ba ang sungit mo?” “This is me. If hindi na ako ganito, hindi na ako iyon,” sagot ni Ice. Mukhang proud pa ito sa ugali nito. “I guess, magkakagusto lang ang babae sa iyo dahil gwapo at hot ka lang. Salihan m