KABANATA 2

1270 Words
kinabukasan ay maaga akong gumayak. Malayo-layo din ang magiging byahe ko at aabutin iyon ng mahigit sa tatlong oras. "Good luck, Mate. Yung mga bilin ko, 'wag mong kalimutan. If you need help, you know what to do, alright?" ani Jaxon. Hindi ko namalayang sa sofa na ako ng bar nakatulog kagabi. Nagisingan ko na si Jaxon na nandoon habang umiinom ng paborito nitong brandy. "Pwede ko bang gayahin ang vitamins mo tuwing umaga, Jaxon?" Tanong ko habang nakangisi. Tumaas ang kabilang dulo ng labi niya saka umiling. "Magmamaneho ka ng tatlong oras, Mate. Saka hindi magandang humarap ka kay Giovanni ng amoy alak," tugon niyang nangingiti. "So what? Kaya ko naman." ""Remember, you will work under him, and dahil hindi niya dapat malaman na you are one of the leaders, you better be submissive sometimes," aniya sa nanunuksong boses. I chuckled lightly saka umiling. "I can lower my pride but I am not going to be submissive to him, hell no!" sabi ko habang tumatawa at napapailing. Sabay kaming tumawa ni Jaxon, umupo ako at marahang minasahe ang ulo ko. "Sabihin mo sa akin, Mate, bakit mo kinuha ang trabahong ito sa halip na ibigay na lang sa on the ground team mo? I mean, VIP clients are everywhere these days." naguguluhang tanong ni Jaxon kalaunan. "Well, I think Giovanni deserves the best," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Sa ganitong paraan, hindi niya pagdududahan ang tunay kong plano sa pagkuha ng misyon na 'to. Nakita kong nagkibit balikat siya at tumango lang. "Well, at some point you're right," pagsang-ayon niya. "But, you know the drill. 'wag mong kalilimutan yung mga bilin ko." Ngumiti ako at tumayo na. "I know, you don't have to worry about it... anyway, I'll go ahead, see you around, Mate," Paalam ko pa bago ako tuluyang nagtungo sa exclusive suit na pag-aari ko. Bawat isa sa amin ay may sariling lugar sa loob ng The Crimson Empire Building, isa ang bar na iyon sa madalas naming puntahan tuwing gabi o kapag may selebrasyon. Bagama't ilang taon na kaming magkakasama, walang nakakaalam ni isa sa kanila ng tungkol sa mapait kong nakaraan. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, masakit din ang ulo ko dahil hindi ko napigilang mapainom, puno ng pag-aalala ang puso at isip ko. Kinakabahan sa madadatnan ko… Hindi rin ako sigurado kung kaya kong makita si Cate kapiling ng ibang lalaki… Habang nagmamaneho ay malayo ang takbo ng isip ko, nasasabik na akong makita ang mag-ina ko… Ng sandaling iyon ay nakabuo ako ng pasya… Inuna kong puntahan ang eskwelahan ni Ricci. Batid kong may mga bodyguard siya sa paligid, ang nais ko lang ay makita siya kahit sa malayuan. Hindi ko namalayang namumuo nanaman ang luha sa aking mga mata, hindi ko lubos maisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Mahal na mahal ko sila pero naging pabaya ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko, kung hindi sana ako nagpadalus-dalos ng desisyon noon, hindi siguro kami magkakahiwa-hiwalay… Hindi ko sana sila mapapabayaan at lalong hindi sana maiiwan si Cate sa sitwasyon kung kailan higit niya akong kailangan. Tanghali na ng marating ko ang eskwelahan kung saan nag-aaral si Ricci. Private school iyon at sa gate pa lang ay kita na ang mataas na seguridad para sa mga estudyante. Mabuti na lang at kita mula sa labas ang malawak na quadrangle kung saan maraming bata ang masayang naglalaro. Kaagad na gumala ang paningin ko, umaasa na makikita ko siya kahit saglit lang… Ilang minuto pa akong matiyagang nagmasid ng makita ko ang paglabas ng isang kotse mula sa loob. Nakabukas ang tinted na bintana noon at doon ay nakadungaw ang isang bata, masaya itong nakangiti habang nakatingin sa quadrangle at kumakaway sa ibang bata… Ricci, anak ko… Kusang umangat ang kamay ko at kumaway sa kanya, napansin niya naman ako saka siya tumitig sa akin. Bago niya tuluyang ibalik ang sarili sa loob ng sasakyan ay kimi pa siyang ngumiti sa akin… Malakas na kumabog ang dibdib ko. Marahil ay dala iyon ng lukso ng dugo naming dalawa. Masarap sa pakiramdam ngunit may kahalo iyong sakit. Malungkot kong pinagmasdan ang papalayong sasakyan habang pinapangako sa sarili na hindi ako papayag na hanggang dito lang ang magagawa ko… Lahat ay gagawin ko mabawi ko lang ang mag-ina ko mula kay Giovanni. Bago dumeretso sa address ni Giovanni ay tumawag muna ako sa number na kalakip ng address, isa iyon sa bilin ni Jaxon sa akin. Kaagad namang nasagot ang tawag ko pero isang babae ang nasa kabilang linya. "Hello, this is from Honorable Santoro's Office, how may I help you?" "Hi, I uhm… I am from the Crimson Empire, is Mr. Giovanni Santoro there?" "No, but as per his instructions, I will transfer this call to him, please wait." Sandali lang akong naghintay at tinig na ng lalaki ang narinig ko. "You should come to my address now, I am here." Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla ng naputol ang linya. Napabuntong-hininga ako, marahas kong ibinalik ang cellphone sa bulsa ko saka nagmaneho na. Ramdam kong may kakaiba kay Giovanni, pero dahil kliyente siya ng grupo ko, kailangan ko siyang pakisamahan. At para na rin muli kong makuha ang damdamin ni Cate para sa akin. Sana ay hindi niya pa rin ako nalilimutan… Konte na lang, Mahal ko. Magkikita na ulit tayo… Ng marating ko ang Palm Beach sa Florida ay agad na akong pinapasok matapos kong maipakita ang access card na iniwan din ni Giovanni sa grupo namin. Naitawag na din daw ng lalaki ang pagdating ko kaya hindi na ako natagalan sa gate pa lang. Dahil na rin sa instructions sa gate kaya madali kong narating ang mansion ni Giovanni. Napalinga ako sa paligid, hindi ito ang unang beses na nakatapak ako dito sa Palm Beach, marami kaming kliyente na may mga property dito, ang ilan ay mas malalaki pa sa pagmamay-ari ni Giovanni. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ng isang may idad ng babae. Sa malawak na bakuran ko ipinarada ang sasakyan ko. Mula sa loob ng kotse ko ay sumilip ako sa mataas na bahay, ang mga salamin noon sa harapan ay clear glass lang kaya malayang natatanaw ang mga gamit at tao sa loob ng bahay lalo na kung nakabukas ang mga kurtina. Mula sa taas ay nakita kong may sumilip at tumingin sa kadarating lang na sasakyan ko. Si Cate! Sandali akong napatulala, napakaganda niya… Kahit sa malayo ay pansin ko ang pagkinis ng balat niya at ang makurba niyang katawan. Pero natigilan ako ng mula sa likuran niya ay sumungaw ang mukha ni Giovanni at tila itinuturo pa ang sasakyan ko. Para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig, nawalan ako ng lakas lumabas ng sasakyan. Halos madurog ang puso ko ng walang anu-ano'y hinalikan ni Giovanni sa leeg si Cate na noo'y walang ekspresyon sa mukha, nakita ko rin kung paano niya lamasin ang magkabilang dibdib ni Cate na para bang walang ibang taong maaaring makakita sa kanila. Naikuyom ko nang mariin ang dalawa kong kamao. Hindi ko kaya… Iniwas ko ang tingin mula sa kanilang dalawa. Naka-roba lang sila at tila parehas na galing mula sa paliligo. Malakas ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay naninikip din iyon, napayukyok ako sa manibela…hindi ko alam kung paano kokontrolin ang emosyon ko. Tama ba 'tong pinasok ko?! Hindi ko mapigilang tanong sa isip ko ng bigla na lang may malalakas na katok mula sa bintana ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad, sa labas ay may isang babae ang sinisenyasan ako na bumaba na ng sasakyan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD