MAAGA na naman akong nakarating. Nag-stay na lang muna ako rito sa locker room. Pinapakalma ulit ang aking sarili. Heto na naman tayo. Kailangan ulit natin linisan ang 2nd floor and 8th floor pero ilang araw na lang naman ito, kaya tiisin na natin.
Naging mabilis ang ikot ng orasan at heto na naman ako ay naglilinis sa second floor ng Company. Ganoʼn ulit ang aking ginawa. Nilinis ang buong floor na ito at nang matapos ay sumakay na ako sa elevator papuntang 8th floor, dating gawi ay ganoon na naman katahimik ang floor na ito. Tanging machine and keyboards nila ang maririnig.
Tahimik ulit akong naglinis at sinigurado ulit na walang kalat o alikabok akong maliligtaan. Ayoko talagang matanggal sa work kong ito. Malaki ang sahod din at kailangan na kailangan ko ito para sa gamot ni Mama at sa pag-aaral ng dalawang kapatid ko.
Napatayo ako rito sa sulok, kung saan walang gaanong empleyado at walang nakakakita sa akin. Nagpahinga muna ako saglit pero itong supervisor sa floor na ito ay nakita ako.
“Hindi ka binabayaran para magpahinga. Mag-trabaho ka bilang janitress. Huwag mong subukan na may maiwan na basura, pati kami ay nadadamay sa inyo.” Nagulat ako sa sinabi niya.
Kaya wala akong nagawa kung ʼdi bumalik sa paglilinis. Ganito ba talaga ang ugali ng supervisor nila? Ginagawa naman namin ang best namin para maglinis, sana gawin nila ng best na huwag magdumi, ʼdi ba?
Medyo na-hurt ako sa sinabi niya. Ganito ba kababa ang tingin nila sa aming mga janitor and janitress? Mabuti pa sa 2nd floor parang tao nila kami kinakausap, dito para kaming mga katulong talaga nila.
Wala talaga akong iniwan na basura, dumi o alikabok sa paligid ng 8th floor. Ayokong mapagsabihan na naman ng supervisor dito. Bumalik ako sa cleaning cart kong naiwan sa labas ng receiving area ng 8th floor, sinabihan kasi ako ng security guard kanina na huwag na raw ipasok iyon, utos ng supervisor sa kanya. Kaya pabalik-balik tuloy ako kanina.
“Kuya,” Lumapit ako sa guard, “tapos na po akong maglinis. Alis na po ako.” sabi ko sa kanya pero umiling siya sa akin.
“Office room ulit ni Sir Leif. Iyon na ang bilin sa akin. Always na raw linisan iyon.” sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
“Ganoʼn po ba?” sabi ko na lamang at kinuha ang panglinis ko. Dinala ko lamang iyong sinabi ni Sir Carl sa akin, ang walis tambo, dustpan and feather dust. “Sige po, parada ko na lamang po ulit dito.” sabi ko sa kanya at lumakad na ulit papasok sa 8th floor.
Nakita ko na naman ang table ni Sir Carl. Hindi pa nga ako nagsasalita ay tumingin na siya agad sa akin. “Pumasok ka na. Always mo ng isama itong office room ni Sir Leif kapag maglilinis ka rito.” sabi niya sa akin. Tumayo siya at kumantok muna roon sa pinto. “Pwede ka na pumasok at maglinis.” sabi niya sa akin kaya tumango ulit ako.
Nakita kong bumalik siya sa kanyang table kaya wala na akong nagawa kung ʼdi pumasok sa loob. Ganoʼn pa rin naman ito at nakita kong wala namang dumi. Kung ano ang nadatnan ko kahapon ay ganoʼn na ganoʼn pa rin naman. Wala akong nakikitang dumi o alikabok pero kailangan ko pa rin gawin ang aking tungkulin.
Nag-umpisa na akong magwalis at magtanggal ng alikabok, kahit alam kong wala naman na. Paano kasi hinawakan ko ang dingding sa office room niya, walang alikabok akong nakuha man lang. Malinis pa rin ang daliri ko nang hawakan ko iyon. Nilinis ko lahat hanggang sa pantry at sa living room niya. Kaya nang matapos na ako ay lalabas na sana ako sa office room niya nang tawagin niya ako.
“Wait, may kalat dito around my table.” Baritonong sabi niya at tinignan ako.
Napalunok ako dahil sa klase ng kanyang tingin. Pero, at the same time na-conscious din dahil sa titig niya sa akin. Para niya akong hinuhubaran sa ganoʼng tingin niya.
“S-saan po, S-sir Leif?” Kinakabahan kong tanong sa kanya at lumapit.
First time kong makipag-usap ko sa kanya. Kaya hindi ko alam kung saan ako titingin.
“Under the table,” aniya at tinuro ang ilalim ng lamesa niya.
Tumango ako sa kanya. Yumuko ako at nakita ang mga papel na nakalusot. Tumingin pa ako sa ilalim ng table pero wala na akong nakita. Puro papel na nilukot na lamang.
Tumayo ako at pinagpagan ang aking pang-upo at tuhod. “Maglilinis na po ako, Sir Leif.” Mahinang sabi ko at nasa gilid na niya ako ngayon pero tinignan lamang niya ako.
Hindi ba siya aalis? Paano ako magwawalis kung hindi siya tatayo, ʼdi ba? Pero, mukhang wala nga siyang balak tumayo sa upuan niyang umiikot. Napakamot na lamang ako nang palihim sa aking buhok at bumalik sa harap ng table niya, yumuko na lamang ulit ako at pinasok ang walis tambo na bitbit ko, kinuha ko ang mga papel na nakalukot. Tumayo rin agad ako at nilagay ko sa trashbin ng office room niya. Ang lapit-lapit nito pero hindi man lang niya naitapon.
Nilapag ko sa gilid ang aking mga hawak at kukunin ko na sana ang plastic sa trashbin pero tinawag niya ulit ako.
“Bago ka lang ba rito?” Nagulat ako sa tanong niya. Nakatingin ang mga mata niya sa akin.
“Um, almost two months na rin po ako, Sir Leif.” sagot ko sa kanya. “May mali po ba sa ginawa kong paglilinis? Kung mayro'n man po ay p-pasensya na po.” Kinakabahan kong sabi sa kanya.
Napayuko ako pagkatapos kong sabihin iyon. Pero, ganoʼn na lamang ang gulat sa aking mukha nang tumawa siya.
Tumatawa si Sir Leif?
Pinikit at dinulat ko ang aking mga mata para makitang hindi ako namamalikmata sa aking nakikita. Tumatawa nga siya. Lumapit ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sunod kong ginawa, kusa na lamang gumalaw ang aking mga kamay at hinawakan ang kanyang pisngi.
Gulat akong nakatingin kay Sir Leif. Magkalapat ang aming labi sa isa't-isa. Ano itong ginawa ko?
Bibitaw na sana ako pero gumalaw ang kanyang labi sa labi kong nakalapat sa kanya. Gumalaw iyon na siyang pagkataranta ko.
“S-sorry po, Sir Leif!” Hingi kong sorry sa kanya. Kinakabahan ako at kumakabog ang aking dibdib dahil sa aking ginawa. “H-Huwag niyo po kong tanggalin! H-hindi ko po kayo inaakit!” Sunod na sabi ko sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.
“Silly.” Narinig kong sabi niya sa akin. Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Sir Leif na nakaluhod sa akin at nakangiti. “Go back to your work na, Kathleen. Have a nice day!” sabi niya sa akin at tinayo niya ako sa aking pagkakaluhod.
Teka, si Sir Leif ba talaga iyon?
Seryoso ba iyong narinig ko kanina?
Have a nice day from him?
Lutang akong bumaba sa 8th floor at hindi ko nga namalayang nasa utility room na ako. Sinabi ba niya talaga iyon? Ang 'Have a nice day'? Hindi siya nagalit sa akin, ʼdi ba? Hindi niya ako sinigawan at sinisante? Bagkus ay ngumiti pa siya?
Ano ba naman tayo, Kathleen? Bakit kasi ginawa natin iyon? Ang halikan si Sir Leif? Napahawak ako sa aking labi at naalala ang paghalik ko kay Sir Leif, maging siya ay hinalikan din ang aking labi. Gumalaw ang labi. Ang lambot ng kanyang labi, ganoon din kaya ang labi ni Lennox?
Napailing ako sa aking iniisip. Bakit ko ba naisip ang bagay na iyon? Malambot ang labi ni Lennox? Syempre malambot iyon, sa mga picture and commercial pa lang niya ay dama mo na ang kalambutan nu'n. Teka, Kathleen, alisin muna natin sa isipan ang tungkol sa labi na iyan. Nasa work tayo ngayon, focus sa work at hindi na dapat natin ulitin iyong ginawa natin kanina.
“Kath? Ayos ka lang?”
Napatayo ako nang may magsalita sa aking likod. Gulat akong napatingin kay ate Lovely... Si ate Lovely lang pala.
“A-ayos lang po ako...” sabi ko sa kanya at napaupo ulit dito.
“Hindi ka ba napagalitan ni Sir Leif?” Sunod niyang tanong sa akin kaya napatitig ako sa kanya.
Naalala ko na naman. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari kanina pero tinikom ko na lamang ang aking bibig. Baka sabihin nila napaka-ilusyunada akong babae. Hello, langit ang mga Smith at ako na isang Sarmiento ay lupa lamang para sa kanila. Kaya hindi ko sasabihin ang nangyari kanina.
“Um, hindi po, ate Lovely.” sabi ko at umiwas nang tingin sa kanya.
“Ganoʼn ba? Akala ko pinagalitan ka ni Sir Leif. Basta tiisin mo na lamang, Kath, ha? Mababago na rin naman na ang assignment floor natin sa Monday.” Bakas sa mukha ni ate Lovely ang pag-aalala.
Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang ayos lang ako. Ako kasi pinakabatang janitress and medyo bago-bago rin dito. Iyong tatlong kasabayan ko kasi ay natanggal na dahil nga pinatuntong din sila sa 8th floor ay tinanggal sila ni Sir Leif. Kaya ganoʼn na lamang ang kaba nila para sa akin, at the same time ay alam nila ang buhay ko. Kaya need ko talaga ang pera.
“Ayos lang po talaga ako, ate Lovely. Huwag po kayong mag-alala. Ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para walang maiwan na dumi roon lalo na sa office room niya.” Nakangiti kong sabi sa kanya at tumango siya sa akin.
“Ganoʼn nga dapat. Think positive lang, okay? Hintayin na lamang natin si ate Leslie mo then kain na rin tayo. Nagwawala na iyong sawa ko sa aking tiyan.” Natatawa niyang sabi sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Mabuti na lamang talaga ay may mga kasamahan akong mababait at laging nakasuporta sa akin.
Natapos ang aming lunch break, heto na naman tayo. Pa-akyat na ulit sa 8th floor para sa pangalawang beses na pagwawalis. Hindi naman na ako kinakabahan dahil ʼdi ko na need pumunta sa office room ni Sir Leif katulad kahapon. Pero, ganoʼn na lamang ang dismaya ko nang papasukin ako ni Sir Carl sa loob.
“May natapon na tubig sa pantry. Pakilinis.” Iyon lamang ang sinabi niya sa akin kaya pumasok na ako sa loob.
Walis tambo, dustpan and pamunas lamang ang dala ko. Mabuti na lamang ay nagdadala ako nang pamunas, kung ʼdi anong gagamitin kong pamunas doon sa tubig na natapos, ʼdi ba? Uniform ko?
Pumasok ako sa loob at nakita ko na naman si Sir Leif, napaka-seryoso na naman ang mukha parang ibang-ibang sa nakita ko kanina. Iyon tumatawa na Sir Leif. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil nahihiya ako sa nangyari kanina.
Lumakad ako papunta sa pantry at nakita ko nga roon ang tubig na natapon. Napangiwi ako dahil ang konti lang naman ng natapon, kaya na nito ang tissue sa pagpupunas. Bakit pa nila ako tinawag? Ganito ba talaga kapag mayayaman?
Una kong pinunasan ang table at tinayo ko ang baso, nakatumba kasi ito. Nang matuyo sa table ay sunod kong pinunasan ang sahig. Winalisan ko na rin ng paligid sa pantry para maging malinis ulit.
Nang makitang wala naman na ay lumabas na rin ako. Hindi ko na inistorbo si Sir Leif. Pagkalabas ko ay yumuko ako kay Sir Carl. “Tapos na po.” ani ko sa kanya. Tinignan lamang niya ako at bumalik sa kanyang ginagawa.
Tapos na rin ang duty ko ngayong Thursday. Sa Karinderya naman na tayo ni Aling Florida magtatrabaho. Sana talaga matapos na ang week na ito parang ayokong magpakita bukas kay Sir Leif dahil sa ginawa ko.