KINABUKASAN, hindi pa tumitilaok ang manok ng kapit-bahay namin ay nagising na ako. Bumangon ako nang tahimik dahil mahimbing na natutulog pa sa tabi ko sa Katrina.
Lumapit ako sa luma naming aparador at kinuha roon ang tuwalya kong nakasabit. Kailangan ko nang maligo para sa una kong trabaho, ang pagiging janitress sa G. Smith Company at sa gabi naman ay pagiging Tindera sa Karinderya ni Aling Florida. Minsan ay naiiba rin ang shift ko bilang Janitress, minsan panggabi ako lalo na kung may gustong makipagpalit sa akin, pumapayag na lang din ako. Sayang din ang night differential.
Lumabas na ako sa k'warto at hinawi ko ang kurtina para hindi makita ang magulong k'warto namin. Gumawi ako sa kusina at nagpainit ng tubig. Tulog pa silang lahat, maging si Mama.
Paano ba naman kasi ay mag-a-alas kuwatro pa lang ng umaga. Napahikab ako habang hinihintay ang pagkulo ng tubig, hahatiin ko iyon dahil maglalagay rin ako sa tasa para sa kape ko. Nang ilang minuto ang lumipas ay kumulo na rin siya. Naglagay ako ng kaunti sa tasa at nilagay na rin doon ang 3in1 na kape ko. Mamaya ko na lamang inumin after kong maligo, para isahang tunggaan na lamang.
Naging mabilis ang pagligo ko dahil na rin sa lamig ng tubig, hindi tumalab ang mainit na tubig. Kumaripas akong takbo papasok sa kʼwarto namin, sinuot ko na ang uniform namin na slacks and ang pang-itaas na plinantsa ko kagabi, white and gold uniform ang suot namin kapag Monday, Wednesday, and Friday. And, black and gold naman kapag Tuesday, Thursday and Saturday, dahil kapag Sunday ay day-off ko, naka-fix na iyon.
Tinignan ko ang aking sarili, fit na fit sa akin ang uniform ko, para siyang uniform ng isang OJT student teacher na always kong nakikita sa kapit-bahay namin. Sinuksok ko ang magkabilang palad ko sa bulsa ng blouse na ito, bagay sa akin. Pagkatapos kong tignan ang aking sarili ay inayos ko naman ang aking buhok, tinirintas ko ito para hindi maging sagabal at nag-powder na lamang ako.
Binuksan ko ang aming lumang aparador para kumuha ng pamalit na shirt and tokong pants. Nilagay ko iyon sa backpack na dinadala ko sa trabaho at saka na akong lumabas. Pagkalabas ko ay roon ko lang naalala ang kape ko.
“Hay, naku, Kath, nakalimutan na naman natin.” saad ko sa aking sarili. Sobrang lamig na niya, kaya ininom ko na and nilagay sa lababo ang tasa. Kumuha na lamang ako ng dalawang pirasong saging, ang isa ay nilagay ko sa bag at isang ay kakainin ko mamaya.
Sinuot ko na rin ang sandals kong black, mamaya na lamang ako magpapalit ng rubber kapag nasa company na. Lumakad ako papunta sa k'warto ni Mama, tinapik ko siya nang mahina. Napadilat siya at tumingin sa akin.
“Ma, alis na po ako.” Paalam ko sa kanya at tumango siya sa akin.
“Mag-iingat ka, Kathleen.” Mahinang sabi niya at lumabas na sa kʼwarto. Sinuksok ko ang cellphone ko sa bulsa na suot kong uniform at naglakad na papunta sa paradahan ng jeep.
Sampung minuto ng makasakay ako sa jeep, sobrang haba ng pila buti na lamang ay maaga akong umalis sa bahay, naubos ko na nga rin ang saging na kinuha ko. Pasadong alas-singko ʼy trenta ng umaga nang makarating ako sa company, sa likod ang daan namin dahil malapit lang din iyon sa utility room namin.
“Good morning,” bati ko sa security guard na tumutusok ngayon sa bag ko.
Tumango siya sa akin. “Morning din!” Pagkatapos niyang i-check ang aking bag at pinalampas na niya ako.
Pagkarating ko sa utility room ay binuksan ko ang aking locker room, nilagay ko roon ang aking backpack at nilabas ang black shoes ko. Ni-lock ko na rin agad iyon at sinuot ang susi sa bulsa ng uniform ko, nasa loob din kasi ng bag ang aking cellphone.
“Good morning, Kath!”
Napatingin ako sa pinto at nakita ko si ate Leslie, naunahan na ko siya ngayong araw. “Hello, good morning, ate Leslie!” bati ko sa kanya at pumasok sa maliit naming pantry, kumuha ako roon ng isang biscuit.
“May baon akong pagkain ngayon, huwag ka na bumili ng pagkain mo mamaya, Kath!“ Tumango ako sa sinabi ni ate Leslie.
Umupo na ulit ako, alam kong pito kaming pang-umaga ngayong week. Tatlong lalaki at apat na babae.
“Salamat, ate Leslie. By the way, ate, saang floor ka po ngayong week?” pagtatanong ko sa kanya habang kinakain itong biscuit.
“3rd and 7th floor ako ngayong week. Si Lovely naman ay sa 4th and 9th floor. Ikaw, Kath, anong floor ka ngayong week?” pagtatanong niya sa aking habang pinupusod ang kanyang buhok.
“Um, sa second floor and 8th floor po ngayong week, ate Leslie.” Mahinang sabi ko sa kanya.
Gulat na napatingin siya sa akin. “8th floor?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Maaga pa para sayo na ilagay ka sa 8th floor, Kath. Madalas na naka-assign doon ay si Victor. Baka nagkamali lang si Sir Leo sa paglagay sayo roon. Try mo kayang itanong, Kath.” Kinakabahan niyang sabi sa akin.
Si Victor ay ang isa sa mga matagal ng janitor dito sa G. Smith Company. Mailalagay ka lang sa 8th floor kapag matagal ka ng naninilbihan sa company.
“Nagulat din ako pero sabi ni Sir Leo, ako raw ang naka-assign doon. Iyon daw kasi ang nakalagay sa binigay na papel ng secretary ni Sir Leif.” sagot ko sa kanya.
“Ganoʼn ba?” Nag-aalala ang mukha ni ate Leslie sa akin. “Mabuti na lamang ay wala ngayong week sa company si Sir Leif, nasa ibang bansa siya ngayon ayon sa nasagap kong balita. Pagbutihan mo na lamang ang paglalampaso roon, Kath, ayaw na ayaw na may maiwan na dumi. Alam mo naman ang mga nangyari sa mga naglinis doon except kay Victor.” Tumatango-tango ako sa kanya.
Paano ba naman kasi ay lahat ng bagong naglilinis sa 8th floor ay after ng araw ay natatanggal sila. Bumababa na lamang ang mga naglilinis doon na umiiyak. Kapag tinatanong namin ay tanging hikbi na lamang ang sagot nila sa amin. Kaya ang mga bagong katulad ko ay natatakot na ma-assign sa 8th floor. Mabuti na lamang ay wala ngayong linggo si Sir Leif. Kahit gusto ko siyang makita dahil kambal sila ng crush kong si Lennox, ay hindi ko makakayanan kung magsasabi siya nang masasakit na salita sa akin. Kaya ayos lang na makita siya sa malayo, ano?!
“Gagawin ko ang lahat para matapos ko iyon nang malinis at walang dumi na matitira, ate Leslie.” Tinatak ko na sa kokote kong iyon.
Ayokong mapaalis dito lalo naʼt kailangan ko ang trabahong ito. Dagdag pambili ko rin ito para sa gamot ni Mama.
“Tama niyan, Kath. Basta kapag nagkaroon ng problema ay magsabi ka agad sa amin ni Lovely, ha?” Tumango-tango ako sa kanya. Ganyan sila mag-alala sa akin, dahil sa aming pito ay ako ang pinaka-bata sa kanila.
Dumating ang ibang kasama namin at ako ay nag-umpisa ng kunin ang cleaning cart namin, kada isa sa amin ay mayroʼn.
“Mauuna na po ako, ate Leslie! Pakisabi na lang po kay ate Lovely!” wika kong sabi at tinulak ko na ang cleaning cart ko.
Una kong pupuntahan ay ang second floor, sa floor na iyon ay nandoon ang HR office. Madali lang naman linisin niyon at maging ang kanilang comfort room doon ay hindi rin gaanong madumi.
Nakipila muna ako sa elevator, mabuti na lamang ay wala ng gaanong empleyado na nakapila. Twice a day kaming pumupunta sa mga floor na naka-assign sa amin, sa morning and after ng kanilang shift. Sa night shift naman ay buong shift kang nasa floor na naka-assign sayo.
Nakakatakot.
“Maglilinis lamang po!” Nakangiti kong sabi sa mga empleyadong nandito. Tumango sila sa akin at bumalik ang tingin sa mga papel at sa screen ng computer.
Nagwalis na muna ako sa bawat sulok at saka na rin akong nag-mop. Hindi ko naman sila nagugulo kaya ayos lang. Hindi ko nga alam bakit ganitong oras kaming naglilinis, dapat ang linis namin ay before silang pumasok. Pero, ito ang sinusunod namin dahil iyon ang nasa policy.
Sunod kong nilinis ay ang comfort room sa floor na ito. Boys and Girls CR ay nililinis ko, sa boys naman ay tinatamingan kong walang tao, sinasara ko kasi ang pinto nila. Pinunasan ko ay ang salamin dito, binasabasa ko muna at saka ginamitan ng mirror glass cleaning para matuyo agad.
Tumagal ng isang oras ang paglilinis ko sa comfort room ng boys and girls. Nang makitang malinis na ay saka ako umakyat sa 8th floor. Kinakabahan na ako habang pa-akyat, what more pa kaya kung nandito si Mr. Leif. Tumigil ang elevator sa 8th floor at lumabas na ako.
Napatanga ako dahil sobrang tahimik sa floor na ito. Ibang-iba sa sinasabi nila ate Leslie na puro raw sila aligaga.
“Maglilinis lang po.” ani ko ulit, katulad ng sinabi ko kanina. Nakatingin lamang sila sa akin at walang imik at tanging naka-focus sila ay sa screening ng computer.
Para silang mga robot. Ibang-iba ang atmosphere rito kaysa sa ibang floor na napuntahan ko na.
Nag-umpisa na rin akong maglinis at tanging anong ingay ay wala akong naririnig. Kaya maging ang paglilinis ko ay dinahan-dahan ko rin pero sinisigurado kong walang duming naiiwan, kaya tumagal ako rito ng almost two hours.
Bumalik na ulit ako sa utility room at nagpahinga muna. Sa end ng shift namin sa oras na three ng hapon ay bumalik na rin ulit ako sa 2nd floor and 8th floor. Nilinis ko ulit iyon na parang hindi napagod man lang.
“Kath, sabay na tayo lumabas.”
Napatigil ako sa pagpalit ng damit ko. Susuotin ko na ang binaon kong damit dahil ang gawi ko naman ay sa Karinderya ni Aling Florida.
“Sige po, ate Lovely!” sagot ko sa kanya. Inayos ko ang aking locker, nilagay ko na rin doon ang rubber black ko. Saka ko na rin inayos ito, saka ni-lock. “Tara na, ate Lovely!” Yaya ko sa kanya.
Nakasakay rin kami agad ng jeep papunta sa amin, malapit lang din naman ang bahay ni ate Lovely sa amin, isang sakay ng traysikel. Bumaba ako sa may kanto dahil doon nakalagak ang Karinderya ni Aling Florida.
“Nandito na po ako!” Anunsyo ko sa kapwa Tindera ko roon. Kinuha ko ang apron na may pangalan ko.
“Kathleen is here! To serve you a right!” Malakas na sabi ko pagkalabas ko sa may Karinderya.
“Buti naman, iha, nandito ka na. Ikaw ang humawak sa kaha, ha? Magluluto lang ako ng bopis.” Tumango ako sa may-ari na si Aling Florida.
“Kath, 120 pesos ang nakuha.” Binigay sa akin ni ate Ging ang 500 pesos, kaya sinuklian ko siya ng 380.
Ilang taon na ako nagtatrabaho rito kaya tiwalang-tiwala sa akin si Aling Florida, maging ang mga anak niya. Biyuda na kasi siya nang mamatay ang asawa niya last year.
Naging sunod-sunod ang customer namin. Buti na lamang ay marami ang tindera ngayong araw.
“Heto po ang sukli sa 340 pesos na nakuha!” sigaw ko at inabot ang pera sa isa sa mga Tindera.
Lumalalim na ang gabi hanggang makita ko ang oras na, nine na ng gabi. End of my shift ko na rito.
“Aling Florida, mauuna na po ako!” Malakas na sabi ko sa may-ari ng maliit na karinderya na ito.
Hinubad ko ang aking apron na suot. Pumalit naman na sa akin si Aling Florida, ubos na rin naman ang mga tinda naming lutong ulam. Magliligpit na lamang sila.
“Paalam na po!” Malakas na sigaw ko sa mga kasamahan ko.
Natapos ko na naman ang unang araw na walang naging aberya sa akin. Six more days before ulit tayo makapagpahinga.