KABANATA 11

1096 Words
Palihim akong napabuga nang hangin. Gusto ko mang tanggalin ang mga kamay na nakayakap sa'kin ay ayoko namang lumabas na bastos sa babae. Tumikhim na lamang ako at kunwari'y naglakad-lakad pa. Sa ganoong paraan ay kusa na itong bumitaw sa'kin. "I don't need company, Miss. Thank you," malamig na tugon ko saka muling pumasok sa loob ng kwarto. Sa pagkakataong yun ay sinilip ko naman ang banyo at paliguan. Napatango-tango ako, hindi iyon kalakihan, sadyang idisenyo lang para sa isang tao na gagamit noon, siguro dahil limitado din ang space lalo't sa puno nakatayo ang bahay. Pag-ikot kong muli ay napakunot ang noo ko, paano'y nakahiga na sa kama ang babae. Nakalilis ang skirt nito. Noon ko lang din napansin na wala siyang suot na bra dahil hinubad niya ang blazer na suot at tanging manipis na sando na lamang ang suot niya. Napalunok ako, hindi ko naman maitatangging sexy siya at maganda. Pero kahit ano pang gawin niya ay pokus ang isip ko kay Cate, naaakit man ako ay hindi ako kayang talunin nun. Matagal na panahon ko ng sinanay ang sariling mag-isa, hindi ko kailangan ng kahit sinong babae para paligayahin ako, I can do it on my own, wala pang sakit ng ulo. Isa pa ay tanging si Cate lang ang may kakayahang pag-alabin kung ano man ang init na nagtatago sa pagkatao ko… "A-anong ginagawa mo?" walang ganang tanong ko. "Ayaw mo bang subukan ang kama mo, Don? Look, kasya tayo dito. Saka matibay 'to, kahit anong yugyog ang gawin natin, hindi bibigay," malanding usal niya. "Wala ka na bang ibang gagawin, Miss? Gusto ko ng mapag-isa at makapagpahinga muna." Sinilip ko pa ang relo ko, "I assume may nakahanda ng tanghalian in less than 30 minutes," dagdag ko pa para ipaalala na din sa kanya ang nakatakda naming lunch maya-maya lang. Narinig ko pa ang marahas na buntong-hininga ng babae. "Fine, kung iniisip mo na madali mo akong maitataboy, nagkakamali ka Don. Wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha," makahulugang tugon niya pa. Ng muli ko siyang sulyapan ay nagmukha nanaman siyang disenteng babae. "Hindi ko kailangan ng approval mo para mapatunayang straight kang lalaki, Don. I can do it my way," ngumisi pa siya sa'kin at pina-sexy pa ang paglalakad habang lumalabas ng tree house. Nabahala ako sa sinabi niya at nagtaka. Gayunpaman ay binalewala ko iyon, ano bang magagawa ng isang babae sa'kin e 'di hamak namang mas malakas ako sa kanya. Napailing ako, matagal na din sigurong mag-isa sa islang ito ang babae kaya ganun na lang kasabik na magkaroon ng makakatalik. Pabagsak kong ihiniga ang katawan sa kama, kinapa ko ang wallet sa likod ng pantalon ko at inilabas iyon mula doon. Sa loob ay hinanap ko ang nag-iisang litrato ni Cate na nakalagay doon, inilabas ko iyon at tinitigan. Halos walang nagbago sa hitsura niya sa paglipas ng maraming taon, mas pumuti, kuminis, at nag-mature nga lang siya ngayon. Gayunpaman ay napagtanto kong may isang nagbago nang husto sa hitsura niya—ang kanyang mga mata… Sa larawang hawak ko ay genuine ang ngiti niya at masaya ang kislap ng mga mata. Samantalang ang mga mata ni Cate ngayon ay nagpapahiwatig ng lungkot at pagsusumamo na hindi nagagawang bigkasin ng mga labi niyang sa tuwina ay seryosong nakakuyom. Tila ba may invisible na tape na nakalagay doon at tanging si Giovanni lang ang may karapatang magtanggal. Napahigpit ang hawak ko sa litrato ni Cate, nagresulta sa ganitong sitwasyon ang pabara-barang desisyon ko noon. Bunsod ng matinding pangangailangan ay kumilos ako ng hindi man lang nag-iisip. Ngayon ay may pera na 'ko, may malakas na pwersang kaya silang protektahan pero wala na, huli na 'ko… Marahas akong napabuntong-hininga. Kinuha ko ang cellphone at naghanap ng reception pero wala akong masagap sa kinaroroonan ko. Naalala kong sabi ni Giovanni ay may signal naman daw doon kaya nagpasya akong bumaba at maghanap ng lugar na may magandang signal. Kailangan kong mag-update sa base at magpadala ng larawan ng lugar na kinaroroonan namin. Pero halos makarating na ko sa kabilang dako ng isla ay wala pa rin akong masagap na signal. Ibinalik ko na lang sa bulsa ang cellphone at nagpasya ng bumalik sa resort ng may madaanan akong nakataob na sa palagay ko ay fishing boat, natatabunan iyon ng makapal na lona at mga tuyong dahon ng niyog. Hindi ko iyon napansin kanina dahil abala ako sa paghahanap ng signal. Nagpatuloy ako sa paglalakad, pagbalik ko sa resort ay kita kong inihahanda na ang tanghalian. Nakatanaw sa karagatan si Cate habang si Giovanni naman at yung receptionist na babae ay masayang nagtatawanan habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Nagtama ang mga mata namin ni Cate, nakapagpalit na siya ng isang bulaklaking bestida na malayang tinatangay ng hangin. Nakalugay din ang basa niyang buhok at wala ng bahid ng kahit anong make-up sa mukha. Napalunok nanaman ako sa samu't-saring bagay na tumatakbo sa'king isip lalo ng matanawan ko si Don na naka-summer short lang at basa din ang buhok. Nilampasan ko si Cate na para bang hindi ako interesado sa kanya at dumeretso sa kinaroroonan nila Giovanni. "Oh, there you are, Don. Saan ka ba nagpunta? Wala ka daw sa tree house ng puntahan ka doon nitong si Elvira," seryosong tanong ni Don pagkakita sakin. "Naghanap ako ng signal, Sir," tipid na sagot ko sa kanya. "I see, ngayon lang nabanggit ni Elvira na ilang buwan na simula ng bumagyo nang malakas dito, naputol daw ang linya ng kumunikasyon maging signal ay nawala na din." Paliwanag niya sa'kin. Nagkatinginan pa sila nang makahulugan pagkatapos iyon sabihin ni Giovanni. "Ganun ba, Sir." Hindi na ako kumibo pagkatapos, tumulong na lang din ako sa pag-aayos ng pagkain. Si Giovanni naman ay nilapitan si Cate at niyakap mula sa likuran nito. "Napakaswerte ni Caterina, na kay Giovanni na ang lahat." Ng tingnan ko ang babae ay kitang-kita ko ang insekyuridad sa mga mata nito. Hindi ako kumibo. "Kung ako sa kanya, pipilitin ko ng maikasal kay Giovanni sa lalong madaling panahon, ilang buwan na lang at magiging bisi-prisedente na siya, kung ako sa kanya, mas gugustuhin kong ipakilala ako bilang 1st lady ng makapangyarihang vice-president kaysa fiancee lang." Tila hibang na nangangarap nitong usal. Lihim kong naikuyom ang mga kamao, hindi ako makapapayag na maikasal si Cate sa lalaking yun. Ngayon ko lang naisip na tila bomba ang oras na mayroon ako ngayon ngayon. Bomba na anumang oras ay maaaring sumabog at tuluyan akong mawalan ng pag-asa. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para mabawi si Caterina mula kay Giovanni!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD