CHAPTER 3

1870 Words
MAAGA na naman ako nakarating sa company. Kaya chineck ko muna isa-isa ang mga gamit ko sa cleaning cart. May tinext kasi sa akin si Bambie na pudpod na raw ang pankiskis ko sa pader para sa cr, kaya tinignan ko agad iyon at nakita kong pudpod na nga. Siya kasi ang ka-share ko sa cleaning cart na ito. Chineck ko rin ang mga sabon na gagamitin ko, na-refill-an naman niya. Maging ang spray bottle namin ay bago na rin. Iyong pangkiskis lang talaga ang nakalimutan niyang palitan. Nang makitang maayos naman ang mga gamit sa cleaning cart ay inayos ko ang aking buhok, tinirintas ko na naman ito at inikot ang dulo para hindi maging sagabal sa aking batok. Nagpulbo at naglagay na rin ako nang kaunting liptint, para magmukhang presentable ako kapag may nakakita sa akin. Pagbalik ko sa locker area ay nakita ko na sina ate Leslie and ate Lovely, maging si Kuya Victor ay nandoon na rin. Nagpapalit na sila ng uniform. “Ang aga mo naman ulit, Kath! Good morning! Nakapag-almusa ka na ba?” pagtatanong sa akin ni ate Leslie kaya tumango ako sa kanya. “Opo, ate Leslie! Salamat po sa pagtatanong.” saad ko at pinasok ang extrang tali ko sa locker. “Kathleen, nakausap ko kahapon ang manager sa Marketing, mabusisi raw ang paglilinis mo kaya nagustuhan nila.” Nakangiting sabi sa akin ni Kuya Victor. “Talaga po?” Hindi ako makapaniwalang sabi sa kanya. Tumango siya sa akin. “Oo, nakasabay ko kasi siya sa elevator kahapon. Mukhang may kapalitan na ako sa 8th floor, ha?” Nakangisi niyang sabi sa akin. Winagayway ko ang aking magkabilang kamay sa harap ko. “Naku, Kuya Victor, sobrang layo pa po. Ilang buwan pa lang naman po ako rito. Marami pa po akong need na malaman.” Nakangiti kong sabi sa kanya. “By the way po, Kuya Victor, kahapon po ay sobrang chill lang ng mga empleyado sa 8th floor. Salungat po sa sinabi niyong aligaga.” sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. “Ah. Paano ba naman kasi wala si Sir Leif. Natataranta at nagiging aligaga lang naman sila kapag nandʼyan siya. Next week pa raw ang balik ni Sir Leif kaya magiging chill lang din sila buong linggo. Oh, siya, mauna na ako sa inyo.” Tapik na sabi niya sa akin at lumabas na siya locker room. “Swerte mo, Kath! Oh, baka, sinadya talagang ilagay ka sa 8th floor habang wala si Sir Leif. Para makita kung may kapalitan na nga ba si Victor.” Segunda ni ate Lovely sa akin. Nagkibit-balikat ako sa kanya. “Baka nga po.” After ng mini kwentuhan namin sa locker ay lumabas na rin kami. Need na namin pumunta sa kada floor namin para maglinis. Heto ang trabaho namin kaya need naming masigurong malinis ang mga floor na naka-assign sa amin. Dating gawi ay tulak-tulak ko ang cleaning cart ko papunta sa elevator, mabuti na lamang ay wala pang gaanong emoleyado na sumasakay. Iyong iba kasi ay maagang pumapasok para iwas late. “Good morning po!” Bumati ako, inuna ko na naman ang second floor. Heto kasing floor ang konti pa lang ang tao kaya mapapabilis ang paglilinis ko. Winalis ko ang ilalim ng mga table nila, lalo na ang table ng manager and supervisor dito. Mahirap na baka ipatawag ako, mahirap naʼt HR floor ito. Nang matapos ay sinunod kong nilinisan ay ang comfort room ng boys and girls. Hindi ako nagtagal dahil sobrang linis pa nito. Katatapos ko lamang maglampaso sa comfort room ng mga girls sa second floor ng company. Hindi naman gaanong madumi kaya natapos ko agad. Tulak-tulak ko na ang cart kong puno ng mga panlinis, nag-aabang na ako rito ng elevator nang marinig kong nag-uusap ang dalawang empleyado rito sa company. “Nakauwi na raw si Sir Leif?” “Kinakabahan na naman siguro ang mga nasa Marketing department, ano?” Natanggal ang pagkakahawak ko sa cleaning cart nang marinig ang mga sinabi nila. Umurong ako nang kaunti sa tabi nila. “Um, excuse me po. T-tama po ba ang narinig ko? N-nandito na po si Sir Leif?” Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako habang tinatanong ko iyon. “May nakapagsabing nandito na raw po. Nakita ko ang kotse ni Sir Leif sa may parking po.” Sagot sa akin ng babaeng maikli ang buhok na may highlights. “Ganoʼn po ba? Maraming salamat po.” Ngiting sabi ko sa kanilang dalawa at bumalik sa harap ng cart ko. Nandito na si Sir Leif. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa nalaman ko. Paano kung magalit siya? Paano kung maranasan ko iyong mga naranasan ng mga nag-quit? Na pinagsalitaan niya nang mga masasakit na salita, ʼdi ba? Hindi ko yata kakayanin iyon. Oh, jusko, sana wala siyang masabi sa trabaho ko. Pumasok na ako sa loob ng elevator, inayos ko ang aking cleaning cart para hindi sagabal sa mga kasabay ko sa loob. Naka-finger cross na ako ngayon habang umaakyat ang elevator sa 8th floor. Sana good vibes siya. Sana hindi siya magalit. Sana kapag naglinis ako sa labas ng office room niya, ay wala siyang masabi. Jusko, sa akin ka sumapi ngayong araw. Huminto ang elevator sa 8th floor, may mga nakasabay akong empleyado na lumabas roon. Ramdam ko rin ang kabang nararamdaman nila ngayon. Pagkalapag ko sa floor ay ibang-iba ang atmosphere ngayon, hindi tulad kahapon. Alas-otso pa lang ng umaga pero grabe na ang pagiging aligaga nilang lahat, maging ang manager na nakita ko kahapon, na naka-upo lamang hanggang matapos akong maglinis ay ngayon ay tumatayo na rin. Umaga pa lang at mukhang mapapagod na sila agad. Hindi na ako bumati sa kanila, na madalas na ginagawa ko. Super busy kasi nila, nakakahiya naman kung iistorbohin ko. Todo walis ako sa buong floor, sinimulan ko ito sa pag-apak pa lang mismo sa floor na ito, doon sa paglabas ng elevator. Sabi kasi ni kuya Victor ay dapat walang akong maligtaan na spot sa paglilinis lalo na rito sa floor kung nasaan ang office ni Sir Leif. Kaya heto ang ginagawa ko ngayon. Natapos na ako sa entrada ng 8th floor, maging sa sulok-sulukan ng table ng employees rito, maging sila ay tinutulungan ako. Sinasabi nila sa akin kung saan pa ang madumi at kung may alikabok akong nakaligtaan. Nang matapos na ako ay walang dumadarating na Sir Leif and maging ang secretary niyang si Sir Carl. Natapos na rin ako sa paglilinis sa cr ng boys and girls pero walang dumating na Sir Leif, nagtanong pa ako sa isang empleyado para makasiguro. Pero, ayos lang at least ginawa ko ang best ko para malinis nang mabuti ang 8th floor. At, kung dumating man siya ay walang negative feedbacks na darating sa akin. Dali-dali akong bumalik sa utility room namin. Pinarada ko ang aking cleaning cart. Hinubad ko ang aking cleaning apron and gloves ko, sinampay ko muna ito sa handle ng cleaning cart. Pumasok ako at nag-cr na muna ako. Kanina pa rin ako naiihi dahil sa nerbyos ko about kay Sir Leif. Pagkatapos kong umihi ay naghugas na ako ng kamay. Tumambay sa locker room. Nagpapahinga ako nang biglang bumukas ang pinto. “Kath?!” Malakas na sigaw ni ate Leslie sa pangalan ko. “Ayos ka lang ba? Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Sir Leif?” Natataranta niyang sabi sa akin kaya tumango ako. “Opo, narinig ko kanina sa dalawang empleyado pero wala naman pong dumating na Sir Leif sa 8th floor.” sagot ko sa kanya, kaya nakahingi siya sa sinabi ko. “Mabuti naman. Pero, if ever na dumating talaga siya ngayon ay huwag mong dibdibin ang sasabihin niya sayo, okay? Huwag kang makikinig sa kanya.” Paalala niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Oo naman po. Dahil alam ko sa sarili ko na ginagawa ko ang aking best pagdating sa paglilinis.” Tinapik ni ate Leslie ang aking balikat. “Tama iyon, Kath.” Natapos ang aming shift ngayong araw ay walang dumating na si Sir Leif. Kaya nakahiga ako nang maluwag ng malaman iyon. Nakapagtrabaho ako sa karinderya na walang gumugulo sa aking isipan. Kaya nagawa ko ang best ko bilang tagabantay sa kaha. Isang araw na naman na natapos. Naging maaga ulit ang dating ko sa company. Ginawa ko ang palaging ginagawa ko, ang pag-check sa aking cleaning materials. Kaya ng makasigurong maayos ang lahat ay pumasok na ulit ako. “Fake news pala kahapon. Kotse ng Manager sa Finance ang nakita kahapon sa parking lot.” Narinig kong sabi ni kuya Victor pagkapasok ko ulit. “So, napagkamalan lang?” Narinig ko ang pagtatanong ni ate Luth, isa sa mga matatagal ng janitress dito. Tumango-tango si kuya Victor sa sinabi ni ate Luth. “Ganoʼn na nga! Pero, may nasagap akong balita na nakabalik na sa Pinas sila Sir Leif, kaya by next week ay balik trabaho na sila. And, ako na ulit ang na-a-assign sa 8th floor, iyon ang sabi ni Sir Leo.” Nakahinga ako sa sinabi niya. “So, ligtas po ako, kuya Victor?” Turo ko sa aking sarili at tumango-tango siya. Dahil sa sinabi ni kuya Victor ay hindi na ako kakabahan na bigla na lamang sumulpot si Sir Leif. Dahil next week pa raw ito papasok. Nakangiti akong naglilinis ngayon sa second floor. Mababait nga ang mga empleyado rito sa HR, minsan binibigyan nila ako ng candy or chocolates nila at tinatawag din nila akong Miss kaya masarap sa pakiramdam kapag dito ako naka-assign. After kong maglinis sa 2nd floor ay nakatapat na ako sa elevator ulit, papunta na ulit ako sa 8th floor na hindi kinakabahan man lang. Walang kabog sa aking dibdib dahil sa nalaman ko. Napatingin ako sa elevator, malapit na itong bumaba galing sa 12th floor. Hihintayin ko na lamang ulit itong umakyat once na umabot ito sa ground floor. Napalingon ako sa likod namin nang may marinig na mga tili roon. Sino iyon? May artista ba? Dumating kaya ang crush kong si Lennox kaya sila nagsisigawan? Iniwan ko ang aking cleaning cart sa harap ng elevator. Lumakad ako sa gilid ng floor na ito, kita kasi rito ang ground floor ng company. “Hello, sino nand'yan? May artista bang dumating?” pagtatanong ko sa aking harapan. Hindi ko kasi makita dahil ang lalaki nilang tao, kaloka. Pilit akong tumitingala pero wala talaga akong nakikita man lang. “Si Sir Leif dumating na.” sagot sa akin ng isang babae. Napatanga ako sa sinabi niya. “S-sure na ba kayong nandito si Sir Leif?” pagtatanong ko sa babaeng empleyado. Kahapon kasi ay fake news, kakulay lang pala ng Manager sa Finance ang kotse ni Sir Leif, kaya inakala nilang nandito na siya. “Yes, Miss. Naglalakad sila ngayon papunta sa private elevator ng mga Smith family.” Casual niyang sabi sa akin, na siyang paninigas ko. Gumilid siya at doon, doon ko nakita si Sir Leif na naglalakad nga at nasa likod niya si Sir Carl na kanyang secretary. Patay. Akala ko ba next week pa ang balik niya. Anong gagawin natin, Kath?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD