"Bakit mag-isa ka lang?" Salubong sa akin ni Giovanni pagkapasok ko sa living room.
Mag-isa siyang bumaba at hindi man lang nag-abalang magsuot ng matinong damit.
Naupo siya sa pang-isahang sofa, pinag-ekis ang mga binti niya saka sumindi ng sigarilyo. Ni hindi ako nito inayang maupo.
"Kaya kitang protektahan higit pa sa kaya ng tatlong body guard, Sir." Buo ang kumpyansang tugon ko.
Tiningnan niya ko at sinuri mula ulo hanggang paa. Kalaunan ay tumawa siya at umiling.
"I like that, hmm. You're brave. What's your name boy?"
Boy?! Sinong tinatawag niyang bata?
"Call me Don and I'm not a boy, I'm 32 years old, just so you know, Sir."
Wala akong planong paalipin sa lalaking 'to. Gayunpaman ay maayos at magalang ang pagsasalita ko, ayoko rin namang maging bad shots sa kanya dahil ito lang ang paraan para makasama ko ulit ang mag-ina ko.
Tumangu-tango naman siya saka tumayo at naglakad papunta sa clear window ng living room. Doon ay tanaw ang labas ng bahay.
"So, Don, tell me, since you came here alone, I assume you can do the job of three people."
Napaisip ako, ano bang ibig niyang sabihin?
Humarap siya sa akin at muli akong tinitigan sa mata. Hindi naman ako nagpatinag, hindi ako kumurap at inayos pa ang pagkakatayo ko.
"Malinaw ang sinabi ko kay Jaxon, I need three to four men to work for me. Why did they send one person?"
"I can do all the jobs, Sir," Madiing wika ko.
"Hmm, great. Alright. One more thing, I saw your car. Is that yours?" Nasa tinig niya ang pagdududa habang pinagmamasdan ang sasakyan ko na nakaparada sa labas ng bahay.
Umiling ako bago sumagot, "No Sir. Pinahiram lang sa akin 'yan ni Jaxon."
Hindi niya dapat malaman ang totoo…
Ang totoo na halos kasing yaman ko lang siya, o baka higit pa nga.
"Are you one of his on the ground team?"
Tumango na lang ako bilang tugon. Lalong hindi makakatulong kung malalaman niyang mas mataas ang posisyon ko kay Jaxon sa The Crimson Empire.
Tumango-tango naman siya bago nagsimulang maglakad patungo sa hagdan.
"I see, good. For now, halika, sumunod ka sa'kin." Utos niya. Sumunod naman ako sa kanya habang iginagala ang paningin sa paligid. Umaasa na masusulyapan ko si Cate kung saan.
Tinawag niya ang babaeng kumatok sa bintana ng sasakyan ko kanina at sinabihang i-tour ako sa kabuoan ng bahay. Itinuro na rin nito sa akin ang magiging kwarto ko na kalaunan ay napagtanto kong kwarto pala ng hindi iisang tao lang, lahat kami na body guard nito mula sa mga guard na sa bahay nagbabantay hanggang sa ilang sumasama sa kanya sa bawat lakad niya ay doon nananatili.
Malawak naman ang silid namin, may mga closets din at sariling banyo na nakahiwalay ang paliguan sa toilet bowl. May limang shower doon kaya siguradong hindi maghihintayan sa paliligo.
Matapos makapili ng sarili kong cabinet at higaan ay sinimulan ko namang kabisaduhin ang kabuoan ng silid saka ako nagpasyang lumabas para maglakad-lakad. Umaasa din ako na makikita ko si Cate at magpapanagpo ang landas namin.
Bawat kanto ng bahay ay may bantay na armado ng mga armalite. Ng matanaw ko ang malawak na pool ay balak ko sanang puntahan iyon pero pinigil ako ng isang guard na malapit doon.
"Off limit ang pool side sa gaya natin, Brother. Bago ka 'no?" Anito.
Huminto ako sa paglalakad at nagkasya na lang sa pagtanaw ng pool.
"Oo, kadarating ko lang kanina. Bakit nga pala off limits ang pool area?" Tanong ko sa kanya.
Minsan kasi naliligo diyan si Ma'am Cate, kadalasan kasama niya si Sir Giovan, bawal silang maistorbo lalong bawal tingnan si Ma'am Cate. Kapag nahuli ka ni Sir na nakatingin kay Ma'am, siguradong parurusahan ka," pagbibigay ng impormasyon nito sa'kin.
"Ganun ba, e ikaw ba, hindi mo ba ni minsan tinapunan ng tingin ang amo mong babae?" Nakangising tanong ko sa kanya.
Napakibit-balikat ito at ngumiti.
"Maganda si Ma'am at sexy, kaya siguro ganun na lang ka-over protective si Sir sa kanya."
Mapait akong ngumiti. Deserve ni Cate ang maprotektahan, siguro nga ay tama ito, baka takot lang si Giovanni na may bumastos kay Cate.
Sa isiping yun ay nasaktan ako. Isa iyon sa bagay na hindi ko naibigay kay Cate noon, ang maprotektahan siya.
Napatunayan ko pang tama ang lalaki ng mula sa kinaroroonan namin ay natanaw ko ang pagbaba ni Giovanni at Cate sa pool side.
Nakita ko ang biglang pagiging pormal ng lalaki. Matuwid siyang tumayo at iniwas ang tingin kung nasaan ang swimming pool.
Hawak ni Giovanni si Cate sa kamay, bagama't seryoso ang mukha ni Cate, malaki naman ang pagkakangiti ni Giovanni. Bahagya akong kumubli sa malalagong halaman pero ang mga mata ko ay nakasubaybay sa kanila.
Ng bigla na lang buhatin ni Giovanni si Cate at sabay silang tumalon sa swimming pool. Ilang sandali pa ay marahas nitong pinaharap si Cate sa kanya at hinalikan sa labi. Malayo man ay kitang-kita ko kung gaano ito karahas sa ginagawa niya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin…
Hindi ko sila kayang tingnan…
Para iyong patalim na sumasaksak sa dibdib ko…
Maya-maya pa ay naririnig kong umuungol si Cate, napatingin pa ko sa lalaking kaharap ko ng mapangisi ito at umiling.
Ayaw man ng puso ko ay naglakas-loob akong silipin kung ano ang ginagawa nila.
Sa gawi ko ay side view lang nila ang kita, nakasandal si Cate sa dulo ng pool, halos nakatingala na siya dahil walang sawa siyang hinahalikan ni Giovanni sa leeg pababa sa kanyang dibdib habang nagtataas-baba ang katawan nito, bagama't hindi nakikita ang kabuoan nila, kita ko sa mga kilos ni Giovanni kung ano ang ginagawa nila habang nakalublob ang mga katawan nila sa swimming pool.
"Huwag ka ng magtaka sa kanila, ganyan talaga sila. Kung saan abutin si Sir Giovanni, doon sila magse-s*x. Minsan pumapalag si Ma'am Caterina pero wala naman siyang magawa dahil mapilit si Sir at 'di hamak na mas malakas."
Lihim kong naikuyom ang kamao ko dahil sa narinig.
Mali ang hinala ko na gusto lang siyang protektahan ni Giovanni. Ito mismo ang bumabastos kay Cate sa harapan ng mga body guards nito o kahit sinong tao!
Bago pa man ako tuluyang hindi makapagpigil ay mabilis kong nilisan ang lugar na iyon.
Tumatahip ang dibdib ko dahil sa nararamdamang sakit at galit.
Alam ko na posibleng ganito ang madadatnan ko dito, pero hindi pala ako lubusang nakahanda sa magiging damdamin ko…
Bumalik ako sa kuwarto at ibinagsak doon ang katawan ko. Sa haba ng panahon, ngayon lang ako ulit lumuha ng dahil sa sakit. Ang akala ko ay ginawa ng bato ng masasakit na pangyayari sa buhay ko ang puso ko, pero hindi pa pala… Muling binuhay ni Cate ang sensitibong parte nun, pero kung noon ay dahil sa pag-ibig, ngayon ay dahil sa matinding sakit.
Hindi ko namalayang nakaidlip ako. Nagising ako ng makarinig ng mahihinang usapan. May dalawang lalaki sa loob ng kwarto na sa wari ko ay mga body guard sa labas ng bahay.
"Oh, gising ka na pala brother, anong pangalan mo?" anang isang black american.
Naupo ako at bahagyang hinilot ang sentido.
"Uhm, ako nga pala si Don," pagpapakilala ko sa sarili.
"Ikaw ba yung papalit dun sa dati?" tanong naman ng isa pa, mas maliit ito kumpara sa isa bagama't parehas silang black.
Alinlangan akong napatango, "Dati? Bakit, may umalis ba sa mga body guard ni Giovanni?"
"Hindi umalis, pinaalis pagkatapos bulagin at bayaran," mahinang sabi ng isa.
"Kaya advice namin sayo, 'wag na 'wag kang magkakamaling titigan o lapitan si Miss Caterina kung ayaw mong magaya sa papalitan mo." naiiling na wika naman ng isa pa.
"Ako nga pala si Jacob at siya naman si Gab, welcome sa team, Don." anang may kalakihang lalaki saka inabot ang kamay ko. Tumayo naman ako at inabot iyon.
"Salamat," tugon ko…
"Kumain ka na ba? May nakahanda ng dinner sa kusina, sumabay ka na sa iba," Ani Gab bago ito nahiga.
"Busog pa ako, lalabas lang ako para magpahangin," sagot ko saka nagpaalam na sa kanila.
Pinuntahan ko ang kotse ko at kinuha ang nakatago kong sigarilyo doon. Mabigat ang pakiramdam ko at pampa-relax ko ang paninigarilyo. Habang naglalakad-lakad ay nakita ko ang bulto ng isang babae sa may garden. Mag-isa itong nakaupo at tila nakatanaw sa kalawakan.
Iginala ko ang paningin sa paligid, walang katao-tao. Nakakapagtaka na walang bantay sa paligid ng ganitong oras.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko, kahit nakatalikod ay kilala ko kung sino siya.
Cate…
Marahan akong lumapit…
Maingat.
Kasabay noon ay siniguro ko na walang makakita sa akin at sa gagawin ko…
Hanggang sa abot-kamay ko na ang balikat niya. Marahan kong idinantay ang kamay ko doon…
Laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon nang bahagya.
"Aakyat na din ako, Love, sandali na lang ito," aniya.
Napagkamalan niya pa yata ako bilang si Giovanni. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng mga sandaling iyon, para iyong lalabas mula sa dibdib ko.
Hindi ko na napigil ang sarili ko.
Inilingkis ko ang dalawa kong braso sa beywang niya at mula doon ay mahigpit ko siyang niyakap ay sinamyo ang kanyang buhok…
Napakabango niya…
Nagdagdagan man ang katawan niya ng halimuyak mula sa gamit niyang pabango o lotion ay naroon pa rin ang natural at mabini niyang aroma na noon pa man ay kabisado ko na.
Mas malambot at makinis na rin ang balat niya… Kaysarap niyang yakapin, miss na miss ko siya!
Sandali kong nalimutan ang pinakamahalagang bilin ng mga guard doon.
Wala na akong pakialam, ang nais ko ngayon ay punan ang kalungkutan sa puso ko na kay tagal ko ring kinikimkim…
"C-caterina, Mahal ko…" Mahinang bulong ko sa kanyang tainga na ikinalingon niya nang marahas sa akin…