KABANATA 5

1067 Words
CATERINA'S POV Halos hindi ako makahinga pag-akyat na pag-akyat ko sa kwarto namin ni Giovanni, mabuti na lang at nasa balcony siya at may kausap sa telepono. Ilang beses akong napalunok, wala akong ibang naririnig ng mga sandaling iyon kung hindi ang malakas na t***k ng puso ko. Nagpasya akong pumasok sa loob ng banyo at nag-lock ng pintuan. Mabilis akong naghubad at tumapat sa shower kahit pa nga kaliligo ko lang kanina bago ako bumaba sa garden, sinadya kong lakasan ang buhos ng shower ng sa gayon ay hindi marinig ni Giovanni ang impit kong pag-iyak… Si Pablo… Siya na nga ba yun? Napasubsob ako sa dalawa kong palad habang nakayukyok sa mga tuhod ko. Bakit ngayon pa siya bumalik? Bakit nagpakita pa siya sa'kin ulit? Anong ginagawa niya dito? Anong plano niyang gawin? Napakarami kong tanong na hindi nabigyan ng sagot. Hindi ko pa siya kayang harapin, hindi ngayon! Hindi ko mapigil ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko mapigil ang umiyak pa nang umiyak, ang akala ko ay naka-move on na 'ko. Akala ko ay napatawad ko na siya, pero mukhang mali yata ako. Para bang tinakpan lang ng bond aid ang napakalalim na sugat na dinulot niya doon at ngayon ay muli iyong nabuksan para ipaalala sakin kung gaano iyon kasakit. Napapitlag ako ng may kumatok. Agad kong pinahid ang mga luha ko at nilinis ang lalamunan ko. "L-love?" tugon ko saka dali-daling lumapit sa pintuan at dumikit doon. Umaasa na sana ay 'wag ng maisipan ni Giovanni na pasukin pa ako doon. "Bakit ka nag-lock ng pintuan?" may pagdududa sa tinig niya. Napabuntong-hininga ako. "Nagbabawas kasi ako, Love. Gusto mo bang pumasok?" tanong ko. "Naliligo ka ba ulit?" tanong niya nanaman. "O-oo," "Buksan mo ang pintuan," maotoridad na utos niya. Napalunok ako ulit, inayos ko ang sarili ko, alam kong mahahala niya ang pag-iyak ko pero wala akong magagawa. Binuksan ko ang pintuan habang nakayuko. Pilit na iniiwasang matitigan niya ang mga mata ko. Agad akong tumalikod sa kanya at tumapat sa shower. "Kaliligo lang natin kanina, iniinitan ka ba?" tanong niya. "Oo, gusto kong magbabad sa mainit-init na tubig, alam mo namang nare-relax ako sa ganito 'diba?" pilit kong pinalambing ang tinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagdikit ng hubad din niyang katawan sa likuran ko. Hindi ko maiwasang mairita nang palihim, alam ko nanaman kasi kung saan ito tutungo. Marahas niyang piniga ang pang-upo ko at may kalakasan iyong hinampas. "Ako din kanina pa nag-iinit, love," aniya. Hindi ako kumibo at hinayaan na lang siya sa gusto niya gawin. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa, mauuwi lang iyon sa pagtatalo pero sa huli ay siya pa rin ang masusunod. Wala na kong lakas para subuking umiwas. Walang sawang pinaliligaya ni Giovanni ang sarili niya gamit ang katawan ko habang ako naman ay wala ng maramdaman, namanhid na yata ako… Sa loob ng ilang taon ay para akong robot na sumusunod lang sa kagustuhan niya. Mariin na lang akong pumikit, kasabay ng pagbuhos ng tubig sa buong mukha ko at katawan ay tahimik akong lumuha. Kagat ko ang pang-ibabang labi habang tinitiis ang kirot na nararamdaman sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Ilang beses na kaming nag-s*x ni Giovanni ngayong araw, at sigurado din akong hindi natatapos sa oras na ito ang pagiging hayok niya sa laman. "Moan, Caterina! Moan as if you don't want me to stop f*cking you," mariing bulong niya sa tainga ko bago ako marahas na hinalikan. "Ummppp!" daing ko dahil sa kirot, na inaakala niyang ungol. "Good girl!" aniya saka walang patawad na pinisil ang magkabila kong dibdib. "Ahh, L-love, m-masakit!" mahinang sabi ko. "Oh yeah? Pain and pleasure isn't it? hmm? Ughh!" bulong niya sa hibang na tinig pero hindi pa rin tumigil sa maya-maya'y pagpisil sa mga dibdib ko. Mariin akong pumikit at nanalangin na sana ay matapos na ang impyernong pinaparanas sakin ni Giovanni ng mga sandaling iyon. Kaya naman para akong nakahinga nang maluwag ng maramdaman kong nakatapos na siya. Hingal niyang isinandal sakin ang katawan niya. Pinauna ko na din siyang lumabas ng banyo. Umaasa na sana ay makatulog na siya. Pero knowing Giovan, hindi siya nauunang matulog sakin kahit minsan, binabantayan niya talaga ako at sinisiguro na nahihimbing na bago siya matutulog. Malungkot kong tinitigan ang halos perpekto kong katawan sa malaking salamin ng banyo, oo nga't kuminis at mas lalo pa akong pumuti, hindi rin maitatanggi na mas gumanda ako simula ng mapunta ako kay Giovanni, pero nagtatago sa perpektong katawan na iyon ang walang napakalungkot na katauhan. Hugkag at halos walang buhay na pagkatao… Marahas akong bumuga ng hangin saka nagpunas na. Mabuti na lang at nasa loob din ng banyo ang closet namin. Makakapagbihis na ako bago pa lumabas mula doon. Paglabas ko ay nakahiga na si Giovanni, nagbabasa ng bagong libro tungkol sa politics na kinahuhumalingan niya. "Lalabas lang ako ulit para mag-good night kay Ricci," saad ko. Ni hindi nag-abala si Giovanni na tingnan ako. "10 minutes," tanging tugon niya. Hindi na ako kumibo at dere-deretso ng lumabas ng silid namin. Dumeretso ako sa silid ni Ricci na hindi naman nalalayo sa silid namin. Pagpasok ko dun ay inabutan kong binabasahan siya ng yaya niya ng paborito niyang story. Ipinaskil ko ang ngiti sa labi at sumandal sa poste ng pintuan hanggang sa mapansin niya ako. "Mommy!" umaliwalas ang mukha niya pagkakita sa'kin, doon pa lang ako lumapit sa kanya. Tumayo naman agad ang yaya niya at ako muna ang pumalit sa kinauupuan nito. "Mukhang inaantok na ang baby ko, ah?" masaya kong sabi. "Opo, Mommy. Pero hinihintay pa kita kaya hindi muna ako pumipikit." Ginulo ko ang buhok niya at niyakap na siya nang mahigpit. "Good night, Anak. Sweet dreams, I love you," saka ko siya hinalikan sa noo. "Good night too, Mommy, sweet dreams, i love you," ganting tugon niya sa nagniningning na mata. Inayos ko na siya ng higa at kinumutan, nagbilin pa 'ko sa yaya niya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ni Ricci. Pero laking gulat ko ng sa paglabas ko sa pinto ay bumungad sa akin ang bulto ng isang lalaki, nasa gilid ito ng pintuan na para bang hinihintay ang paglabas ko. "P-Pablo?! Paano k-kang nakaakyat dito?" Napuno ng takot at pangamba ang puso ko pagkakita sa kanya. Awtomatikong gumala ang paningin ko sa paligid lalo na sa pasilyong papunta sa kwarto namin ni Giovanni…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD