Lihim ang pagsulyap na ginagawa ko kay Cate sa rear view mirror habang nagmamaneho, pilit kong nilalakasan ang loob at umaktong normal lang ang lahat. Maingat ang bawat kilos ko, pakiramdam ko ay mukhang kampante naman si Giovanni habang nakaupo. Tahimik lang silang dalawa, umaasa ako na sana ay hanggang makauwi kami ay ganoon lang sila. Na sana ay hindi ko maaktuhan ang usap-usapan ng mga kapwa ko guards sa bahay na kalokohan daw ni Giovanni kahit nasa loob ng sasakyan dahil hindi ko alam kung paano ko yun kakayanin kung sakali.
Hanggang sa narating namin ang meeting place ni Giovanni. Isang magarang hotel ang pinasukan ng aming mga sasakyan, napapagitnaan kami ng dalawang kotse kung saan may tig-aapat na body guards ang naroon.
Agad akong bumaba upang pagbuksan si Giovanni. Nakita ko pang marubrob nitong hinalikan si Cate bago ito tuluyang bumaba ng sasakyan. Nagsibabaan din ang walong body guards, ang apat ay sumama kay Giovanni habang ang apat ay naiwan sa parking kasama namin ni Cate. Tahimik lang ang mga ito at tulad ng mga professional na body guards, matikas ang mga tindig nila at deretso lang ang tingin.
Ang totoo ay hindi ko kilala ang apat na body guards na kasama namin, hindi sila stay-in sa bahay ni Giovanni. Napatikhim ako, kahit wala na kasi si Giovanni sa paligid ay hindi pa rin nagsisikilos ang mga ito. Lihim akong natuwa dahil sa professionalism nila.
Matapos kong palihim na silipin si Cate sa loob ng sasakyan ay naglakad ako patungo sa apat na body guards. Inilabas ko ang pakete ng sigarilyo at nagsindi. Matapos ay itinapat ko ang kaha sa kanila, inalok ko sila pero mata lang nila ang kumilos.
"Anyone?" tanong ko, itinaas ko pa ang hawak na kaha.
"Come on guys, it's just a ciggarette." Naiiling na wika ko. "Hmm?" alok ko ulit sa isa na tila nagdadalawang-isip kung kukuha ba o hindi.
Lumapit pa ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. Nakita kong gumala ang paningin niya sa tatlong kasama, para bang nanghihingi ng permiso. Ako na mismo ang kumuha ng isang sigarilyo at isinubo iyon sa kanya, ako na rin ang nagsindi.
"Chillax, it's alright."
Napangiti ako ng lumapit ang dalawa pa sa'kin at nakangiti na ding nanghingi.
"Don nga pala, new driver ni Sir Giovanni." pagpapakilala ko ng sarili sa kanila.
Nangingiti naman silang tumango pero hindi nagpakilala. Hindi na lang ako kumibo. Hindi siguro sila basta-bastang bodyguard lang, lalo na yung isang hindi man lang tuminag sa pagkakatindig.
Timpi ang pagnanais kong pumasok sa loob ng sasakyan at kausapin si Cate, kung may number lang sana ako sa kanya, kahit papa'no ay may iba akong paraan para makontak siya.
Nakaisip ako ng paraan, agad kong kinuha ang cellphone at nag-chat sa isang trusted seller. Um-order ako ng simple at maliit lang na cellphone, pinalagyan ko na rin iyon ng sariling sim card at tracking device bago ipinadeliver sa mismong bahay ko…
Tatlong oras din kaming naghintay sa parking area bago ko natanaw na dumarating na si Giovanni. Agad kong inayos ang sarili at humanda sa pagbubukas ng pintuan ng sasakyan.
Dere-deretsong pumasok si Giovanni doon.
"Saan tayo, boss?" tanong ko sa kanya bago nagmaniobra ng sasakyan.
"Dal'hin mo kami sa pribadong paliparan na malapit dito, it's our 4th anniversary today, I prepared something for Caterina," maotoridad na utos ni Giovanni.
Malakas na kumabog ang dibdib ko lalo ng masilip ko sila sa rear view mirror. Hinahalikan ni Giovanni si Cate na hindi naman pumapalag, bagama't pansin ko na para lang siyang tuod na hinahayaan ang boyfriend niya sa ginagawa sa kanya.
Napalunok ako at lihim na napadiin ang hawak sa manibela. Itinuon ko ang tingin sa kalsada habang pilit na pinapayapa ang kalooban ko. Nagtataas-baba ang dibdib ko sa samu't-saring emosyon na bigla na lang bumuhos sa'kin. Hindi ko alam kung kailan ko makakasanayan ang ganitong tanawin tuwing kasama sina Giovanni at Cate.
"Uhm– Love, p-paano si Ricci? H-hindi pa kasi ako nakapagpaalam sa kanya. Baka hintayin niya ako mamayang gabi," rinig kong malumanay na tanong ni Cate.
"Don't worry, may yaya naman si Ricci. Tawagan mo na lang siya mamaya. May reception naman sa private island na pupuntahan natin," ani Giovanni.
"P-private Island?"
"Yes, you will like it for sure."
"Ibig sabihin, t-tayong dalawa lang ang pupunta dun?"
"Nope, Don here will accompany us," madiing wika ni Giovanni.
Napatitig ako sa rear view mirror. Naging malikot ang mga mata ni Cate, ramdam ko ang kaba sa hitsura niya.
"Do you know how to drive a yacht, Don?" tanong ni Giovanni.
Gusto ko sanang tumanggi. Sinasabi ng isip ko na huwag sumama sa kanila pero iba ang nais ng puso ko. Aaminin ko na handa akong tiisin ang lahat huwag lang mawala sa paningin ko si Cate. Umaasa sa imposibleng bagay na baka magkaroon ng pagkakataon na masolo ko siya sa lugar na iyon…
"Uhm, yes! I- I do know how to handle a yacht," nangibabaw pa rin ang nais ng puso ko.
"Good. You're indeed a multitasker, huh. Anyway, have you met your co-guards? May gusto ka bang isama na isa sa kanila?" makahulugang tanong ni Giovanni saka ngumisi ng nakakaloko sa'kin.
Nainis ako pero idinaan ko na lang din iyon sa ngisi saka umiling. "Wala, Sir."
"Really? Well anyway… I suggest na dumaan muna tayo sa mall para makabili ng mga kailangan itong si Cate cause we will stay there for three days."
"Three days? P-pero love paano si–"
"Love, Ricci is a brave kid. He will understand. Isa pa, ayaw mo ba nun, magagawan na natin ng kapatid si Ricci, hmm?"
Ng muli ko silang masulyapan sa rear view mirror ay kitang-kita ko kung paano pagapangin ni Giovanni ang isang kamay niya sa hita ni Cate hanggang sa tuluyan nitong ipasok iyon sa suot na skirt ni Cate at tila gutom na hinahalikan ang leeg at punong tainga nito.
Nagngalit ang mga bagang ko. Nang muling nagtama ang mga mata namin ni Cate ay hindi ko alam kung anong emosyon ang nabasa ko doon. Lungkot na may takot?
Hanggang sa bigla na lang may lumagabog, kasunod noon ay ang pag-alog ng sasakyan namin. Ng lingunin ko ang harapan ng sasakyan ay nakadikit na ang nguso ng dala kong sasakyan sa likuran ng kotseng nasa harapan namin…