Matapos yun ay dumeretso na kami sa freeport kung saan private plane at chopper lang ang hinahayaang makalipad at makalanding.
Sa biyahe ay pansin ko ang pag-iwas ng mga mata ni Cate sa akin. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang makahulugang ngisi at pagpisil ni Giovanni sa hita ni Cate. Parang may kung anong bara sa lalamunan ko ng mga sandaling iyon…
Hanggang sa narating na namin ang destinasyon. Pinilit kong alisin sa kanila ang atensiyon ko dahil nawawala ako sa konsentrasyon sa pagmamaneho.
"Meet us here after 3 days," bilin ni Giovanni sa apat na body guards na sumama sa amin papunta sa private chopper na sasakyan namin.
"How about you, Don. Wala ka ba talagang gustong isama ni isa sa kanila?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga body guards niya. Mariin akong umiling saka pilit na ngumiti sa kanya.
"Alright," nagkibit-balikat na lang si Giovanni saka inalalayan si Cate na makasakay sa chopper, pinisil pa nito ang pang-upo ni Cate na tila nakasanayan na nitong gawin. Lihim na nagngangalit ang bagang ko sa nasasaksihan, paano nagagawang magalit ni Giovanni sa mga tumitingin lang naman kay Cate gayong siya ay lantaran kung bastusin ito?
Matapos kong masiguro na kumportable na si Cate ay ako naman ang sumakay, wala akong choice kung hindi ang pumwesto sa tabi ng piloto dahil pang-apat na tao lang ang chopper na sasakyan namin.
Walang isang oras kaming lumipad patungo sa islang sinasabi ni Giovanni. Maliit lang iyon, mula sa taas ay tantiya kong kaya iyong libutin nang buo sa loob ng isang araw lang gamit ang bangkang de-motor. Pagkalapag ay umalis na rin ang chopper, gaya kanina bago kami sumakay, binilinan din ito ni Giovanni na balikan kami after 3 days.
Hindi ko maitatangging namangha ako pagkakita sa parteng iyon ng isla, bagama't private island, may amenities na doon, mayroon doong dalawang palapag na building na ang ibabang bahagi ay nagsisilbing reception. Naroon din sa baba ang mini-restaurant nila at welcoming seater, elegante iyong tingnan at bumagay sa kabuoan ng lugar ang maaliwalas nitong disenyo.
"Good morning Mister Santoro, Miss De Rosa, Welcome back to our Island," magiliw na bati ng sumalubong na receptionist sa amin. Malaki ang pagkakangiti nito kay Giovanni na sinabayan pa ng tapik sa bisig ng lalaki. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito.
"We have already prepared the presidential suite with your special request, and the guest house. If you don't mind, who will stay at the guest house?" Tanong pa nito na parang hindi man lang nag-aalangan. Tila sanay na ang babae kila Giovanni at Caterina kaya ganun na lang ito ka-normal magsalita sa harap ng dalawa.
"Oh, I almost forgot. I brought with me my most trusted bodyguard and driver, come here Don." Tawag ni Giovanni sakin.
Tahimik at pormal akong lumapit. Ni hindi ako ngumiti sa babae na noo'y sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ikinagulat ko ng bigla niya na lang akong ikutan at upang mas masuri pa. Ang hindi ko inaasahan ay ang paghaplos ng mga kamay niya sa balikat ko.
"Hmm, you're indeed a bodyguard, Don. I like your frame!" Aniya saka ngumiti ng nakakaloko.
Narinig ko pang natawa nang bahagya si Giovanni.
"Don't be deceived by his firm posture, sweet heart, he's soft inside."
Para iyong matinis na tunog na sumakit sa tainga ko, pinigil ko ang sariling mag-angat ng tingin dahil paniguradong makikita ni Giovanni ang pagtalim ng tingin ko.
