KABANATA 1

1124 Words
Pablo's POV "Nasa folder na 'yan ang profile ni Giovanni Santoro at ng kanyang fianceè na si Caterina De Rosa. Kasama sa folder na yan ang anak nilang si Ricci na may sarili namang mga body guard at sa isang exclusive school nag-aaral. For sure kilala na ng lahat si Giovanni, sikat siyang politician dito sa'ting bansa samatalang si Caterina De Rosa ay isang pribadong indibidwal. Hindi lingid sa lahat na sobra kung protektahan ni Giovanni ang nobya niya–" Caterina De Rosa?! Tama ba ang narinig ko? Ng iabot sa'kin ni Jaxon ang folder ay agad kong binuklat iyon. Tuluyan ng nawala sa meeting ang atensiyon ko. Napako ang mga mata ko sa larawan ng isang babae… Cate… Mahinang bulong ng isip ko. Malaki man ang nagbago sa kabuoan niya ay kilalang-kilala ko pa rin siya. Paano ko makakalimutan ang napakagandang ngiti ng nag-iisang babaeng minahal ko? Nahanap din kita, Cate… Pero bakit parang may mali… Malungkot ang mga mata niya. "Giovanni Santoro paid us triple of what we asked from him, umaasa siya na mapoprotektahan natin siya at all cost. Maraming banta sa buhay niya at sa babaeng pakakasalan niya." Ng tingnan ko ang larawan ni Giovanni ay napangisi ako. Kaya naman pala hindi ko mahanap si Cate kahit anong gawin ko, itinatago na pala ng isang pulitiko! Hindi ko namalayang naikuyom ko ang kamao sa damdaming bumalot sa pagkatao ko. Pakiramdam ko ay wala akong ka-kwenta-kwentang tao… Binuklat ko pa ang kasunod na pahina at halos mapaluha ako ng mapagmasdan ang inosenteng mukha ng isang bata. Seryoso ang mukha nito sa picture pero hindi maikakaila ang pagkakahawig nito sa akin. Anak ko, ikaw nga ba yan? Ricci ba ang ipinangalan sa'yo ng mama mo? Kung susumahin, hindi nalalayo sa idad ng bata ang taon na nawalay ako sa kanila ng mama niya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Napakalaki ng pagkukulang ko sa kanila… Sobrang laki… "Am I right, Pablo?" Napabaling ang tingin ko kay Jaxon ng marinig ko ang pangalan ko. Napansin kong nasa akin ang atensoyon ng lima kong kasama sa silid na iyon. "Hah?" Tanong ko. "May problema ba, Pablo?" Tanong ulit ni Jaxon sa akin. Inayos ko ang sarili, niluwagan ang neck tie na suot at isinara ko ang folder, inilagay ko iyon sa gitna ng mesa ng walang ekspresyon ang mukha. Tumikhim ako bago nagsalita. "Wala naman. So, ano ang plano?" Tanong ko sa casual na tinig. "Dahil malaki ang ibinayad ni Mr. Santoro, I suggest na maglabas tayo ng tig-iisa nating bata at ipadala sa kanya." Suhestiyon ni Rocco. "Hindi ba masyadong marami na ang anim na body guard mula sa Crimson Empire? Mahuhusay at dekalidad ang mga bata natin. Sapat na siguro ang dalawa hanggang tatlo," Si Daniel iyon. "I agree, piliin na lang ang pinaka-magagaling," pagsang-ayon naman ni Mathew kay Daniel. "Ako na lang…" Malakas na sambit ko… Hindi ko na napigilang iprisinta ang sarili. Kung ito ang tanging pagkakataon para makita ko siya ulit ay nakahanda akong baliin ang batas… Sabay-sabay silang napalingon sa akin. Bakas sa mukha nila ang labis na pagtataka. "Pablo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Si Mathew iyon na katapat lang ng inuupuan ko. "Hindi ba't nagbayad siya nang malaki? Kung gayon e nararapat lang naman siguro na isa sa atin ang humawak sa kanya," wika ko sa determinadong tinig. "Ng sa gayon ay hindi na kinakailangang magpadala pa ng maraming tao sa kanya." Nagpalitan sila ng tingin, tila sumasang-ayon sa sinabi ko. "Pero wala sa rules ng crimson empire ang sinasabi mo, Pablo. Hindi pa naman ganap na Vice-President si Giovanni. Ang katulad natin ay sa presidente lang maaaring magsilbi." Pagpipilit ni Jaxon. "Kung gayon ay gagawa ako ng bagong batas. Desisyon ko ito, Jaxon." Hindi naman kumikibo ang apat bagama't ramdam kong marami sa kanila ang sang-ayon sa akin. Napabuga ng hangin si Jaxon at tiningnan isa-isa ang mga kasama namin. "Alright, magbotohan tayo. Bilang grupo, kailangang may pagkakaisa sa bawat desisyong mapagkakasunduan natin. Ngayon, sabihin niyo sa'kin kung ilan sa inyo ang sang-ayon sa nais ni Pablo?" Tatlo sa kanila ang sumang-ayon, samantalang si Rocco ay kay Jaxon pumanig. "Maganda ang suhestiyon mo, Pablo. Ang inaalala ko ay ang mga obligasyon mo sa loob ng empire. Paano mo magagampanan ang mga iyon kung bababa ka sa level ng pagiging body guard ni Giovanni?" Tanong ni Rocco. "Huwag kayong mag-alala, Alam ni Josh ang mga dapat gawin. Na-train ko na siya sa pasikot-sikot na gawain dito." paniniguro ko sa kanila. Ilang sandali pa ay lumapit na sa'kin si Jaxon at tinapik ako sa balikat. "You are so brave, Pablo. Don't let us down, okay?" anito sabay tawa nang mahina. "Si Pablo pa ba? Siguradong bantay-sarado si Giovanni diyan." Nakitawa na rin ako sa kanila kahit ang totoo, kakaiba ang kaba sa dibdib ko… Nasasabik ako na natatakot sa magiging paghaharap namin ni Cate. Bigla ay nagduda ako sa sarili ko kung handa na nga ba akong harapin siya matapos ang lahat. "Heto ang address ng bahay nila, ikaw na ang magpunta doon. Aasahan ka niya bukas." Si Jaxon iyon. Kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng executive room. Inaalam ko lahat ng detalye tungkol kay Giovanni pero sinadya yatang huwag ibulgar ng pulitikong iyon ang ibang bagay, lalung-lalo na kung tungkol kay Caterina… "Siya nga pala, kabilin-bilinan din ni Giovanni na bawal malapitan ang fianceè niya ng kahit sinong lalaki. Kahit pa body guard," Dagdag pa nito na ikinakunot ng noo ko. "Hindi ko maintindihan, ibig sabihin ay dapat malayo ako tuwing maglalakad si Cate- Uhm, itong si Caterina?" Pero tumawa lang nang bahagya si Jaxon saka nailing. "Hindi mo naman kailangang gawin yun," anito. "Bakit?" "Kasi hindi naman lumalabas ng sasakyan si Caterina kapag sinasama ni Giovanni, nasa loob lang yun palagi." Kulang na lang ay murahin ko si Giovanni sa isip ko. Wala pa man ay ramdam ko ng hindi maganda ang pakikitungo nito kay Cate. Kaya ba walang ibang detalye tungkol kay Caterina sa folder nito maliban sa pangalan lang at picture? Ng iwan ako ni Jaxon ay muli kong tinitigan ang larawan nilang dalawa ni Giovanni. Alam ko sa litrato pa lang na posessive nga si Giovanni, may lihim sa mahigpit nitong paghapit sa beywang ni Cate at hindi ko iyon nagugustuhan… O, baka naman masyado lang akong nagiging bitter kaya naghahanap ako ng mali sa lalaking umagaw sa pagmamahal ni Cate sa akin? Hindi ko na rin alam… Ang alam ko lang, miss na miss ko na siya. Mapatawad niya pa kaya ako sa halos sampung taon na napabayaan ko sila? Hindi bale, babalik na ako, Cate… Ano man ang mangyari, babawiin kita. Magiging akin kang muli, kayo ng anak natin. Pangako yan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD