Pablo's POV
"S-sinong– P-Pablo?!"
Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Cate ng marahas siyang lumingon sa akin. Kaagad niyang inilayo ang katawan mula sa akin at niyakap ang sarili. Kuminang sa natural na liwanag ng buwan ang mga mata niya dahil sa pinipigil na pagpatak ng kanyang luha.
Gusto ko siyang yakapin ulit, payapain ang loob niya at magpaliwanag pero batid ko na hindi iyon ganun kadaling gawin. Sa halip ay ipinaskil ko ang malungkot na ngiti sa labi.
"Cate, ako nga…"
Pero umiling lang siya saka takot na luminga sa paligid at nagmamadali ng tumakbo pabalik sa loob ng bahay.
Tinangka ko siyang sundan pero mabilis siyang nakapanhik sa ikalawang palapag at bigla ding nawala doon. Inis akong napasandal sa pader sa ibaba ng hagdan. Napansin ko na walang bantay sa parteng iyon ng bahay kaya nagpasya akong manatili na muna doon. Pinili ko ang parteng madilim at dahil nakaitim din akong jacket at pantalon, hindi naman ako basta mapapansin doon.
Ang totoo ay umaasa pa din ako na lalabas muli si Cate lalo na at nalaman niyang andito lang ako sa paligid. Ng mga sandaling iyon ay wala akong ibang nais kung hindi ang makausap siya. Hindi ko alintana ang matinding habilin ng mga kapwa ko guard, mas nangingibabaw ng mga oras na iyon ang nais ng puso ko…
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo doon at tulala lang sa kadiliman. Napaayos lang ako ng tayo ng makita ko ang bulto ni Cate na naglalakad sa pasilyo ng second floor. Muli ay nabuhayan ako ng pag-asa, ang akala ko ay bababa siya pero isang pinto ang binuksan niya at pumasok ng deretso doon. Akma na sana akong aakyat ng makita ko ang paglabas ng isa pang babae mula sa loob ng kwarto, agad akong nagkubli sa ilalim ng hagdan at hinintay na mawala sa paligid ang babae saka ako lakas loob na umakyat at matiyagang naghintay sa labas ng kwarto…
Aaminin kong abut-abot ang kaba ko ng mga sandaling iyon. Pero hindi ko na palalampasin pa ang bibihirang pagkakataon na makakalapit ako sa kanya ng ganito. Maingat kong pinihit ang seradura ng pintuan at sumilip sa loob ng kwarto, parang tumalon ang puso ko ng makita si Cate na ginugulo ang buhok ni Ricci saka ito niyakap nang mahigpit.
"Good night, Anak. Sweet dreams, I love you."
Rinig kong sabi ni Cate.
Agad ay nakaramdam ako ng inggit. Bahagya akong kinabahan ng mapansing kong nakita ako ni Ricci habang yakap siya ng mama niya pero inosente lang siyang ngumiti sa akin na naging dahilan para kusang gumuhit ang kiming ngiti sa labi ko.
Hindi na ko nagtagal at isinara ng muli ang pintuan, napasandal ako sa kalapit na pader at malungkot na tumingin sa kawalan.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya, agad niya naman akong nakita na ikinakunot ng noo niya.
NANGINGITI pa rin ako habang pabalik sa guards room ng gabing iyon. Hindi ko mapigilang hawakan ang labi ko na kanina lang ay muling pinagbigyan ng tadhana na matikman ang labi ng kaisa-isang babaeng minahal ko.
Nakapikit pa si Cate ng iwanan ko nang walang paalam dahil sa naramdaman kong pagtunog ng seradura ng pintuan sa dulong bahagi ng second floor.
Mabuti na lang at mabilis akong nakababa bago pa man iyon tuluyang bumukas. Kahit papa'no ay gumaan ang pakiramdam ko nang maramdamang hindi man lang nanlaban si Cate ng halikan ko siya.
Kinabukasan ay inabutan ko si Cate na parang batang pinagsasabihan ni Giovanni dahil sa simpleng ayos niya. Gayunpaman ay hindi ko mapigilang humanga sa simple ngunit elegante niyang awra. Hindi ko maikubli ang ningning sa mga mata ko habang nakatitig sa kanya, hanggang ng mga sandaling iyon kasi ay naaalala ko pa rin kung gaano kalambot ang labi niya.
Ng umalis siya ay ako naman ang hinarap ni Giovanni.
"Kamusta ang unang araw mo, Don?" tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ko inakala na marunong pala siyang mangumusta sa mga tauhan niya.
Tumango ako.
"Maayos naman, Sir."
"Hmm, nasaulo mo na ba bawat parte ng bahay?" tanong niya ulit saka naupo sa pang-isahang sofa.
"Yes, Sir."
"How about your co-workers? Have you met them already?"
Tumango ako ulit.
"Very well, I assume alam mo rin na ang mga limited place na pwede mong puntahan."
"Don't worry, Sir. You can trust me," May diing tugon ko sa kanya.
Nakita kong nanliit ang mga mata niya, inaarok ang katotohanan sa sinabi ko. "Bigyan mo nga ako ng isang dahilan para maniwala ako sa'yo, Don."
Napaisip ako sa sinabi niya. Pinag-isipan ko nang husto ang isasagot ko gayunpaman ay hindi ako sigurado kung paano niya tatanggapin iyon.
Nilinis ko ang lalamunan saka tumitig sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung maniniwala ka pero– uhm…" nakita kong lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya dahil sa paghinto ko. "H-hindi pa 'ko naakit sa mga babae." Kulang na lang ay sa ilong ko lumabas ang mga salitang iyon. Maging ang sarili ko ay hindi makapaniwala sa naisip kong dahilan para kumbinsihin si Giovanni.
This is beyond my imagination!
Agad na bumakas ang pagkabigla sa buong mukha niya. Hindi ko mabasa kung natatawa ba siya o na-disappoint sa narinig. "W-what? Can you say it again?"
Palihim kong naikuyom ang mga kamao. Hindi ba siya nakikinig? I don't think i
I could say that again!
Hindi na lang ako kumibo pero hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Ilang sandali pa ay bumunghalit na siya ng tawa. Nawiwirduhan man ay nakitawa na din ako sa kanya.
"You're gay living in a well-formed body of a man?" tanong niya saka muling sumeryoso ang mukha, "are you playing with me, Don?"
Umiling ako.
"I'm not gay, I'm… bisexual I guess." kunwari ay hindi siguradong wika ko.
Tinitigan niya 'ko ulit mula ulo hanggang paa, hindi ko alam kung namamangha ba siya o nandidiri habang sinusuri ako. Ilang sandali pa ay naiiling na siya habang tumatawa.
"You're funny, Don. You make my day!" bulalas nya, tumawa na din ako para pagaanin ang dibdib ko. Nabigla yata ako sa naging desisyon ko, kung paano ko yun paninindigan, hindi ko pa alam.
Ang importante ay makuha ko ang tiwala niya nang sa gayon ay makalapit ako kay Cate nang hindi niya kailangan pang paghinalaan.
Hindi natatapos ang pagtawa ni Don, hindi ko alam kung anong iniisip niya. Lalong hindi pa ako sigurado kung pinaniwalaan niya ba ako. Sa ganoong sitwasyon kami inabutan ni Cate…