"What the he*l, Don?" Malakas na bulyaw ni Giovanni. "Tanga ka ba?"
Nagpanggap akong natataranta saka iniatras ang sasakyan. "Ah, pasensiya na, Sir. Hindi ko natantya ang biglang paghinto nung nasa harapan natin," paliwanag ko.
Itinaas ko pa ang katawan at sinilip ang kotse na nasa harapan. Hindi naman iyon masyadong na-damage. Nagkagasgas lang nang bahagya. Sumilip lang din mula sa kabilang kotse ang nasa passenger seat, ng sumenyas ito ng ok lang ay nagpatuloy na kami sa biyahe.
Mabuti na lang at kasamahan namin yung nabangga ko. Kung nagkataong ibang tao, baka gumulo ang sitwasyon. Gayunpaman, kung magiging dahilan naman iyon para hindi matuloy sina Giovanni at Cate sa pagse-celebrate ng anniversary nila ay ipagpapasalamat ko pa siguro kung ganun ang nangyari.
Nagpahinto sila sa isang kilalang Mall, ako pa din ang pinasama ni Giovanni sa kanila habang yung laman ng dalawang kotse ay naiwan lang sa parking.
"Do you have a good eye, Don?" maya-maya'y tanong ni Giovanni habang hinihintay naming lumabas mula sa fitting room si Cate. Napansin kong masyadong secluded ang fashion boutique na pinasukan namin. VIP treatment talaga ang turing nila kay Giovanni dito gayundin kay Cate.
"I guess," simpleng tugon ko habang nagmamasid sa paligid.
"Good, I want you to choose the perfect white dress for Cate. I'd like to see her wearing an elegant dress as it gives me the vibe of a wedding. Make sure you'll enhance her sexiness and curves, alright?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Gagawin niya pa yata akong stylist ni Cate!
"Uhm, Sir. I hope you don't mind. I'm not a gay. I - I didn't know how to style a beautiful woman like Ca-Miss Cate because for me, she's naturally beautiful." Pinasimple ko ang tono ko pero sa loob loob ko ay gusto ko ng ipagmalaki si Cate. Mas nagagandahan kasi ako sa kanya sa simpleng ayos.
Kinabahan ako ng hindi kumibo si Giovanni at nakatitig lang sa'kin. Hindi ko siya mabasa, there's mysteries behind those dark eyes.
Sakto namang lumabas si Cate mula sa fitting room, pinilit kong huwag siyang tingnan. Tumalikod ako sa kanya pero malaking salamin din ang natunghayan ko ng gawin ko yun. Doon ay nakita ko pa rin si Cate na suot ang isang fitted white dress, seductive ang design noon kung saan lumitaw ang kaseksihang taglay niya. Ilang beses akong napalunok, hindi ko alam kung bakit nakikita ko si Cate bilang bride ko na nakatayo sa dulo ng simbahan…
Dahil nakatalikod si Giovanni sa gawi ko kaya hindi niya nakikita kung nakatingin ako kay Cate o hindi, hindi naman sinubukan ni Cate na tingnan ako kahit alam komg ramdam niya ang mga titig ko. Maingat talaga siyang kumilos.
"Gorgeous!" Narinig ko pang pumapalakpak si Giovanni pagkasabi nun.
"I like that, Love. Turn around," utos ni Giovanni na agad namang sinunod ni Cate.
Bakit nga ba hindi pa kita pinakasalan noon pa, Cate? E'di sana pagmamay-ari pa rin kita kahit na nagkalayo tayo? Totoo na ba 'to? Magpapakasal ka na talaga sa lalaking 'yan?!
Lihim na nagngalit ang mga bagang ko sa isiping yun. Ng muling magsalita si Giovanni.
"Go find something you need, Don. We will stay at the private island for three days. Get enough clothes for you, anything you need. I'll pay," aniya.
Ayoko man ay pinilit kong pormal na humarap sa kanila. "But Sir, I'm here to protect you and Miss Cate, I must not take my eyes off you both," tanggi ko.
"Don't worry, all the staff here know me very well, I'm pretty sure my safety is their top priority. Now go, young man," pilit niyang pagtataboy sa'kin.
Labag man sa loob ay napilitan na akong maglibot sa loob ng boutique na iyon at nagpunta sa men's selection. Kumuha ako ng ilang pares ng shorts, t-shirts, at pantalon. Nagdagdag na din ako ng towel ko at mga bagong boxers. Pang personal use lang talaga. Afford ko naman bilihin lahat yun pero sinadya kong iwanan ang Exclusive credit card ko para hindi magduda si Giovanni sa pakay ko.
Ng bumalik ako sa dating kinaroroonan ni Giovanni ay wala na sila dun. Sandali akong naghintay pero napansin kong wala namang ibang tao dun kung hindi kaming tatlo lang. Tila ini-exlusive nila ang buong boutique kapag si Giovanni na ang namimili. Ng mainip ay nilapitan ko na yung isang sales lady at nagtanong na ako kung napansin ba nito sina Giovanni at Cate.
Napansin kong naging ilag ang paningin ng babae, luminga linga ito at kiming ngumiti.
"B-baka nandiyan lang po sa paligid, Sir," tugon niya.
Napakunot noo ako pero pinili kong ngumiti. "Ganun ba, Miss. Sige salamat ha? Alam mo kasi, kapag naiwan ko sila nang hindi sinasadya dahil hindi ko naman alam kung saan sila hahanapin," Inilapit ko pa ang bibig ko sa tainga niya,
"Siguradong tatanggalan din ako ng silbi ni Sir Giovanni." Bulong ko saka ngumiti sa kanya.
Muling naging malikot ang mga mata ng dalaga. Maya-maya pa ay pinalapit niya 'ko sa kanya at may ibinulong, "Nasa fitting room po silang dalawa, Sir. Kanina pa po pag-alis na pag-alis niyo."
Ganun na lang ang kabang bumundol sa dibdib ko kasabay ang paglingon ko sa fitting room. Alam ko naman na posibleng mangyari yun, hindi naman nagkulang sa pagpapaalala ang mga kasamahan ko sa bahay ni Giovanni, hindi ko lang talaga magawang tanggapin na gagawin nila yun kahit saang lugar. Inaasahan ko siguro na gagawa ng paraan si Cate na maiwasan ang ganoong senaryo. Talaga bang wala na siyang pakialam sa mararamdaman ko?!
"G-ganun ba, Miss. Thank you, ah. M-mukhang matatagalan pa sila, no? Uhm, maghahanap na lang ako ng idadagdag ko dito sa mga bibilihin ko," halos magkanda-buhol buhol ang dila ko, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagpapaalam sa babaeng kaharap ko.
"Gusto niyo ba, Sir tulungan ko na kayong mamili?" tanong niya.
Napatango na lang ako ng wala sa sarili. Ukupado ng kung anu-anong eksena ang isip ko at hindi nagiging maganda ang epekto nun sa katawan ko. Gusto kong manakit!
Sinundan ko ang sales lady at napunta kami sa bilihan ng mga sando, hindi ako mahilig mag-suot nun pero para lang may ibang pagkaabalahan ay tumingin na din ako. May inabot ang babae, kulay gray iyon saka itinapat sa katawan ko. Sinubukan niya pang ilapat iyon, "Tingin ko bagay sa malapad na katawan mo 'to, Sir. Ang sexy siguro tingnan sa'yo," humahagikgik na sabi nito.
"Don, are you done?" Rinig kong tinig ni Giovanni na agad kong ikinalingon sa kanila, hapit niya sa beywang si Cate na noo'y agad na nag-iwas ng mga mata sa akin. Medyo gumulo ang buhok niya at napansin kong nawala din ang lipstick sa kanyang labi.