"Talaga?" tila mangha namang sabi ng babae. "Well, let's see how soft you are, Don." Nakangiti nitong wika saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Halina kayo Mr. Santoro, Miss Cate, dadalhin ko na kayo sa room niyo," yakag nito sa amin kalaunan.
Bitbit ang mga bagahe nina Cate at Giovanni, sumunod ako sa kanila. Ibig sabihin ay malayo ang magiging kuwarto ko sa suite na tutuluyan nila. Lihim akong kinabahan at na-excite sa hindi ko malamang dahilan.
Ang totoo ay pwede kong madaliin ang mga bagay-bagay. Kaya kong itakas si Cate at Ricci nang hindi namamalayan ni Giovanni pero ayokong sa akin iyon manggagaling. Gusto ko ay si Cate na mismo ang humiling noon sa akin at pipiliin niya ako ulit matapos ang lahat.
"You can leave us now. Don, Elvira here will accompany you to the guest house, she'll take care of everything," anito saka ngumisi.
Wala na yata akong ibang mabasa sa pagkatao ni Giovanni kung hindi ang pagiging malisyoso nito at obsessed na tao. Walking red flag ika nga nila. I wonder kung magiging matino itong bisi-presidente ng bansa!
Mabilis kong ibinaba sa loob ng kuwarto ang mga bagahe at palihim na ding sinuri ang kabuoan noon. Pero gusto ko yung pagsisihan. Sa tabi kasi ng malaking kama ay nakita ko ang hindi pangkaraniwang sofa– at alam ko kung saan iyon ginagamit. Parang pinagpira-piraso ang puso ko ng makita iyon. Ano mang pilit ko ay hindi magawang iproseso ng utak ko ang katotohanang iba na ang magmamay-ari kay Caterina. Hindi iyon magawang tanggapin ng puso ko.
Mabilis akong kumilos at lumabas ng silid ng hindi tinitingnan si Cate. Hindi niya pwedeng makita ang sakit sa mga mata ko, hindi niya ko pwede makitang nanghihina!
"Come back before lunch, Don. We'll eat together," Huling bilin pa ni Giovanni bago nito isinara ang pintuan.
Para akong tuod habang naglalakad palayo sa silid na iyon. Hindi ko namalayang nakakunyapit na pala sa braso ko ang babaeng receptionist. Ng lingunin ko siya ay malagkit lang siyang ngumiti sa akin.
"Dito tayo," aniya sabay turo sa likurang bahagi ng building. May dinaanan pa kaming kakahuyan bago narating ang guest house na sinasabi niya. Kahit papa'no ay nabawasan ang bigat ng dibdib ko ng matanaw ang bahay sa ibabaw ng malaking puno. May hagdan iyon na hindi naman mahirap akyatin.
"The owner of this island is obsessed with tree houses so he made this. Ito ang kauna-unahang itinayo nya sa islang 'to. May overview ng kabuoan ng isla sa taas gayundin ang karagatan. May dalawang choices ka sa gabi, use our electric or kung gusto mong mas ma-feel ang nature, we also has natural source na pwede mong magamit na liwanag sa gabi." Mahabang paliwanag ng babae habang nauuna siyang umakyat.
Double size lang ang kama na naroon pero maayos at organized ang mga gamit sa loob. Simple ang kabuoan ng bahay na kung hindi ako nagkakamali ay gawa sa mga good lumber na talagang tumatagal ng dekada.
Agad kong tinungo ang terrace na tagusan mula kwarto, doon ay tanaw hindi lang ang mga ulap, maging ang kabuoan ng isla at karagatan ay kitang-kita!
"Alam mo, Don, malungkot mag-isa dito. Malamig sa gabi. Kung gusto mo– I can keep you warm," halos mapapitlag ako ng maramdaman ang mainit na hininga ng babae sa tainga ko, kasunod noon ay ang paggapang ng dalawang palad niya mula sa balakang ko papunta sa ibabaw ng tiyan ko…